"Hmm," mahinang anas ni Arem saka tumango ng marahan.

"S-sa lahat po ba ng designers Sir?"

Malamig na tiningnan ni Arem ang shopkeeper niya na kanina pa nanginginig.

"L-lahat po ba ng mga designers ay babaguhin ko ang kontra—,"

"No. It only applies to my wife's contract," Arem said in an arrogant tone.

Of course, that privilege can only be applied to his wife.

Pakiramdam ng shopkeeper ay aatakehin siya sa puso ng mga sandaling iyon.

W-wife? The jewelry designer is his boss' wife?!

Napalunok ang may edad na shopkeeper.

"Don't tell her about me. And don't tell it to others,"

"Ye-yes S-sir. Y-yes,"

"Starting from tomorrow, I'll work as an appraiser. Kung magkano ang normal na sweldo ng appraiser sa market, ganoon rin ang ibibigay mo sa akin. Here, my resumé. I'll work from 8am to 5pm. Transfer the current appraiser to our new branch in the South. Dagdagan mo ang sweldo niya para walang reklamo. I'll use his office," Arem said in one breath.

Hindi siya madaldal, kaya naman kapag nagsasalita siya, ayaw niyang inuulit iyon.

"..."

Pakiramdam ni Shopkeeper Magtanggol ay dalawang beses na siyang pinasabugan ng bomba sa araw na iyon. Ano bang trip nitong boss niya?

Appraiser?

Ang may-ari ng sikat at kilalang A's Jewelry ay magtatrabaho bilang isang appraiser sa sarili nitong jewelry shop?

Can someone tell him if it's a dream or a nightmare?

"That's all for now,"

"S-sure Sir,"

"I came here today to apply. I-re-relocate mo ang appraiser mo dito sa bagong branch dahil pinagkakatiwalaan mo siya kaya nag-hire ka ng bago para sa branch na 'to," seryosong paalala pa ni Arem.

"N-noted Sir!"

"I will start working next week,"

Sunod-sunod na tumango si Shopkeeper Magtanggol. Of course wala siyang ibang magagawa kung hindi ang tumango at um-oo. Hindi niya lang alam kung hanggang kailan mapapanindigan ng boss niya ang pagiging appraiser.

"Call me Mr. Appraiser. Don't tell anyone about my name,"

"Yes Sir! Makakaasa ka po,"

Tuluyan ng tumayo si Arem.

"Ahm, Sir, y-your clothes," nauutal na saad ni Shopkeeper Magtanggol.

Tiningnan naman ni Arem ang suot na damit.

Tsk. Ugly.

But what can he do?

Kasalukuyan siyang nagpapanggap na isang mahirap kaya bakit niya isusuot ang mga branded at custom made niyang mga damit?

He has no other choice but to keep it inside the wardrobe in his mansion.

"I'm poor. Besides, my clothes will not affect my work," Arem said seriously.

Pakiramdam ni Shopkeeper Magtanggol ay matutumba siya ng wala sa oras dahil sa narinig.

Poor?

Daang libo ang kinikita ng main branch every month. At sa iisang jewelry shop lang iyon. Paano na ang malaking kompanya nito sa ibang bansa na milyon ang kinikita at ang iba pang jewelry shop nito sa iba't-ibang panig ng Asya?

Kung 'poor' ang boss niya sa lagay na iyon, ano na lang ang estado niya sa buhay?

Isang daga na nagpipilit umahon sa buhay?

Pakiramdam ng shopkeeper ay grabeng pang-aapi ang naranasan niya sa mga sandaling iyon.

Sa totoo lang, hinahangaan niya ang boss niya dahil napaka-capable na nito sa mura nitong edad.

Pero kung ganitong makaharap niya ito araw-araw...parang  magkaka-mental breakdown yata siya ng wala sa oras.




Huminga ng malalim si Shopkeeper Magtanggol. Sinundan niya ng tingin ang boss niyang hindi malaman kung sasakay ba sa jeep o maglalakad na lang pauwi dahil nakailang atras abante ito bago tuluyang sumakay sa loob ng sasakyan.

Napailing na napaupo sa malambot na sofa ang shopkeeper. Mukhang kailangang niyang magbaon palagi ng gamot. Baka bigla na lang siyang atakehin sa puso dahil sa nerbiyos sa tuwing makakaharap niya ang boss niya.









The DivorceWhere stories live. Discover now