ONE WEEK LATER…
PAGKATAPOS NG NANGYARI sa talon, agad akong inayang umuwi ni Kendric. Akala ko nga ay doon na kami magpapalipas ng gabi. Subalit, hindi iyon ang nangyari.
Madilim na nang makarating kami ni Kendric sa mansiyon. Pagkarating na pagkarating namin ay agad kaming sinalubong ng aming mga magulang.
Tinanong kami ng mga ito kung saan kami nanggaling. Ako lamang ang sumagot at sinabing lubos akong nawili sa kapaligiran kaya ngayon lamang sila nakabalik ni Kendric. Bakas naman sa mga mukha nito na nakahinga ng maluwag dahil sa sinabi ko.
Subalit, sa kabilang banda ay napansin ko ang tila pag-iwas at panlalamig ni Kendric. Kanina pa rin itong walang kibo habang lulan kami ng kabayo.
“Halina kayo sa loob para kumain at makapagpahinga na rin kayo,” saad ni mama.
Tumango lamang ako bilang tugon sa kay mama. Nauna na rin itong pumasok sa loob ng mansiyon kasama si Tito Henry.
Pumihit paalis si Kendric. Sa tingin ko ay tutungo ito sa kwadra upang pagpahingahin ang kabayo na kanilang ginamit. Kaya ay walang pakundangan at patakbong sinundan ko ang binata.
Naabutan ko itong ipinapasok ang kabayo sa silid nito. Nang pumihit paharap ay ang walang emosyon nitong mukha ang bumungad sa'kin. Lumapit ako sa kinatatayuan nito.
“Why are you being so cold? Maayos naman tayo kanina. Why a sudden changed?” Deretsong nakatingin ako sa mga mata ng binata habang tinatanong ang mga iyon.
KAMU SEDANG MEMBACA
A MAN OF HIS WORD SERIES 1: KENDRIC HAYES HIDALGO
AcakWRITER'S NOTE! This story was previously entitled "Illicit Love". WARNING: MATURE CONTENT | RATED 18 "Love conquers all," they say. Is it love when it can possibly destroy what your parents have? Or is it selfishness? Nahli and Kendric are soon-to-b...