20

477 11 0
                                    


Makalapas ang mahigit isang oras ay nakabalik din kami sa hotel.

Sya ang may dala ng traveling bag ko.

Ang problema pagdating namin sa suite nya.

Iisa lang ang kama.

"Saan ako matutulog.?" Tanong ko.

"Sa kama, king size yan imposible namang hindi tayo magkasya dyan."

"Seryoso.?"

"Eh di sa sahig ka matulog kung gusto mo.?"

Ganun.

Pumasok sya sa banyo ako naiwang nangigil.

Paglabas nya ay naka suot na lang sya ng maluwag na boxers short at walang damit.

Inaakit nya ba ako. Wag sya malapit na akong maakit.

Umiling iling ako para iwaksi ang mga mahalay na imahinasyong naglalaro sa utak ko.

Pumasok ako sa banyo para gawin ang aking pangabing ritwal.

Paglabas ko sa banyo ay nakaupo na si Xander sa kama, nakasandal sya sa headboard at nakapatong ang laptob sa mga hita nya.

Nagtatrabaho pa rin sya.

"Overtime?"

"Dahil sayo."

Ipinaalala nya na naman sa akin na dahil yun sa paghahanap nya sa akon kaya ang dami nyang na pending na trabaho.

"Oo na sige na ako na may kasalanan. Sorry na."

Dumako ako sa kabilang bahagi ng kama. Tama sya napakalaki naman ng kami okey lang naman siguro kung pareho kaming doon matulog, sisisguradohin ko na lang na hindi ako maglilikot sa pagtulog, yun ay kung kaya ko ba. Ang alam ko kasi madalas akong mahulog sa kama.

Halos hindi ako humihinga habang nakahiga at para namang nanadya si ginoong antok kasi nakaligtaan nya yata akong dalawin.

Kahit hindi ako lumingon alam kong may ginagawa pa rin si Xander sa laptop nya.

"Gusto mo ng gatas.?" Nagulat ako ng bigla syang magsalita.

Nilingon ko sya.

"Ipagtitimpla kita ng gatas, mukha kasing hindi ka makatulog at parang hindi ka rin humihinga."

Napansin nya pala iyon. Oo pigil ko ang hininga ko dahil amoy na amoy ko sya at nagugulo ang sistema ko dahil dun.

Past midnight na pero pareho kaming hindi pa makatulog, yung gatas na iniofer nya naging wine na.

Since pareho kaming hindi makatulog napagpasyahan ako na magtrabaho na lang din kaya ang nangyari pareho kaming nakaupo sa magkabilang side ng kama at may nakapatong na bed table sa harap namin kung saan naman nakapatong ang laptop, sa kama ay nagkalat ang ibat ibang dukomento, sa kanya yung mga transaction ng Heuman international habang ang sa akin ay ang sa Heuman Philppines.

Paminsan minsan ay naguusap kami pero kadalasan wala kaming imikan.

Hindi ko alam kung kaylan at papano ako nakatulog basta nagising na lang ako kinabukasan na maayos na akong nakahiga sa kama.

Maayos nga ba.?

Parang hindi ah, kasi pagising ko pahalang na ang pagkakahiga ko ukopado ko na rin ang side ni Xander.

Speaking of xander nasaan na kaya sya.

Pabalikwas akong bumangon, pumasok ako sa banyo para sa aking morning rituals ikaanim pa lang ng umaga maaga pa.

Nasaan na kaya ang asawa kong may saltik.

Asawa talaga.

Naginit ang mukha ko sa naisip ko.

OBSESSINGLY IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon