Nabalik ako sa wisyo ng bigla nalang akong hampasin ni Natasha sa balikat, kaya naiinis akong humarap dito

"What?" Iritadong tanong ko

"Bhe, kanina kapa tinitignan nong mga nasa table na yun oh" sabi niya sabay turo sa kabilang table na nasa harap lang namin

Tiningnan ko naman yong table na tinuro niya,totoo nga at kanina pa sila sakin naka tingin, agad kong inalis ang tingin ko sa table na yun at kumain nalang

A few minutes later may apat na kalalakihan na pumunta sa harap ng table namin at yun yong mga kalalakihan na kanina nakatingin sakin na mula sa kabilang table

"Yes? May kaylangan kayo?" Tanong ni Karla sa mga lalaki na nasa harap ng table namin

"Hi, Guinevere" sabi ng isa sa mga lalaki na nakatayo sa harap ng table namin

Nag-angat ako ng tingin sakanila, they are all good looking yung tumawag sakin is yong lalaking nakasalamin na cute,mga cute naman sila at gwapo pero wala parin tatalo sa girlfriend ko.Pffff

"Yes? "Patanong na sambit ko sa kanila

"We know that next month pa ang heart's month pero gusto na naming ma una, please accept this letter" sabi niya sabay nilayag sa harap ko yong letter na hawak niya

Kinuha ko na ito dahil andami naring nag titingin sa gawi namin, pagkakuha ko nun ay sunod sunod na binigyan din ako nong tatlo niyang kasama saka sila nagpaalam

Pagkatingin ko sa letter ay ngayon ko lang na pansin na hindi lang pala basta letter kundi love letter dahil may heart at chocolate pa sa likod

Habang tinitignan ko yung mga letter na hawak ko ay agad naman itong kinuha sa kamay ko ni Natasha

"Oy, agap ng Valentines natin ah" sambit ni Natasha ng kunin niya sakin yong mga letter

"Akin na nga yan" sabi ko naman sa kanya saka inagaw yong mga letters ng makuha ko na ay agad ko itong tinabi sa bag ko

"Guin, may ka date kana sa Valentine's Day?" Tanong ni Nathan sakin pagkalagay ko nong mga letters sa bag ko

"Ay bakit may balak kang ayain si Guin?" Tanong naman ni Jenny sa kanya na ng aasar

Hindi naman nakaimik si Nathan kaya nagsalita na ako

"I'm not sure, pero bakit ba ganyan topic natin? Next month pa ang Valentines"sambit ko saka kumain nalang ulit

"Guin" tawag sakin ni Marco kaya agad akong napalingon sa kanya

"Bakit?" Tanong ko sa kanya

"Can we talk after school?"tanong niya

"why?" I ask

"You know family stuff" sagot niya

Dahil sa sagot niya alam ko na agad ang ibig niyang sabihin, it's not just a talk dahil alam kong may hidden agenda pa siya

Pero dahil curious din ako sa pag-uusapan namin tumango nalang ako

Kakatapos lang namin kumain sa Cafeteria kaya nagpaalam na kami sa isa't isa, hindi ko kasabay ngayon si Marco dahil may dadaanan pa daw siya

Habang naglalakad ako ay agad akong napatigil dahil nadaanan ko yong office ni Ma'am kinakabahan ako kasi hindi ako sumabay sa kanya mag lunch

Pero ang alam ko meron na siyang klase ngayon

Dahil sa naiisip ko ay humingi muna ako ng malalim bago bumuga saka nag lakad na, nasa harap na ako ng pinto niya at lalampas na ng biglang bumukas ang pinto at may humila sakin papasok

Nang makapasok na ako ay agad sinara ni Ma'am ang pinto at ni lock saka ako diniin sa pinto

"M-ma'am" tawag ko sa kanya

Tumingin naman siya sakin at agad akong kinabahan dahil hindi ko na makita ang berde niyang mga mata dahil sa nandidilim niya mukha

"Are you avoiding me-"hindi niya natapos yong dapat niyang sasabihin dahil biglang may kumatok sa pinto

"Damn it"may binulong siya pero hindi ko na naintindihan

Agad kaming umakto ni Miss na may inuutos siya sakin bago buksan yong pinto at pumasok si Professor Blair

"Clayto-"hindi niya natuloy ang sasabihin niya nong bigla niya akong nakita

"Did i disturb you?" Professor Blair ask while smirking on her

Inirapan lang niya ito bago tumingin sakin bago nag salita

"Sanchez bring that books on your classroom" utos niya sakin sabay turo dun sa mga libro na nasa table niya

Agad ko naman iyong sinunuod kasi baka makahalata pa yong isang propesora

Nang maka rating ako sa room ay agad kong nilagay yong mga libro sa teacher's desk bago tumungo sa upuan ko, buti wala pa yong Prof sa next subject namin, late na kasi ako ng 8 minutes

Natapos ang buong klase namin at nasa parking lot na kami ng school ni Marco dahil sa sinabi niyang talk

"Let's find a place first, para makapag usap tayo ng maayos"sabi ni Marco habang pinag bubuksan niya ako ng pinto sa kotse niya, pumasok na ako kaagad dahil baka kong umangal pa ako ay tumagal pa kami

"Dun nalang tayo sa Cafe na malapit din dito sa University"suggestion ko sa lugar

"okay" sabi niya saka magpaandar na

Lumipas ang ilang minuto at naka rating na nga kami sa tinutukoy kong Cafe, naging tambayan ko na din ito simula ng ma discover ko, dahil bukod sa masasarap ang pagkain ay tahimik din talagang makakapag relax at kong gusto mo nalang mag review ay makakapag focus ka dahil nga sa maaliwalas at tahimik na paligid

Agad akong humanap ng upuan para saming dalawa dahil sabi niya siya na daw ang mag o-order, ilang sandali lang naman ang inantay ko at agad na siyang pumunta sa pwesto ko at sa likod niya ay ang waiter na may dala ng order namin

Pagkaupo niya ay nilagay na ng waiter yong order namin sa table kaya agad din kaming nagpasalamat dito

"So, what do you wanna talk about?"

My First And Last  Where stories live. Discover now