Chapter 31: Lunch Date

Start from the beginning
                                    

Napangiti naman si Samantha.

Sinong tao ba naman ang hindi matutuwa kapag pinuri ng genuine ang pinaghirapan mo?

"It's an honour. December is approaching and the changing season got me inspired, so I created that collection," Samantha said truthfully.

"Heto ang munting regalo, Miss Sam. And your lunch for today, it's on us,"

Kinuha naman ni Samatha ang sobre na inaabot ng may edad na shopkeeper.

"Thank you, Shopkeeper Magtanggol. And uh, hindi ko po tatanggihan ang lunch," Samatha said in a teasing tone.

Masayang tumango naman ang may edad na Shopkeeper. Sa kanyang isipan ay paulit-ulit siyang humihiyaw ng 'success!'.

"Paano, iiwanan ko na kayo Miss Sam. Kailangan ko pang bumalik sa jewelry shop para magbantay," magalang na pamamaalam ni Shopkeeper Magtanggol.

Ngayong nagawa na niya ang ipinapagawa ng kanyang boss, magaan na ang mga paa ng may edad na lalaki noong humakbang palayo sa pang-apatan na mesa.

Ngumiti si Samatha saka magalang na nagpaalam. "Salamat po Shopkeeper. Ingat sa byahe!"

Malaki ang utang na loob ni Samantha sa may edad na lalaki. Salamat dito dahil isa-isa na niyang nailalabas ang mga disenyo na ninakaw sa kanya noon.

Kung makilala man iyon internationally kagaya noon in her past life, it's good. At kung hindi naman, okay pa rin. At least, hindi ang demonyitong Hudyo ang nakikinabang sa lahat ng pinaghirapan niya.

"So, Young Miss, what do you want to order?"

Nang makaalis na ang shopkeeper ay si Arya naman ang pinagtuunan ng pansin ni Samantha. Past noon na kaya naman alam niyang gutom na ito.

"Ikaw na po ate ang mag-order," ani Arya sa mahinang tinig.

Nahihiya siya at hindi malaman kung saan ba ilalagay ang kanyang mga paa at kamay.

"What did I tell you in the past? How are you going to act in an unfamiliar environment?" tanong ni Samatha habang pinapasadahan ng tingin ang menu.

Tumayo ng tuwid si Arya.

Ilang beses na niyang sinabi sa kanyang sarili ang mga bagay na itinuro sa kanya ng kanyang ate Sam.

Araw-araw ay nag-i-improve si Arya. Hindi na siya katulad noon na sobrang mahiyain. Kaya na niyang makipag-sabayan sa mga kaklase niyang may maayos na estado ang pamumuhay. After all, she originally came from a well to do family.

She have the bearing of a rich lady deep in her bones. Masyado lang siyang na-insecure dahil sa set back na naranasan ng kanilang pamilya.

"Always be a dignified person. People in this place is the same as us. Huwag nating maliitin ang ating sarili dahil lang sa hindi tayo lumaki sa ganitong uri ng environment. We can adapt and learn,"

Ngumiti si Samantha pagkatapos marinig ang sinabi ni Arya. Kahit siya man ay natutuwa sa improvement na ipinapakita ng dalagita.

"Let's eat. Mamaya ay lilibutin natin ang buong Mall,"

"Okay!"

"I'm sure, you will like their food," ani Samantha saka nag-mwestra sa waitress na oorder na sila ng pagkain.

Lahat ng signature dishes ay inorder ni Samatha. Walang dahilan para pigilin niya ang sarili. Si Shopkeeper Magtanggol mismo ang nagsabi na libre ng boss nito ang tanghalian nila.

Sa laki ng kinita ng mga ito mula sa mga designs na ibinigay niya, confident si Samatha na kahit kumain pa silang dalawa ni Arya sa loob ng dalawang oras ay hindi malulugi ang AJS.

*****

Pagkatapos kumain ay kaagad na umalis ang dalawa sa mamahaling restaurant. Kaagad silang nagpunta sa second floor kung saan naka-pwesto ang mga boutique para maghanap ng simpleng dress na gagamitin ni Samatha kinabukasan.

Tatlong boutique na ang napupuntahan ng dalawa pero pareho silang walang nagustuhan. Hanggang sa makarating sila sa pang-apat na boutique.

Parehong natulala ang dalawa sa mannequin na naka-display sa harapan ng shop.

Nakasuot sa mannequin ang mannequin ng simple pero eleganteng tingnan na puting dress. Hindi mapuknat ang paningin ni Samatha mula doon.

"Ate Sam, isukat mo kaya ang dress na 'yan, I'm sure na bagay 'yan sa'yo," mahinang bulong ni Arya.

Niyugyog pa nito ang kamay ng kanyang ate Sam.

"Okay, isukat ko," ani Samatha na bahagyang kinabahan.

Biglang-bigla ay parang na-excite siya sa gaganaping kasal niya bukas. Kahit na marriage of convenience lang iyon, walang kaso iyon sa dalaga.

Dahil sa totoo lang, gustong-gusto niyang kasama ang buong pamilya ng lalaking pakakasalan niya. Sa tuwing iniisip niya na magiging lehitimong pamilya na niya ang mga ito oras na matapos na ang kasal.

At ang divorce?

Siyempre, hindi niya nakakalimutan ang bagay na iyon. Pero hindi naman siya pwedeng magpakasal ngayon at pagkatapos ay magiging divorce na kaagad kinabukasan, hindi ba?

Sa ngayon ay tutulungan niya muna ang pamilya ni Arem and while doing that, mag-iipon na rin siya ng pambili nang munting villa niya.

The DivorceWhere stories live. Discover now