CHAPTER 2

0 0 0
                                    

DAMN. This university feels really weird and creepy pero itong si Cye napakaexcited niya. Unang araw ngayon ng pasukan dito sa Oxbridge, kaya madaming mga kapwa estudyanteng nakakalat and take note mga iba ibang lahi at parang lahat sila walang paki alam sa mundo dahil halos lahat ng nakikita ko.. Naka headphones o di kaya naglalakad habang nagseselpon?

Well, I thought mas okay rin pala ang ganito. Walang pakealaman.

*BOGSH*

But damn! Nagulat naman ako ng may nakabunggo ako.

"Watch your step b*tch." - She harshly said at inirapan pa ako bago ito tuluyang umalis sa harap ko. That hurts.

"Ayos ka lang? Nalulutang ka na naman kasi eh!"- Sabi ni Cye at hinarap ako.

"Ang t*nga naman kasi ng babaeng iyon Cye! Narinig mo yun tinawag niya akong b*tch? Sasakalin ko yun eh!" - Reklamo ko sa inis, kumukulo ang dugo ko at gusto kong sugurin ang ungas na babaeng yun.

"Shh kalma na okay! Hayaan mo na!" - Aniya,

Kinalma ko ang sarili ko at saka pilit kinalimutan na lamang ang nangyari, sana lang hindi na magtagpo ang landas namin ng babaeng yun dahil baka makalbo ko pa siya.
Naghiwalay ang landas namin ni Cye dahil ang saklap magkaiba kami ng department building.

Pagpasok ko sa room may anim na katulad kong mga first year college, hindi man lang nila ako tinignan. Pinili kong umupo sa pinaka gilid sa likod at hindi ko na rin sila pinansin, mas mabuti na rin ang ganito.

May apat na lalaking dumating kasabay nung babaeng proffesor namin. So sampu lang pala kami? This is nice.

"Good morning Class, I'm Mikaela Delos santos your proffesor for today."- pagpapakilala ng una naming prof, tinignan ko yung Class card na hawak ko.

'Understanding the self'
'8:00 to-9:30'
'Mrs. Delos santos'

Ngayon pa lang napapaisip na ako, ano naman kayang kinalaman ng understanding the self na ito sa IT?
Sa pagkakaalam ko, 29 units ako this first sem, napabuntong hininga na lamang ako. Nawa'y bigyan ako ng Diyos ng pagtitiyaga sa pag aaral ko dahil ngayon pa lang tinatamad na talaga ako.

Walang masyadong nangyari ngayon dahil puro introduction naman ang nagaganap, naisip kong maglakad papuntang rooftop nitong building para magpahangin at gusto ko ring makita ang kabuuan ng Oxbridge sabi nila pag umakyat daw sa top floor ng building na tu makikita mo.

Sumalubong sakin ang simoy ng hangin at hinahawi nito ang may kahabaan kong buhok kaya pinusod ko iyon ng may maamoy akong amoy sigarilyo kaya naglakad pa ako palapit sa railings ng rooftop at muntik na akong mapatalon sa gulat nang may nagsalita sa likod ko.

"What are you doing here?" - A baritone voice yet so cold.

Napalingon ako at laking gulat ko nang nakikilala ko ang gwapong lalaking nasa harap ko, siya yung lalaki sa mcdo resto noon. Shet! Anong ginagawa niya rito? Namumukaan niya kaya ako? Hindi naman siguro.

" Ahm.. M-magpapahangin lang sana p-pero hindi na pala" - utal na tugon ko at maglalakad nasana ako paalis nang muli siyang magsalita.

"You're a freshman." - He said pero hindi ko alam kung tinatanong ba niya.

"Oo." - Tugon ko at napilitan akong harapin siya dahilan para muling magtama ang mga mata namin, ang lamig tumingin ang mga mata niya and if i'm not mistaken kulay brown ang kulay ng mga mata niya, At isa pa ang tangkad niya at gaya noong una ko siyang nakita magulo pa rin ang buhok niya pero bagay sa kaniya.

"Leave. Don't ever come here again." - Malamig niyang wika at Tinalikuran ako, bago pa siya makapaglakad ay nagsalita ako na kinatigil niya.

"Bakit? This place feels nice at gusto ko dito sa top floor, sabi nila makikita ko raw ang kabuuan ng Oxbridge pag pumunta ako dito and they're right."- Lakas loob kong tugon sa kaniya saka naglakad at nilagpasan siya saka pumunta sa railings at napangiti ako ng bumungad sakin ang kalawakan ng Oxbridge, tama sila, maganda nga rito.

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: Feb 15 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

HEARTLESS BEAUTY Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt