Hada' Series Presents : Happy Birthday Dianne! (1)

Start from the beginning
                                    

-

tapos ito na yung exciting part - pinakilala ni dianne si jelo na katabi ni princess "ayieeeeee" nag ganyanan pa nga yung mga besita nung nakipag kamay saakin si jelo eh' pero syempre pa wholesome tayo - mahirap na maraming mosang sa paligid. 

-

gwapo si jelo, grabe yung panga niya agaw pansin - yung kilay niya na parang itim na higat tapos yung labi niya na akala mo kumain ng lips na candy e' danillo barrios  nung kabataan kawangis na kawangis, infairness cute siya - at mukhang may something sa kanila nung princess kasi lingkisan ng lingkisan eh'

-

kaya naman inalis ko na yung pag iisip sa sarili ko kung may chance ba kasi kapag mga ganyang ka gwapo matik yan kung hindi choosy, mahal. 

-

sunod na ipinakilala si makmak - ito medyo standard pinoy na pinoy - sakto lang kung baga - hindi gwapo, hindi rin naman pangit - nagtilian na naman sila kasi pagkashake hands ko kiniss ba naman yung kamay ko na parang prinsesa - jusko alam ko na yung mga ganyang moves. 

-

tapos huli si anthony - kung sino pa ang may gwapong pangalan jusko po - ito medyo below standards ko ah, hindi naman siya panget pero hindi lang siguro uso. 

-

yun lang, literal na ayun lang ang besita tapos ako - nakakailang ikot na yung tagay nung hard na alak nun - hindi pa nga umiikot yung pwet ko eh may lumalapit na saaming tanod at sinisita yung inuman namin. 

-

"mam sir magandang hapon po, alam niyo namang bawal tayo mag inom sa kalsada diba?" sita nung mamang tanong na mukhang busog na butiki, ay sorry. 

-

"lah kuya birthday ko naman, tsaka wala kaming pupwestuhan - bakit may nagreklamo ba?" maangas na wika ni dianne, parang pinapangilan yung mga tanod eh' 

-

"hindi mam kahit wala namang magreklamo, maingay kasi kayo rinig na rinig diyan sa outpost sa kanto e' isa pa nakita niyo naman ang eskinita - halos wala ng madaanan oh" napansin ko din yun, kawawa nga 'tong si makmak at anthony kasi sa tuwing may dadaan e' inuusog yung upuan o kaya naman tatayo. 

-

"hihinaan nalang namin usapan kuya' isang araw lang naman maya maya tapos na din kami" wika pa ni dianne. 

-

"hindi yun mam e' yung daanan - nakahambalang kasi kayo diyan" saway pa nung tanod. 

-

"eh saan nga kame pupwesto, sino ba yang mga nagrereklamo isang araw lang oh! birthday ko' hindi pa pwede kahit ngayon lang?" medyo napataas na yung boses ni dianne kaya gumitna na ako. 

-

"shhhh dianne hayaan mo na" saway ko bilang kahit papano eh tinuturing din naman akong kuya ni dianne. 

-

"hindi kuya nelson saan tayo pupwesto?" ani ni dianne sabay hawi nung kurtina na tanging harang ng pinto nila sa umaga para hindi makita ng mga nagdadaan sa eskinita yung maliit nilang pwesto. 

-

maliit naman talaga, hindi sa pang aano - mas malaki pa yung sala namin - madami pati kasi sila mga kapatid niya anjan lahat pati yung kuya niya na nakapag asawa na at may mga anak nandiyan din - hindi ko nga alam paano pa sila nagkakasya at nakakatulog diyan eh' minsan na din kasi akong nakapasok sa loob - sobrang kulob at init talaga kasi wala namang bintana. 

The Darkest Temptation (M2M Stories Collections) - Book 2Where stories live. Discover now