CHAPTER 26 - Old Script

Magsimula sa umpisa
                                    

Nanghihinang inilapag niya ang cell phone sa ibabaw ng kama saka huminga ng malalim. She's a suitable mate for Lucien. Oh, thank you.

Lumabas siya ng bahay para magpahangin at naglakad-lakad palibot sa mansiyon ng mga Kallean. Nakaka-apat na ikot na siya ng may mahagip na bulto ang mga mata niya. Kinakabahang nilapitan niya ang bulto.

Virgo sighed in relief when she saw that it was Lashka.

"Hey, Lashka."

Humarap sa kaniya ang dalaga at ngumiti ng makita siya. "Hey, Virgo." Ini-angkla nito ang mga braso sa braso niya at hinila siya palabas ng gate ng bahay.

Lashka is free to roam around, it's already ten in the evening.

"I want to go to Night Club." Sabi nito. "Sama ka sakin, wala naman si Kuya Lucien, mamayang madaling araw pa 'yon uuwi."

Well, wala naman siyang gagawin. "Sige, sama ako." Tiningnan niya ang sariling damit. "Ayos lang ba ang suot ko?"

She's wearing tight leather jeans, hanging crop top and ankle boots. Nakalugay ang kulot at kulay mocha niyang buhok.

Lashka raked an appreciative stare over her body. "Ayos na ayos ang damit mo. You're so pretty. Kaya baliw na baliw sa'yo si Kuya, e."

Ngumiti lang siya bilang tugon.

Binitiwan siya ni Lashka at nauna na itong tumakbo patungo sa Night Clun. Siya naman ay nasa likod lang nito at sinusundan ang dalaga.

Lashka stopped in front of an old warehouse. For humans, it's nothing but a wreck abandoned warehouse, but below that abandoned warehouse lays a very lively Night Club swarming with vampires. Naririnig niya ang malakas na musika na nangagaling sa basement.

Hindi pa si Virgo nakakapunta sa Night Club pero naririnig na niya ang Club mula kay Vixor noon nuong nasa Russia pa sila.

Sabay silang pumasok ni Lashka sa loob. Nang makababa sila sa basement, kaagad silang nagtungo sa Bar at umorder ng Bloody Mary. Literally.

Bloody Mary with human blood in it. It tastes good actually. Liquor mixed with blood is delicious and addictive.

"Wanna dance, pretty lady?"

Narinig niyang tanong ng isang lalaki. Mabilis niyang nilingon ang nagsalita at nakita niyang si Lashka ang inaaya nitong sumayaw.

Lashka looked at her first before smiling at the man. Lashka accept his invitation. Naiwan siyang mag-isa sa Bar.

Hindi pa niya nakakalahati ang inorder niyang Bloody Mary ng may umupo sa iniwang stool ni Lashka sa tabi niya.

"Huwag kang pakalat-kalat, Virgo. Hindi 'yan makabubuti sayo." Anang boses na tabi niya.

Mabilis niyang binalingan ang nagsalita. Kumabog ng malakas at mabilis ang puso niya ng makita ang lalaking naabutan niyang patingin-tingin sa mga nakasarang bintana ng mansiyon ng mga Kallean.

Tinitigan niya ang mga mata nito. Hindi iyon pula. His eyes tonight were color Mocha. They look good.

"Sino ka ba?" She asked, wary.

"I'm Xon." Pagpapakilala nito saka ininom ang beer na hawak.

"Wala akong kilalang Xon." Aniya.

"I know." Nginisihan siya nito. "Anyway, you shouldn't be here."

"Why?"

He whispered on her ear. "Rogues are everywhere. They will kill you."

Nanindig ang balahibo niya sa takot. Nanlamig ang buong katawan niya.

Favorite Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon