"UGH! Kahit na, Mag! Please, tigilan niyo na yang pag-uusap sa, uh, life ko! Alis na ako!" Sabi ko at agad ng naglakad palabas ng apartment.

I will see no reason to back down. Promise! Luluhod si Jacob sa harapan ko. Yung nangyari sa bar ay simula pa lang. Oo, simula pa lang yun dahil alam kong dito siya mag-aaral. Hindi ako sigurado kung nakatira ba siya kina Callix o may bahay ba sila dito sa Maynila (kahit na, may gut-feeling akong may bahay talaga sila dito). Business Administration din ang kukunin niya. Mabuti na yun at nang di kami magiging classmates.

"ROSIEEE! Nakuha na namin ang schedule!" Sigaw ni Ava sakin nang nakarating ako sa school.

Nilapag namin ang schedules sa table at nakitang may isang minor subject kaming magkaklase lahat.

"Biology 10." Sabi ni Belle nang nakangisi. "Akala ko tayong tatlo lang ni Jacob ang magkaklase sa Biology 10, Callix?"

Napalingon ako kay Callix, "Hindi. Buong kabanda niya yata classmate din natin."

"TALAGA!? Hay!" Sabi ni Belle.

Salamat, ah, tadhana? Kahit isang subject lang ito pero nasisiyahan talaga ako kasi pinagsama mo parin kaming lahat! NAKAKABANAS LANG! SARAP MAG MURA! SANA NARINIG MO ANG TONO NG SARCASM DUN, TADHANA!

"Rosie, anong problema mo diyan? Hindi ka ba nahihilo sa kakairap mo sa kawalan?" Bulong ni Karl sakin.

Inirapan ko na lang siya habang naghihintay kami sa unang klase namin.

Sinabi ko na lahat kay Karl. Tinawagan niya ako at sinabi ko sa kanya lahat ng nangyari.

"Galing mo rin talagang mamili at magpinsan pa!"

"Wa'g mo kong masali-sali diyan sa plano mong pagselosin siya. I mean, hindi ko kayang magpagamit sayo." Ang ibig niya lang sabihin ay ayaw niya sa mga rumors na kami na! Asus! "Kayo na lang ni Callix! Pero agree talaga ako sayo na kailangang mag dusa si Jacob. Kaya naman... tutulungan kita." Tumawa siya at siniko ko na dahil may something dun sa tawa niya na mukhang sumisigaw na 'beki ako!'

Mabilis natapos ang una ang ikalawang klase ko. At alam niyo kung anong kasunod nito? Biology 10!

Una akong nakarating sa classroom at umupo ako sa pinakadulo at tabi ni Callix. Ayokong may tao sa likuran ko, ayoko ring may ibang katabi except kung si Karl lang. Lagi kasing magkatabi si Ava at Belle at mejo ayaw ko na ring tumabi kay Belle.

Lumakas ang pintig nang puso ko nang nakita ko si Teddy na unang pumasok kasama ang dalawa pang si Ron at Louie. Oh my gosh, ilang sandali lang si Jacob na ang papasok.

"Kumusta yung klase mo, Rosie?" Tanong nang nakangiting si Callix sakin. "Sayang! Sana nag Business Ad ka rin!"

"Okay lang naman, Callix." Sabi ko.

"Si Ava mukhang unang pasok palang ayaw niya na."

Tumango si Ava, "Mag shishift na lang kaya ako, Rosie?" Malungkot si Ava.

"Bakit?"

Baka Sakali 1 (Alegria Boys Series #1) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon