"My Secretary II"

390 19 4
                                    

Habang chinicheck namin ang loob ng construction site, napapansin ko rin ang mga contruction workers dito na panay tingin nila dito sa aking sekretarya at hindi kumikirap na halos hinuhubaran na nila. Nilingon ko naman si Pia na busy kakatingin sa dalang ipad nito at walang pakialam sa paligid niya pero ngayon ko lang napagtanto na ang sexy pala niya tsaka ang iksi ng skirt nito kaya hindi ko maiwasang mainis! "Haystt!!! Bakit ba ganito nalang ang nararamdaman ko sa tuwing may tumititig sa kanya na halos huhubaran na siya!"

Isang oras na kaming nagtagal dito habang naguusap kami kasama ang isang engineer pero napapansin ko rin na panay tingin nito sa katabi ko sabay labas ng dila at napakagat labi pa ito "Aba't gago to ahh!" Kaya hindi ko na napigilan ang inis ko, tumayo ako at hinila ang secretary ko, napansin naman ito ng mga kaibigan ko.

"Hey Pat! Saan kayu pupunta? Tanong ni Noey.

"Mauna na kami sa kotse, doon nalang namin kayu hihintayin..

"Huh bakit?

"Masakit na ang likod ko! Pagsisinungaling ko pero ang totoo hindi ko na matiis ang inis ko sarap sapakin nitong manyak na engineer na to!

Narinig ko pang tinawag kami ni Jim pero hindi ko na ito pinansin pa at umalis na kami habang hila² ko si Pia, nararamdam ko naman na pumipiglas siya pero hindi ko hinayaang makawala hanggang sa nakarating na kami sa kotse.

"Aray ko boss.. yung braso ko! Pagrereklamo nito pero wala epek sa akin.

"Get in! Pumasok naman siya at hindi na nag protesta at pumasok na rin ako.

"Boss, ano pong problema bakit niyo ako hinila ng ganun.. may problema po ba? Mahinahon nitong tanong.

"Wala! Cold kong sabi pero may halong galit din.

Tumahimik nalang ito at hindi na nagsalita pa. Minuto lang ang paghihintay ay lumabas narin ang dalawa sa construction site kasama yung manyak na engineer! Nagpaalam na ang dalawa sa engineer pero napansin kong napatitig na naman siya sa aking sekretarya kaya padabog akong lumabas ng kotse at nag tungo sa kanila.

"Maganda ba ang sekretarya ko? Inis kong sabi sabay kuha ko ng susi ng kotse kay Noey habang iniikot ikot pa niya ito sa kanyang daliri kaya napansin nila Jim at Noey at napakunot ang mga noo nito.

"Ahh.. ee hindi ko po maalis yung tingin ko sa kanya ma'am ee.. ang ganda niya kasi. Sabay kamot nito sa kanyang ulo.

Nang masabi niya iyon ay uminit ang ulo ko at hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinarap ko siya. "Aba't gago to ahh!"

"Mahal mo naman siguro ang trabaho mo! Galit kong sabi.

"Patricia!! Pagpigil ni Jim sa akin.

"Ma'am pasensya na... Huwag niyo po akong tanggalin.

"Ayun naman pala! So back off!! Sabay alis ko sa harapan niya sabay pasok sa driver seat.

Nakasunod naman sila Jim at Noey at pumasok na ito. Habang nagmamaneho ako ay nagsalita naman si Jim.

"Hoy pat! What is that behaviour? Ayus ka lang pat?

"Ou nga pat! Anong problema mo dun sa engineer na yun?

Hindi ako umimik at pinukos ang tingin ko sa daan kaya itong secretary ko na halatang walang alam sa nangyayari.

BeckFreen (One SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon