TATLUMPUT DALAWA

193 9 0
                                    

Argus POV

Sige ang lakad mo hanggang marating ko ang dalampasigan medyo nag-aagaw na ang dilim dahil palubog na ang Araw. Napakaganda ng tanawin laso hindi ako narito para hangaan ang view narito ako dahil hinahanap ko si Carina. May mangilan-ngilan na naka-upo sa dalampasigan ang iba naman naglalakad ang iba naglalaro. Nilibot ko pa ang tingin ko hanggang mahagip ko ang pamilyar na imahe kahit napakalayo niya alam kong siya ‘yon. Sunod-sunod ang dagundong ng puso ko marahan akong humakbang palapit sa babaeng nakasakay sa loob ng nakadaong na bangka.

Malapit na ako balak ko sana siyang gulatin ng marinig ko itong may kinakausap. Sino naman kaya? Wala naman siyang katabi. Huminto ako ng nasa likuran na niya ako at malinaw kong narinig lahat ng hinaing niya.

“Alam mo dati dito kami nakatira ni Mama bago siya nagpakasal kay Tito Apollo.”  Masayang simula ni Carina.

Gets ko na ang Baby namin ang kausap niya. Ang sarap sa pakiramdam na narito na sila ngayon sa harapan ko ang tagal kong hinintay itong pagkakataong ito na makita sila at mayakap.

“Tapos nakilala ko ang Papa mo.”  Pagpapatuloy ni Carina napigil ko ang hininga ko ano kaya ang sasabihin niya sa Anak namin tungkol sa akin.

Bahagyang yumuko si Carina nakarinig ako ng mahinang hikbi.  “A-ang gwapo ng Papa mo siya ang pinakagwapong lalaki na nakita ko kaso may pagka masungit siya lagi niya akong sinisigawan at pinapahiya pero ayos lang kasi mahal ko ang Papa mo. Alam mo Anak si Papa mo hindi niya alam na nabuo ka namin kasi wala siya n-nung umalis si Mama— tingin mo ba hinahanap kaya niya tayo ngayon o baka kinalimutan na niya tayo? Malapit na ang Pasko. Gusto ko lang makasama ang Papa mo at si Mama. Namimiss ko na kasi sila. Malapit ka na ring lumabas basta wag mong pahirapan si Mama ha kahit natatakot ako kakayanin ko para makita mo kung gaano kaganda ang Mundo. W-wag kang mag-alala kahit wala kang Papa andito naman ako mamahalin at aalagaan kita.”

“Carina.”  Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na tawagin siya.

Agad na lumingon si Carina bakas sa mukha niya ang pagkabigla parang hindi siyaakapaniwalang nasa harapan na niya ako ngayon sabagay Pitong buwan din yun isang mahabang buwan ng paghahanap ko sa kaniya at sa Anak namin. Sa wakas heto na nasa harapan ko na siya at tulalang nakatitig lang sa akin.

Humakbang ako palapit sa kinauupuan niyang bangka habang hindi siya kumukurap sa pagkakatitig sa akin parang natatakot siyang baka kapag pumikit siya bigla akong maglahong parang bula.

Huminto ako sa harapan niya saka ko hinawi ang mahaba niyang buhok na nagulo sa lakas ng hangin dito sa dalampasigan. Kita po ang luhang malapit ng bumagsak mula sa kanyang mga mata.

Ngumiti ako.  “I'm here everything will be alright as I promise.”

Suminghot si Carina saka ako niyakap ng mahigpit.  “A-Argus! Totoong andito ka! N-nahanap mo ako— kami ng Baby natin.” 

Kinulong ko siya sa mga braso ko at masuyong hinagkan ko siya sa bunbunan.  “Iuuwi ko na kayo. Sorry kung natagalan ako. Nandito na ako kaya wag ka ng mag-alala aalagaan ko kayo ni Baby. Tahan na baka mapano ka pa niyan eh.”

“M-masaya lang kasi ako na nandito ka ngayon sa tabi ko s-sana hindi ako nananaginip ngayon! A-ayokong magkahiwalay uli tayo, Argus. Mahal kita!”

