Chapter 30: Her Creations

Start from the beginning
                                    

"Sige na, kakain na tayo," anang ginang. Akmang papasok na ito sa bahay noong makita ang anak na si Arem. Palabas naman ito ng bahay. "Saan ang punta mo, anak?"

"Bibili lang ng kasalo, mom,"

"Coke akin, kuya," kaagad na request ni Arthur.

"Sprite, kuya," segunda naman ni Ariston.

"Okay. I'll buy both,"

Mabilis na nag-high five si Ariston at Arthur.

Naiiling na lumabas na lang ng bahay si Arem.

Noong makalayo-layo na ay kinuha ni Arem ang lumang phone sa bulsa niya. Mabilis siyang nag-send ng text kay Shopkeeper Magtanggol. Nang matapos ay muli niyang ibinalik ang naka-silent na phone sa kanyang phone at pagkatapos ay kaagad na siyang nagtungo sa tindahan para bumili ng dalawang kasalo.

*****
Salamat sa gamot na ininom ni Samantha kanina, parang nagdahilan lang ang ulo niya. Hindi na ulit iyon kumikirot at mas magaan na ang pakiramdam niya habang nakaupo sa pampasaherong jeep.

Dinama ni Samantha ang pagdampi ng sariwang hangin sa kanyang mukha.

"Saan tayo bibili ng damit, ate Sam?" Excited na tanong ni Arya habang nakaupo silang dalawa ng ate Sam niya sa loob ng jeep.

"Hmmm? Sa Elegance?" Patanong na sagot ni Sam.

Matagal niyang naririnig na gustong-gustong makapasok ng dalagita sa mamahaling establishment.

Napasinghap si Arya. Namimilog ang mga mata na hindi maitago ang nararamdamang saya.

"Seryoso po?!"

Iyon ang pinakasikat na Luxury Shopping Mall sa buong Siudad. Kailangan munang magpa-member bago makapasok sa naturang establishemento.

"May VIP card ka nga ate?" Namimilog ang mga matang tanong ng dalagita. Hindi pa rin makapiwala.

"Yup," ani Samantha saka tumango.

Napangiti na lang habang naiiling ang dalaga habang pinagmamasdan ang dalagitang kasama.

"Nagpa-member ka nga?" Humahangang tanong pa ni Arya. Hindi marahil nito naintindihan ang sinabi ng sariling ina kanina o masyado lang itong excited kaya wala itong ibang naririnig.

"Nope. The AJS gave me the VIP card, so it's all thanks to them,"

Arya's mouth formed an 'O'.

Ayon sa mga kaklase ni Arya, daang libo ang inaabot ng membership sa Elegance Luxury Mall, tapos pinamimigay lang ng AJS sa designer nila?

"Bongga ate! Ilan po kayong designer na binigyan?"

"Hmmm? Ang pagkakaalam ko ako lang ang nag-iisang designer ng AJS sa Main Branch. Hindi ko alam sa iba nilang branch,"

"Whoa!"

Muli na namang kumislap ang mga mata ni Arya. Napatitig siya sa kanyang ate Sam.

Imagine, her sister-in-law is the only designer of the famous Jewelry Shop in their City!

She's so freaking proud of her!

Kahit na inalisan ng mana ang kuya Arem niya, maswerte pa rin ito dahil nakatagpo ng capable na asawa. With her sister-in-law's work, hindi na magugutom habangbuhay ang kuya niya! Secured na ang future nito!

"What are you thinking?" Natatawang dinutdot ni Samantha ang pisngi ng dalagita na ngayon ay mabilog at namumula-mula na.

Hindi siya nagpa-member. Hindi niya masisikmurang waldasin ang perang pinaghirapan niyang kitain para lang ipa-member sa ganoon kagarbo at kagastos na lugar.

Ang AJS mismo ang nag-abot sa kanya ng VIP card na iyon noong huli siyang magpasa ng designs.

Ayon sa shopkeeper ng jewelry store, magagamit niya ang VIP card na iyon sa lahat ng malalaking Mall sa Siudad. May mga item pa na mabibili niya sa kalahating halaga lang ng original price. Kung hindi man kalahati, pwede siyang bigyan ng 40 or 30% off. Malaking bagay na iyon para sa tulad niyang nagtitipid.

Hindi akalain ni Samantha na malaki ang magiging impact ng VIP card sa dalagita. Good thing, hindi niya iyon tinanggihan.

Pagkababa sa paradahan ay kaagad na pumara ng taxi si Samatha.

Nasa isang private Villa ang Elegance. Mahigpit ang security sa naturang lugar kaya naman mga pribadong sasakyan or taxi lang ang pwedeng pumasok doon.

"Saan po tayo, Ma'am?" Magalang na tanong ng may edad na driver.

"Elegance po,"

"May VIP card po kayo?"

"Meron po kuya!" Si Arya na ang excited na sumagot.

Natatawang minaniobra ng may edad na driver ang sasakyan.

Kalahating oras ang byahe mula sa paradahan hanggang sa pinaka-sentro ng Siudad. Hindi nainip sa byahe ang dalawa dahil makwento ang taxi driver na kanilang nasaktan. Bawat lugar at building ay may komento o kwento ito. Kaya naman noong makarating sila sa malawak at magarbong entrance ng Shopping Mall ay parehong nakangiting bumaba si Samatha at Arya.

Dinoble ni Samantha ang bayad kay Manong Driver. Dahil bukod sa pagiging makwento ng lalaki ay maingat din ito magmaneho.

"Thank you kuya!" Nakangiting kumaway pa si Arya sa taxi bago ito tuluyang sumunod kay Samatha papunta sa entrance ng Mall.

"Good afternoon Ma'am, pwede po bang makita ang VIP card niyo?"

Mabilis na inilabas naman ni Samatha ang kulay gintong card. Kumikinang iyon at halos walang gasgas.

"Ah, kayo po si Ma'am Samantha?"

Samatha raised her eyebrow.

Walang pangalan ang card na ibinigay sa kanya kaya paano nito nalaman ang pangalan niya?

"Ah, hinihintay po kase kayo ni Shopkeeper Magtanggol, nandoon po siya sa Noble Restaurant. Sabihin niyo lang po sa nag-aassist ang pangalan ni Shopkeeper Magtanggol,"

Napakunot-noo si Samatha.

May hindi ba siya nagawang maganda para katagpuin siya ng shopkeeper?

Pero wala namang mali sa mga designs na ipinasa niya. At alam niyang magugustuhan ng madla ang lahat ng iyon dahil in her past life, that good for nothing son of a beech, stole all of her creations.

Milyon-milyon ang kinita nang Hudyo mula sa sandamakmak na designs na trip lang gawin ni Samantha kapag nabo-bored siya.

Sinunog na niya ang sketch pad na naglalaman ng lahat ng kanyang ideya. Hindi na niya kailangan iyon dahil nakatatak na sa isipan ng dalaga ang lahat ng mga ginawa niya na nag-trending in her past life. Tandang-tanda niya pa noon, gutom na gutom siya pero wala siyang ibang magawa kung hindi ang pagmasdan ang malaking Billboard na kung saan ay naka-display sa katawan ng magandang model ang isang set ng kanyang design.

Busog na busog ang bulsa ng magnanakaw habang siya na pinanggalingan ng ideya ay mamatay-matay na sa gutom.

A cold glint flashed in Samantha's eyes.

In this life, sisiguruhin niyang walang ibang makikinabang ng mga likha niya maliban sa kanya.

The DivorceWhere stories live. Discover now