Hada' Series Presents : Happy Birthday Dianne! (1)

Start from the beginning
                                    

-

"sa taas nalang dianne - tara kesa ganyan nakakahiya sa mga besita" 

-

"hindi kuya diyan nakakahiya sa mama at papa mo" wika ni dianne. 

-

"wala sila, walang tao sa bahay nasa pangasinan sa makalawa pa uuwi mga yun - yung mga kapatid ko naman may kanya kanyang lakad alam mo namang sabado ngayon bukas pa ang uwi nun" 

-

"sigurado ka ya? nakakahiya gagi" 

-

"sus, tara na pabirthday ko nalang sayo - bitbitin niyo na yang mga baso at pitsel doon na tayo sa bahay - may videoke pa don - aarte ng mga kapit bahay dito pwe!" mariin ko ding saad parinig na din sa mga mosang na nakasipat - akala mo may shooting e' 

-

isa pa na kondisyon na ako't gusto ko din mag inom talaga kasi restday ko e' naumpisahan na din alangan namang pack up diba? 

-

kaya ayun ang ending andito kami sa sala ng bahay para kahit papaano e kumportable yung mga besita. 

-

ise-set up ko sana yung kantahan kaso sabi nila tugtog nalang daw para makapag usap, hindi rin naman daw sila nakanta. 

-

kaya ang pwesto namin ay sa mahabang sofa yung tatlong besita - si princess, si jelo, at si makmak, si anthony naman ay hinatak yung isang monoblock sa may lamesa at pumwesto sa gilid, sa gitna namin ni makmak - ako naman at si dianne ay nasa magkabilang dulo sa dalawang maliit na sofa. bahala na kayo mag imagine - ang importante kumportable na kami kumpara sa kanina. 

-

"salamat kuya nelson" ang nahihiyang pakisuyo ni dianne. 

-

"buti nalang may kuya nelson ka, dianne" 

-

"oo nga e" at ayun kwentuhan na tungkol sa pagiging mabuti kong mamamayan at kapit bahay - syempre lumaki ng konti yung ulo ko, charot. 

-

binuksan ko yung TV at nagpatugtog nalang ng mahina habang nag kkwentuhan. nagulat pa nga si dianne at halos mayakap ako kasi nag order ako ng mga pagkain sa online delivery syempre ako na yung host nakakahiya naman kung wala tayong ipapakain diba? 

-

kung ano ano lang naman tokwat baboy mga ganyan pulutan "dianne dalhin mo kila mama mo itong palabok tsaka yung isang balot ng manok para makakain din sila" wika ko pa. 

-

"parang gago to dali na para makabalik ka agad dito - dagdagan mo na din yang alak - siguro mga dalawang bote pa" sinaway ko na kasi iiyak na yung gaga, nag abot na din ako ng pambili ng alak. 

-

"hala grabe kuya nelson salamaatttttttttt" sa totoo medyo naawa ako sa kalagayan - nakikita ko naman paano mag pursige itong bata na ito, sideline dito - racket doon para makatulong - pero sadyang hikahos talaga kasi mahirap din naman yung set up nila lalo na't puros elementary at highschool ang tinapos nilang magkakapatid at walang maayos o permanenteng trabaho, nag aaral pa nga yung iba. 

-

nginitian ko si dianne tapos bigla akong niyakap, siguro dahil na din sa tuwa - iiyak pa nga parang tanga "pabirthday ko na sayo dai - sige na bago pa magbago isip ko - ikaw din" 

The Darkest Temptation (M2M Stories Collections) - Book 2Where stories live. Discover now