Medyo traffic kaya nagtagal kami ng kaunti. Hindi naman ako masyadong kabado ngayon dahil wala naman pa sigurong klase

Ngumisi ako ng may maalala, nakatingin ako kay Blaux. Nilingon naman niya agad ako, siguro naramdaman na may kababalaghan akong naiisip.

Umangat ang kilay niya. "Ano?" suplado na agad siya

Umiling ako tapos nakatingin pa din sa kaniya. "I don't like that look, Kleyn"

Humalakhak ako. "Eto naman!" mas natawa ako ng di siya umibo. "Tinitingnan ko lang kung galit ka pa din"

He shook his head, disappointed sa akin. "Hindi ako galit, Kleyn" seryoso niyang sabi

Nag-go na yung sa traffic lights kaya naman pinaandar na niya yung kotse

"Sure na yan, crush?" pang-aasar ko

Umismid siya. Ayaw talaga na matawag na crush

Dahil ayaw niya mas Lalo kong gagawin

"O, nandiyan na pala tayo. Park mo na, babe" suplado siyang nailing na lang sa akin.

Kahit ako naman nangingilabot sa sinasabi ko pero mas lamang yung pagkatuwa sa reaksyon niya.

Masigla akong bumaba na parang hindi ako late sa unang period. "Bye, crush" ako kay Blaux sabay flying kiss. He only rolled his eyes at me and eye me until I enter my room

"Ang saya mo masyado, ah?" si Sol ang unang nakapuna ng mood ko

I just shrugged tapos kinuha ko yung notebook ko para mag-start na magdoodle

As expected, straight na walang klase until break time. Masaya tuloy ang araw ko at energetic

Sumabit ako sa braso ni Blaux nung makita ko siya, "Crush," pang-dedemonyo ko sa kaniyang tainga, nilayo niya naman ang mukha ko. Tinawanan ko lang siya.

Paglingon ko sa unahan ay doon ko napansin na may kausap pala siya na babae, si Jenelle ata- yung bokalista nung banda nila. Nginitian ko siya tapos dahan dahan na inalis ang pagkakasabit ng kamay sa braso ni Blaux. Ano ba yan? Mukhang sinira ko ang pagporma ni Blaux.

Jenelle, however, remained serious. Nakatingin siya kay Blaux na parang naghihintay ito ng sasabihin nito.

Naku, mukhang wrong timing ang pag-entrada ko

"Alis na ako," sa maliit na boses tapos dahan dahan akong umalis doon.

Ano ba naman yan? Nakakahiya naman! Mukhang nakakaabala ako sa gf niya?

Gf ba or nililigawan palang?

Ngumisi ako, yang si Blaux talaga napakamalihim. Todo support naman ako sa kaniya, if ever

Napasimangot nga lang ako ng very light nang maalala na kailangan ko nga pala na medyo lumayo sa kaniya kung magkakajowa siya, ayaw ko naman na pagselosan ako ni girl. I'm sure, Blaux would do the same kung ako naman magkakajowa

"Uy, Kleyn! Tara na" yaya ni Keira nang makita ako

Kumaway ako tapos tinakbo ang distansya papunta sa kaniya para sabay na kami papunta sa classroom. Bago tuluyang makalayo ay nilingon ko sina Blaux na nakikipag-usap pa din kay Jenelle hanggang ngayon

Masama ba ako kung nalulungkot ako ngayon na hindi na lang ako yung babae sa buhay niya? I mean, his only friend. Masyado lang siguro akong nasanay na nasa akin yung atensyon niya kaya ngayong mukhang magkakajowa siya, medyo nagseselos ako...

Pinilig ko ang ulo ko sa kagagahang naiisip. Siyempre masaya ako na magkakagirlfriend na siya pero nakakalungkot na mababawasan yung oras niya sa akin kasi lagi namang pipiliin yung jowa kaysa sa kaibigan.

Memories' SilhouetteDär berättelser lever. Upptäck nu