CHAPTER 17

2M 39K 6.1K
                                    

CHAPTER 17

CZARINA AND YMAR have been arguing for thirty minutes now. Ano ang pinag-aawayan nila? Their baby's gender. Ipinagpipilitan kasi ni Ymar na babae ang anak nila, at siya naman ay ipinagpipilitan na lalaki ang magiging anak nila.

"No. It's a girl." Ipinaglalaban talaga ni Ymar na babae ang laman ng tiyan niya.

"No. It's a boy!"

"Girl!"

"Boy!"

"Ewan ko sa 'yo." Humalukipkip si Ymar. "Babae nga sabi, eh. Gusto ko ng babae. Gusto ko kamukha mo."

Biglang nawala ang kagustuhan niyang maging lalaki ang anak. So that's his reason? "Oo na. Babae na."

Ymar rewarded her with a sweet smile. "Yes!" Yumakap ito sa kanya habang nakasandal siya sa railing ng terasa ng kuwarto nito. "Gusto ko talaga babae. I want her to have your tantalizing eyes, your cute nose, your kissable lips and your personality. Gusto ko magmana siya lahat sa 'yo. I want to see a small replica of you at tatawagin niya akong daddy."

Her heart swelled in happiness. "Kabaliktaran tayo. Gusto ko kamukha mong lalaki."

"Babae sabi, eh." Ymar smiled and kissed the corner of her lips. "Gusto kong pangalan ng baby natin ay Ymarina."

"Ymarina?"

"Yma from Ymar and Rina from Czarina. So, it's Ymarina."

"Nice." Ipinalibot niya ang mga braso sa leeg nito. Then she rested her head on his chest. "Ymarina... I like it."

Hinaplos ni Ymar ang buhok niya habang yakap siya sa baywang. "At kapag lalaki naman, not that it's a boy, nararamdaman kong babae siya, ang gusto kong pangalan ay Ymaz."

"Ymaz?"

"Yeah."

She nuzzled his neck. "I like it. Ymarina and Ymaz. Cute. Puwedeng-puwede."

Masuyong sinapo ni Ymar ang mukha niya, saka pinakatitigan siya nang matiim. His eyes were glistening in happiness. "Wanna go out with me, banana?"

Czarina stilled. "What?"

"Wanna go on a date with me?"

Namilog ang mga mata niya. Simula nang magpanggap silang dalawa, hindi pa siya nitong inayang makipag-date. Ngayon lang. She couldn't help but to feel giddy and happy. Para sa kanya, assuming na siya kung assuming pero nararamdaman niyang nag-i-improve na talaga ang relasyon nilang dalawa.

Czarina could feel it. Ymar really liked her. Kailangan na lang niyang maging mabait dito para ma-in love na ito sa kanya.

Kaya ko 'to! Ako pa! Mabait naman talaga ako, eh. Hindi lang halata.

"Sige. Date tayo," sabi niya na may masayang ngiti sa mga labi. "Pero ako ang pipili ng lugar—" Czarina! Be nice, remember? Tumikhim siya, "I mean, puwedeng ikaw rin naman ang pumili," biglang bawi niya.

Ymar rolled his eyes at her. "You don't need to be nice, banana." Mukhang napansin nitong pinipilit niyang maging mabait. "Hindi bagay sa 'yo. Saka sanay na ako sa ugali mong bossy."

Mahina siyang natawa. "Sanay ka na?"

Ymar grimaced. "Oo naman. Medyo matagal na rin tayong magkasama. Sanay na ako."

Pinangigilan niya ang pisngi nito. "Asus, ang asawa ko."

Pinagsalikop ni Ymar ang mga kamay nila. Czarina instantly felt contented and happy. Ymar made her feel happy and blessed. Sana nagagawa rin niyang ibalik ang kasiyahang naibibigay nito sa kanya.

POSSESSIVE 7: Ymar StroamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon