Chapter 1: Worst Day

71 10 4
                                        

Yasmin's POV

"There is a term that is used in math to represent the distance that a number is from zero. That term is absolute value. The absolute value of 3 is three. The absolute value of -6 is six. This means that in terms of absolute value, -6 is larger than 3. In other words, 6 takes up more places on the number line. Look at the number line below. The red numbers represent the numbers of places it takes to reach -6 from zero. The blue color represents three. You can see that the red line is much longer than the blue one." Blah blah blah blah.

Sabi ni ma'am sabay turo ng turo na parang shunga sa blackboard kahit walang nakikinig sa kanya. E pano naman kasi, nakaka-antok yung pag tururo niya. Ang hinhin niya tapos wala siyang paki-alam kung may nakikinig sa kanya o wala. Sayang ang effort diba?

Yung iba nagdadaldalan. Yung iba nagbabatuhan ng papel. Yung iba nag ma-make-up. Yung iba tulog. Yung iba nag ga-gadgets. Yung iba nag seselfie. O diba? Ayos ng trip ng mga kaklase ko - este kami pala. Hehehe.

"Class dismiss."

"Woooohh!!"

"Yes!!"

Nagsigawan agad yung mga kaklase ko pagkatapos mag dismissed ng teacher namin. Ako naman bagot na bagot na tinago sa bag ko yung mga libro ko. Hayst! Nakakatamad talaga ngayong araw!

*ring.. ring..

Nag ring na yung bell namin. It means recess na namin! Yes! Eto lang yung favorite ko sa buong araw e.

Mag-isa ko lang na pupunta sa canteen. E ano pa ba ang bago? Sa tagal ko na dito sa school na 'to wala pa din akong kaibigan. Sikat nga ako e. Sikat sa ka-pangitan ko. -___-

May nadaanan akong teacher. "Yasmin!" Tawag niya sa akin.

"Yes ma'am?"

"Pwede ba kitang utusan? Paki-hanap nga si Ms. Diaz kasi may meeting kami. Saka nasa grade 7 yung gamit ko. Paki-lagay nalang sa grade 8. Salamat Yasmin."

"Okay po ma'am." Pagpayag ko.

Hinanap ko si Ms. Diaz sa pre-elem at elementary pero wala siya doon. Hinanap ko na din siya sa high school pero wala ulit. Nilibot ko na nga lahat ng buong campus pero wala e. Hayst! Malapit na ang time pero wala pa akong accomplishment na nagagawa sa inutos ni ma'am. Accomplishment talaga? Haha!

Inuna ko ng kunin sa grade 7 yung gamit ni ma'am para ilagay sa grade 8 kasi yun yung inutos diba? Kasi kung hindi ko pa ginawa 'yon, wala na. Wala na akong matatapos sa inutos ni ma'am.

Hayst! Hindi ko talaga mahanap si Ms. Diaz. Sabihin ko nalang kay ma'am mamaya na hindi ko siya mahanap. Saang lupalop ba ng mundo nagpunta si Ms. Diaz?!

Tinignan ko yung orasan ko. Halaa! 5 minutes nalang! Hindi pa ako nakakapag break?!

Tumakbo na ako papunta sa canteen. Kailangan kong kumain. Kanina pa ako nagugutom e.

Omg! Panget na nga ako ma-hahaggard pa ako. E ano ng nangyari sa akin?! Mukha na akong Sisa sa itsura ko neto. Pagkamalan pa akong baliw dito!

Pagkapunta ko sa canteen, konti nalang yung tao. Kasi yung ibang grade levels time na nila.

"Manang! Manang! Manang! Pabili po ng isang coke at sandwich lang po. Salamat po! Pakibilisan nalang po ha?" Nagmamadali kong sabi sa kanya.

At nung anjan na yung order ko, agad kong kinuha at ilagay sa bakanteng table na nahanap ko.

Kaso may nabunggo akong lalaki sa sobrang kamamadali ko. Pero hindi as in na natapon yung tray sa lalaki ha? Parang nadumbo lang. Kaya nga, nabunggo nga. Ano ba sabi ko? HAHAHA!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 18, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

" Hoy, panget! "Where stories live. Discover now