CHAPTER 1

8 0 0
                                    

NAIINIS AKONG bumangon mula sa kama ko dahil sa mga sunod sunurang katok mula sa pintuan ng kwarto ko. Alas sais pa lang eh pero eto na naman si Lola.

"Chiara gumising ka na!" - rinig kong sigaw niya mula sa pintuan,

Napapikit ako ng mariin at saka mabilis na naglakad palapit sa pintuan at binuksan iyon at as usual bumungad sakin ang nakakunot noong muka ni Lola.

"Lola naman! Ala sais pa lang eh!" - reklamo ko sa kaniya dahilan para manlisik ang mga mata nito sakin.

"Aba! Baka gusto mong kutusan kitang bata ka! Akala ko ba enrollment mo ngayon sa papasukan mong university!" - aniya,

"Alas otso pa lang po iyon! Saka wala pa si Cye." -

"Maligo ka na at magbihis, kakain na tayo ng umagahan." -

Sumimangut ako at walang choice kundi naligo nga ako at saka nagbihis. Enrollment ngayon sa papasukan kong University, at isa ako sa mga hindi alam kong anong kurso ba ang kukunin ko. Ewan ko ba, dati naman gusto kong maging isang nurse pero ngayon hindi ko na alam.

"Siguraduhin mo ang kukunin mong kurso Chiara, ayokong naririnig ang salitang 'Shift'. Naiintindihan mo?" - seryosong wika ni lola habang kumakain kami.

"Eh la, hindi ko nga po talaga alam kung anong kukunin ko eh. Pramis gulong gulo rin po ako!" - Wika ko ng kunot noong umangat ang tingin nito sakin.

"Umayos ka Chiara, basta mag e enroll ka ngayong araw." - Aniya,

Bumuntong hininga ako. Mula noong namatay sina mama at papa si lola na ang nag alaga sakin, she's strict and yet very serious sa lahat ng bagay, kaya nga araw araw dinedesiplina nya ako pero ako talaga yung matigas ang ulo, mula sa pagiging madesiplina sa hapag kainan, sa nararapat na pag aayos ng sarili, tamang hawak at pagamit ng kutsara at tinidor at kung paano kuno ang nararapat na pag upo ng isang dalaga at marami pang iba..

Dati i find it so OA pero habang lumalaki ako at marami akong tao na nakakasalamuha, tuwing nasa ibang environment ako dun ko narerealize lahat at nagpapasalamat kay Lola dahil sa mga tinuro niya kaya nga minsan napagkakamalan akong anak mayaman.

"Ikaw ng bahala jan huh? Pupunta na ako sa Resto." - Wika niya ng matapos kaming kumain na agad naman akong tumango.

Oo, may pag aaring resto si Lola at yun ang pinagkakaabalaan niya mula pa noon hanggang ngayon na mejo lumaki na at dinadayu pa ito kaya proud na proud ako sa tuwing pinupuri ito ng ibang tao.


Parehas kami ni Cye na nanlalaki ang mga mata sa pagkamangha nang tuluyan kaming nakapasok sa OXBRIDGE UNIVERSITY na kung saan dito ako gustong mag enroll ni lola. Goodness ang laki at ang lawak ng university na ito, according to google halos hindi na raw magkakakilala ang mga employee at students nila dito dahil sa lawak at laki ng university na ito.

At isa pa, hindi basta basta ang university na ito dahil puros mga mayayaman ang nandito kaya nakakapagtaka si lola na dito pa niya ako gustong mag enroll, hindi naman sa hindi namin kaya pero pwede naman sa UP na lang o kaya sa ibang university pero mabigat ang pakiramdam ko dito.

"God chiara! Ang ganda dito! Buti na lang pumayag sina mom and dad na dito rin ako mag enroll." - wika ni Cye habang naglalakad kami at hindi mapigilang umikot ang mga paningin namin sa naglalakihang mga building. According to google din, high tech din daw ang university na ito.

" Ang weird kaya!"- Tugon ko, napatingin rin ako sa mga kapwa naming freshmen na mag eenroll din, alam kong puro freshmen kaming nandito dahil ayon sa nasend saking sched ngayon ang enrollment ng freshmen, at bukas ang mga 2nd year at sa susunod naman yung mga college seniors namin.

HEARTLESS BEAUTY Where stories live. Discover now