Chapter 2

223 2 0
                                    


BEA POV


Napapadalas ang alis ni ate Riri lately. Neto nga e humabol pa ko sa kanya pero sinabihan lang niya ko na malaki na ko, makibonding naman ako sa mga kaibigan ko kaso wala naman ako nun. Teka ayain ko kaya siya kasama parang nagclick naman kami last time. Hinanap ko ang yearbook ni ate at nakita ko yung pic ni ate Caitlin para siyang bampira di siya tumatanda. Nakita ko yung contact number niya dun at nagbakasakali na di pa siya nagpapalit ng number. Patulong na din ako baka alam niya san nagpunta si ate.


Minessage ko na ito at nagreply naman siya meaning same number pa rin.


Tinawagan ni ate Cait si ate Riri. Di ko alam ano naging usapan nila pero nagmessage ito sa akin na kung pwede ba siyang pumunta sa bahay. Wala rin naman ako kasama at yun naman talaga ang plano kaya umoo na agad ako.


Pagdating dito ay marami siyang alak na bitbit. Napansin kong nakakarami na siya habang di mapigilan ang mga luha na pumapatak sa kanyang mga mata.


"Okay ka lang ba ano bang nangyari?"


Nagtapat ito na pakiramdam niya ay may karelasyon na si ate. Ngayon ko lang napagtanto na may gusto pala siya dito. Halos matungga niya na lahat ng alak na dala niya at mugto na ang mga mata sa kaiiyak. Sa awa ay di ko na napigilan na yakapin ito at pahiran ang mga luha na nananahan sa kanyang maamong mukha. "Dito ka na magpalipas ng gabi."


Pinahiram ko siya ng pinaglumaan ni ate Riri. Nagulat ako ng inamoy niya ito at nanlumo. "May problema ba?"


"Hindi ko maamoy si Riri sa damit niya."


Napakamot na lang ako sa ulo. Ganito ba ang mainlove nawawala sa wisyo. "Ate Caitlin nalabhan na yan syempre." Bigla naman ito sumunggab at inamoy ang damit ko. At lalong umagos ang luha nito. Haay tama ba na inaya ko siya? Malay ko ba kung anong amoy ni ate. Napaisip si Caitlin saglit at tipong may lightbulb na umilaw sa ulo sa discovery niya.


"Gets ko na ang amoy na hinahanap ko kay Riri. Amoy ng sigarilyo."


"Okay saglit dito ka lang." Iniwan ko siya panandalian at naghalungkat sa drawer ni ate Riri. Sakto may naiwan pa siyang pakete ng sigarilyo. Kumuha ako, sinindihan at sinimulan ang paghithit. Maubo ubo ako sa naisip kong paraan para maibsan ang nararamdaman niyang lungkot. Hinablot ni ate Caitlin ang sigarilyo sa kamay ko. "Bata ka ano bang ginagawa mo?" Sabay pinatay ito at tinapon, pagbalik niya ay niyakap ko siya. Naiiyak man ay naramdaman ko na yumakap na rin ito ng mahigpit sa akin.


Magkatabi kaming natulog pero nakatalikod ako sa kanya. Naramdaman ko na pinaglalaruan niya pa ang buhok ko. Pareho pala kaming di dinadalaw ng antok.


Humarap ako dito ng bahagya at naglakas loob na nagtanong. "Ni minsan ba hindi mo nagawang magtapat kay ate?"


"Sinubukan ko naman sadyang kapag nagsasabi ako sa kanya di niya sineseryoso. Hayaan mo na Bei lilipas din to."

I'm Not My SisterWhere stories live. Discover now