Tumingala si Carina puno ng luha ang maamo niyang mukha ilang buwan ko ding inasam na makitang muli ang mukhang ito at ngayon hawak ko na siya sa mga kamay ko hinding-hindi ko na siya hahayaang mawala pa. Yumuko ako para gawaran siya ng halik sinalubong naman ni Carina ang mga labi ko pinagsaluhan namin ang isang mainit na sandali habang magkahinang ang mga labi namin sakto din ang  lugar dahil dumidilim na rin kaya hindi kami gaanong tanaw ng ibang taong naroon para mamasyal at maligo sa dagat.

Maspinalalim ko pa ang bawat halik ko na walang sawang tinutugon naman ni Carina kaya lalo akong nag-iinit dumulas ang kanang kamay ko sa laylayan ng suot niyang  duster mahinang siyang napaungol ng mahawakan ko ang pagitan ng kanyang mga hita.

“I misses you so much, Baby.”  Usal ko sa pagitan ng halik hindi ako magsasawang halikan ang malambot na labi ng babaeng magiging ina ng mga Anak ko. Mahal ko si Carina. Buo na ang desisyon ko pakakasalan ko siya pagbalik namin sa Maynila ayokong maging bastardo ang panganay namin kaya ihahanda ko agad lahat para tuluyan ko ng maging pag-aari si Carina. Mamarkahan ko siya ng pangalan ko at bubuo kami ng masayang Pamilya gaya ng nais niya.

Bumawi si Carina sabay langhap ng hangin kaya mahina akong natawa hindi ko nan gustong maubusan siya ng hininga habang magkalapat ang mga labi namin.

“B-bakit ka natatawa?”

“Nothing. Masaya lang akong nakita na kita hindi ko akalaing nakabuo tayo.”

“Sinabi ba sayo nila Mama?”

“Yup. Ummm dumidilim na at mahamog na rin tara uwi na tayo.”  Aya ko.

Itinakip ni Carina ang balabal na dala sa ulo niga para iwas hamog habang ako pinulupot ko naman sa balikat nito ang kanang braso ko saka ko siya kinabig palapit sa akin saka kami sabay na naglakad maraming kwento si Carina kaya hindi namin namalayan na asa harap na kami ng Car wash.

Tinitigan ako ni Carina.  “A-alis ka ba?”

Umiling ako.  “Kung aalis ako isasama na kita— kayo ni Baby.”

“Isasama mo kami?”

“Oo. Titira ka na sa penthouse ko ayaw mo ba nun?”

Malungkot na ngumiti si Carina habang nanatiling nakatitig pa rin sa akin.  “Gusto. Kaso si Mama. G-galit siya sa akin, Argus. Ayaw na sa akin ni Mama k-kasi nabuntis ako.”

Ramdam ko ang lungkot sa tinig ni Carina at dahil 'yon sa kapusukan ko pero hindi ko pinagsisisihan ang bagay na ginawa ko. Pinisil ko ang balikat niya.  “Tungkol sa bagay na ‘yan nakausap ko na si Ate Amelia at pumayag na siya na maging tayo kapag nakita kita at nakita na nga kita. Pagbalik natin sa Maynila magiging maayos na ang lahat.”

“Salamat, Argus.”

Hindi na ako nakasagot ng sumilip ang Ninang ni Carina.  “Andiyan na pala kayo bakit hindi pa kayo pumasok dito mahamog na doyan sa labas.”

“Salamat ho.”  Mahigpit kong hawak ang kamay ni Carina. Nauna siyang maglakad habang nakasunod lamang ako.

Mababait ang Ninong at Ninang ni Carina kaya madali ko silang nakagaanan ng loob inalok din nila akong dito sa bahay nila magpalipas ng gabi kaya abot tainga ang ngiti ni Carina dahil magtatabi na naman kaming dalawa gaya dati. Isang simpleng hapunan ang pinagsaluhan namin asikaso ako ni Carina kulang na lang ay subuan pa niya ako talagang namiss ko siya masaya akong nagkita na uli kami. Natapos kaming maghapunan tunulong din ako sa pagliligpit. Ako na ang nagpresintang maghugas ng mga pinggan habang si Carina tahimik na nakaupo lamang sa upuan habang inaantay akong matapos kaya binilisan ko ang paghuhugas baka inaantok na rin siya.

Sa may kaliitang kwarto kami natulog ni Carina at dahil maliit din ang higaan kailangan talaga naming magyakap para magkasya kaming dalawa agad na nakatulog si Carina. Hinagkan ko ito sa noo saka ko ito marahang kinabig palapit sa akin.

Bukas magbabago na ang lahat.

Captiva Decus Where stories live. Discover now