Chapter 9

8 0 0
                                    

Chapter 9

I set up my thread mill after putting my tumbler down. Nagpahinga lang ako nang ilang minuto after lifting weights and here I am now, running.

"Wow..." My sweat dripped off my skin. I can feel my muscles sore but I didn't bother to stop. Ngayon na lang ulit ako nakapag-gym after everything and I will not waste my time by just solely resting.

Sinuksok ko ang earbuds sa magkabila kong tainga dahil naalala kong tumatawag nga pala sa akin si Karl. Mabuti na lang at naayos ko ito kanina. I hate interruptions—especially when I am at my serious moments.

"What?"

"Musta?"

"Didn't I stop at your house earlier?"

"‘To naman! Nangangamusta lang, eh! Nakalimutan ko kanina!"

"May kailangan ka ba?"

"Wala kang pasok?"

"Meron..." Sagot ko. "But I'm too late for that. Mamaya na lang. Wala akong gana."

"Kung ako ang guardian angel mo, nakutusan na kita..."

"Hindi ka papasa sa auditions. Mataas ang standards. Hindi papapasukin ang mga demonyong katulad mo roon."

"Nag-joke lang, nainsulto pa. Oh... kamusta na nga? Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko."

I slowed down my speed a bit. Masiyadong matanong itong kausap ko.

"Ano bang gusto mong marinig?"

"Iyong totoo?"

"Okay, Karlos Miguel Vallarta, listen carefully. I'm not fine. Nagse-sex ang mga problema ko at mukhang hindi sila hihinto hangga't humihinga pa ako." Mahabang sagot. "Okay na ba? Napagaan ba ng sinabi ko ang daloy ng dugo sa puso mo?"

"Engot amputa! Hindi ikaw ang tinatanong ko!"

"What?"

"Si Lolo Tom!"

Sa halip na malungkot, mas lalo pa akong nainis.

Pinatay ko na ang thread mill. I grabbed my tumbler and went to the side.

"Is he still at the mansion?"

Nabanggit ko sa kaniya ang sitwasyon ni Lolo and he was so shocked. Hanggang ngayon pa rin pala.

"Baka kailangan na niyang magpa-ospital? I mean... he's terminally ill."

"Salamat sa pagpapaalala."

"Sorry, I meant... nothing. How is he? Kapag tapos na ang shift ko, susubukan kong dumalaw sa mansiyon."

Uminom ako ng tubig. "Kahit anong sipsip mo, walang ibibigay sa'yong ginto iyon. Trust me."

"Hindi naman lahat ng tao katulad mo."

"Tinanggihan ko ang Alta." Iyon ang hindi ko pa nasasabi sa kaniya.

He gasped. OA talaga. "May sayad ka ba?! Why would you..."

"Dahil hindi naman lahat ng tao ay katulad mo." I ended the call dahil sa inis ko.

My morning was peaceful, did he really have to ruin it?

Paulit-ulit ko lang naaalala ang usapan namin ni Lolo. Ang sakit niya... ang burden ng impormasyong hindi niya pa rin sinasabi maski sa mga anak niya, at ang pagiging lowkey therapist niya sa akin.

The Touch of Eternal Sorrow (Altarieno Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon