Hindi ko inalis ang mata sa tatlong tao na tumatakbo, dahil ito ang mga tao na kasama kong hahanapin ang five flags, buti nalang ay naabutan ko pa sila larrah, napalingon naman ito sa gilid ng makitang kasabay ko na silang tumatakbo.



Nagulat ako ng lumiko sila at pumasok sa isang kweba, mag tatanong pa sana ako kaso hindi ito ang tamang oras kung kaya't sumunod nalang ako.


Madilim ang loob ng kweba ngunit walang huminto sa pagtakbo.


"Winslayt! bilisan mo!" sigaw ni Larrah dahil nahuhili na ako sakanila


Hindi na ako sumagot at mas binilisan nalang ang pagtakbo, nakarating kami sa dulo ng kweba at paglabas namin ay nasa kagubatan parin kami, mas malalaki nga lang ang mga puno dito at mas maraming naglalakihang mga bato.


"Alright guys! kailangan na nating makita ang mga flags bago pa maubos ang oras! mag hiwahiwalay tayo!" Saad ni Kenny

"huh? wait, sabi ni Gregory tayong tatlo daw ang magsasama" alinlangan kong saad

"Mr. Pres Winslayt." Pagpapa alala ni larrah


"magkasama lang tayo sa East pero kailangan parin nating mag hiwahiwalay para mas mapabilis ang paghahanap, sige na!" nagsitakbuhan naman sila kaya naiwan ako.



Napakagat nalang ako ng kuku, lagot. baka iwan ako ng mga yun wala pa naman akong alam sa lugar na ito, napahinga nalang ako at nag simula na ring maghanap.


Sabi kanina maaaring nasa mga ilalim lamang ito ng tuyong dahon or nasa ibabaw ng mga bato o diba kaya'y naka dikit sa mga puno.


Nag simula na akong maghanap, pero almost 8 minutes na at wala parin akong nakikita. nagpatuloy ako sa paglalakad at chinicheck ang mga nadadaanan baka sakaling may makita ako.

"Baka nakuha na ng ibang group." sabi ko sa sarili.


Naglakad nalang ako pabalik sa dinaanan ko kanina, malapit na ring maubos ang oras at kailangan ko ng makabalik.


Napatampal ako sa noo ng maalala na hindi ko pala alam ang daan dito, tinahak ko nalang ang daan na tinakbuhan ni Tracy kanina.


"shuta! maliligaw pa ata ako dito" naniningkit ang matang tiningnan ko ang dalawang daanan.


"Saan kaya sa dalawang ito ang daan pabalik" tinuro ko ang dalawang daan, pero sa huli ay pinili ko nalang kumanan.

Tanging tunog lang ng tuyong dahon ng linalakaran ko ang naririnig ko, medyo natatakot narin ako dahil ako nalang mag isa dito.


"shucks nasan naba kasi sila Alyce, sabi ni Gregory magbabantay sila sa East bakit wala ni isang tao dito."


Nagpatuloy ako sa paglalakad sa gitna ng mga malalaking puno, napalingon ako sa likod ng may marinig akong tunog ng naglalakad sa tuyong dahon, ngunit pag lingon ko dito ay wala namang tao, bumalik ako sa paglalakad at inaalala ang mga pamilyar na daan na nadaanan ko kanina.


Muli akong napalingon sa likod ng may marinig na naman akong mga yapak sa tuyong dahon.


"May tao pa kaya dito..." Baka isa din yun sa mga students na hindi pa nakakabalik, tumalikod ako at hinanap ang taong nagmamay-ari ng mga yapak na yun upang makipag sabay nalang sana pabalik pero wala akong makita.


"Kalma Winslayt kailangan mo lang hanapin ang daan pabalik." Yinakap ko ang aking sarili, I can't refuse but I'm feeling creep now.


Napalingon ako sa gilid ng makarinig ng pagbagsak, pinuntahan ko ito at may nakita akong isang paris ng sapatos kung kaya't napakunot ang noo ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 19 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sly AcademyWhere stories live. Discover now