(--__--). Baliw.






"South, Bakit nakangiti ka mag isa?" nawala ang iniisip ko at parang adik na tiningnan si klayklay. Panira!.





"Bakit? Ikaw lang ba pwedeng ngumiti? Hindi pwedeng masaya lang yung tao?" sarcastic kong tanong sa kanya. Pati ba naman pag ngiti ko kailangan kwestyunin? Aba matindi!.





"Hehehe pwede kang ngumiti south" parang batang sabi ni klayklay bago ako niyakap at inuga uga pa ako.
"Pero huwag ng mag isa, Para ka kasing tanga eh, alam mo yung parang naka singhot ka ng rugby? Ganun mukha mo kanina.


(^0^). Sya.


(--__--). Ako.





" Klayklay" Napabuntong hinga ako.
"Utang na loob...Lumayas ka muna sa harap ko at baka mag ipon ako dito.." mahinhin pero may halong pag babanta sa kanya. "Napatol ako sa bata".





"Eh? Ano iipunin mo south??" tarantado talaga, Mukhang excited pa sya ah.





"Mag iipon ako ng sama ng loob".
Pag kasabi ko nun, kinurot ko agad sya sa tagiliran. "Doon ka nga! Nakakasira ka ng araw eh!"





Ngumuso si klayklay bago lalong dumikit sa sakin.





Ilang minuto ang lumipas at dumaan kami sa madamong daan, sakto namang nakita namin ang malaking gusali na pinalilibutan ng mga damo.
Meron palang sabungan sa gitna ng gubat?. Bawat lakad namin ay nakikita ko ang ilang manok na nakakulong at may sarili lang bahay, Ewan ko pero pa-triangle kasi sya, tapos nakatali pa sila.







Adik siguro sa manok ito.






"Claude!.."




Kumunot ang noo ko ng mag takbuhan ang mga kaklase ko para puntahan ang isang lalaking papalapit sakin. Medyo pa wolves cut ang buhok nya habang naka salamin, naka Large t-shirt din sya at naka pajama, sumakit pa lalo ulo ko ng makita ko kung gaano ka ganda ang sapatos nya.




Nakaka hiya naman sa black shoes kong buhay na simula grade 9 ako.



"Yo pre! Na miss kitang gag* ka!"

"Yung isang manok doon nag hihingalo!".


"Sana all lalong gwapo! Miss kita pre"

"Lub you! Payakap sa leeg!".


"Penge manok! Makikipag sabong ako!

Habang pinapanood silang nag yayakapan, hindi ko napansin na dalawa nalang kami ng tarantadong daze ang naka tayo sa dulo, Paano to napunta dito?.






"Oh? Bakit nandito kapa?" tanong ko sa kanya, Naka cross arm pa ang gaga bago kunot na tiningnan ako.
"Maki hug ka na din doon, Hugy hugy ba". Sabi ko pa bago tinuro ang mga engot kong kaklase, pati si chikiro nakiki tawa na din doon.




The Only girl in Section E |✓ (Part one: Beginning) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt