"May tao ba dyan?!" shemay parang tanga na akong sumisigaw nito sa gitna ng kagubatan, I sigh.


Walang sumagot ngunit may narinig akong tunog ng tumatakbong paa kung kaya't sinundan ko ito at iniwan ang sapatos doon, napakunot ang noo ko ng may makitang tao na tila nagtatago sa malaking puno ng akasya, para itong nakatingin sa direksyon ko at sinadyang ipakita ang kalahating parte ng kanyang katawa, naka purong itim ito at may takip din sa mukha na kulay itim.

Tumakbo ako papalapit sakanya ngunit nagulat ako ng tumakbo rin ito kung kaya't hinabol ko sya.


Ngunit napakagat ako ng labi at tumayo ang mga balahibo ko sa batok ng makitang bumalik na naman ako sa dinaanan ko kanina, nagsisimula na akong kabahan, gago hindi nato joke mukhang naliligaw na nga ako.


I gulped, I'm fighting the urge not to be scared.

"Baka sa kaliwa na talaga..." lumakad ako papunta sa isang daan ngunit napahinto rin ako ng may mapagtanto.


Napalingon ako sa paligid, wala naman sigurong tao dito.

Dahan dahan kung itinaas ang damit ko upang hubadin ngunit nanlaki ang mga mata ko ng may marinig, mabilis kung ibinaba ang damit.


"uhm." Nakita ko si Bellerophon na nakaupo sa isang bato, teka lang, wala namang tao dyan kanina ah, sya ba yung taong tumakbo kanina?

"Anong ginagawa mo dito?" Ako na ang unang nagsalita, nawala rin ang kaba ko dahil kahit papano ay hindi pala ako nag iisa dito.


Hindi ito sumagot kaya lumapit nalang ako sakanya, "hindi kapa babalik?" umiling lang ito sa tanong ko kaya napakagat nalang ako ng labi, pansin kong ayaw nyang madisturbo at kaya ayaw nyang mag salita para manahimik na ako pero wala akong choice, kailangan ko ng maka balik dahil baka nakabalik na silang lahat.


"A-ah alam mo ba ang daan pabalik?" itiniklop nito ang libro at tumingala sakin.

Nagulat ako ng tumayo ito, "Yeah." maikling saad nya kaya kahit papano ay napanatag ako.

"A-ah pwedeng bang magpa--" hindi ko natapos ang sasabihin ng magsalita ito.

"Let's go"

Tahimik lang akong nakasunod sakanya habang tinatahak namin ang daan palabas ng kagubatan na ito, minsan minsan ay lumilingon ako sa paligid nag babakasakaling may naiwan pang flag pero mukhang nakuha na talaga nila lahat.


"Aw!" napalingon naman si Bellerophon saakin sa likod "I'm fine." kagat labing saad ko at sinubukan pang ngumiti, bumalik naman ito sa pag lalakad, napapikit nalang ako sa sakit dahil sa naapakan kong bato.


Ang lalake ang naghahawi ng mga humaharang na dahon habang naglalakad kami, napangiti naman ako ng maisip na kahit ganun ay gentleman rin pala sya.


Napalingon ako sa maliit na bahay na gawa sa bato, sa gilid nito ay mga naglalakihang mga kahoy at halos pumasok na rin ang mga nakalatay na ugat ng dahon sa bahay.


"Anong meron doon?" tinuro ko ang bahay at sinundan naman nya ng tingin. hindi sya sumagot at pinakatitigan lang ako ng mabuti bago nag kibit balikat tsaka nagpatuloy sa pag lalakad.


"Weird." mahina kong saad na mukhang narinig nya dahil lumingon ito ng kunti ngunit ipinag sawalang bahala na.


Na curious tuloy ako kung anong meron sa bahay na yun, may tumitira parin pala sa gitna ng kagubatan nato, pero mukha namang matagal ng adandon ang bahay na yun.



To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: Feb 19 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

Sly AcademyOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz