18

474 12 0
                                    

Pagbalik namin sa opisina nya ay may nabago na, may inilagay doon na isa pangnmesa katabi lang ng mesa nya, may laptop sa ibabaw niyon at swivel chair na bagong bago.

"That will be your table."

"Why.?"

"Anong why.?"

"Bakit may table ako dito sa loob ng opisina mo.?"

"Natural dahil dito ka muna mag tatrabaho habang nandito tayo."

"Hindi na kailangan... babalik na ako ng Pilipinas once na makakuha ako ng plane ticket, magpapabook na ako ngayon."

"No need... hindi mo na kailangan ng plane ticket para makauwi ng Pilipinas, may sarili tayong eroplano na maghahatid sayo kahit saan mo gustong pumunta but right now marami pa akong trabahong kailangan tapusin dito kaya dito muna tayo ng mga dalawang linggo."

Tayo.... bakit laging tayo. Ano bang ibig nyang sabihin.?

Gusto kong itanong yun sa kanya.

"Finish youre work, babalikan yan ni Kenny mamaya para madala nya na pagbalik nya ng Pililinas."

Naupo sya sa upuan nya ako naman ay napilitang maupo sa katabi nya, may isang metro naman ang pagitan namin sa isat isa, pero pakiramdam ko hindi ako makahinga ng maayos dahil sa presinsya nya.

Mabuti na lang at naging abala na rin sya sa laptop nya kaya ganun na din ang ginawa ko, tinapos ko na ang mga dapat kong pirmahan.

Past six ng gabi ng dumating si Kenny para kunin yung mga papers na pinirmahan ko.

Lalapit sana sya sa akin pero hinarang uli sya ni Xander.

"Go fuck random girls but spare my wife, coz i'm telling you Kenny babarilin talaga kita."

"Grabe ka talaga bro bakit ba ako ang pinagbabantaan mo eh harmless naman ako 2 years kong kasama yang asawa mo may ginawa ba ako bakit hindi yung addict na si Rodriguez ang bantayan mo, hes rooting for her bro, so beware." Nakangising sabi ni Joshua.

"Not a chance ililibing ko muna sya ng buhay."

Naiiling na natawa si Kenny.

"Youre hopless dude.... i think you have to prepare for her grand entrance in the family and tell her to brace herself coz it will be a bumpy ride for her before she can be a queen of your great empire."

"Shut up... as if i don't know that."

Wala akong maintindihan sa pinaguusapan nila kaya ibinalik ko na lang atensiyon ko sa laptop hanggang sa makaalis si Kenny.

Ng matapos ako sa ginagawa ko ay inayos ko na ang mga gamit ko.

Tumingin ako sa dereksiyon ni xander, mukhang busy pa sya.

"Mauna na ako." Kinakabahang paalam ko.

"Okey, go straight to our suite and make yourself ready for our dinner."

Our suite..? our dinner..?

"Pardon.?" Sabi ko.

"Sabi ko pumunta ka na sa suite natin at maghanda para sa dinner natin. I know my tagalog is not that good but i hope you understand what i mean." Sarcastic na sabi nya.

"I do understand what youre trying to say Mr.Heuman sir ang ibig kong sabihin may sariling bahay ako na uuwian at bakit kailangan kong sumama mag dinner sayo." Hindi ko na rin napigilan na maging sarcastic tulad nya.

"Mrs.Heuman maam in case you forgot we are legally married and you even sign a prenuptual agreement saying that you will do your duty as my wife and that also goes with me. So what i'm doing right now is my duty as youre husband and i'm expecting you do the same Mrs.Alexander Adrious Heuman."

Sadyang ipinagdiinan nya ang pagkakasabi ng Mrs.Alexander Andrius Heuman.

Bumilis na naman ang kabog ng dibdib ko dahil doon kasabay ng paginit ng aking mukha.

Hindi ako nakakibo.

"So be a good wife because i'm trying my best to be a good husband here."

Hanggang sa makaraing ako sa silid ni Xander ay hindi mawala sa isip ko ang mga pinagsasabi niya.

Bakit ngayon lang after two years being his unknown wife and him being my unknown husband bakit bigla na lang syang sumulpot sa buhay ko at pinangatawanan ang pagiging magasawa namin.

Hindi naman kaya na find out na ng DTI na kaya nya lang ako pinakasalan dahil sa negosyo.

Kaya ngayon kailangan nya ng panindigan para wag syang makasohan.

Oo nga ano. Bakit ba hindi ko naisip yun.

Habang naghahanda para sa dinner namin ay nagisip ako kung ano bang dapat kong gawin sa sitwasyon namin.

Hindi ko maitatangi na napakalaki na ng naitulong nya hindi lang sa akin kundi sa pamilya ko.

May sarili ng mansiyon ang mga magulang ko, nakakapagaral sa pinaka magandang private school ang mga kapatid ko, may sarili ng negosyo si papa, at higit sa lahat namumuhay ako tulad ng isang reyna.

Kung totoousin napakarami nya ng ginawa para sa akin at sa pamilya ko, samantalang ako wala pa naman akong nagagawa para sa kanya maliban sa paggamit nya sa panalan ko bilang asawa nya.

Kung totoong nagkakaproblema nga sya sa Heuman Philippines, napakawalang puso ko naman kung hindi ko sya tutulongan.

So be it, kung kinakailangan kong panindigan ang pagiging asawa nya hindi lang sa papel kundi sa gawa rin di sige, hindi naman ako lugi sa kanya his so freaking hot, sya nga luging lugi sa akin pero hindi sya nagrereklamo ako pa ba magrereklamo ang kapal naman ng mukha ko.

"Pwede mo ba akong ihanap ng maisusuot sa closet."

Nagulat pa ako ng bigla syang magsalita mula sa pinto ng banyo.

Katatapos niya lang maligo at nakatapis lang sya ng tuwalya habang may tumutulong patak ng tubig sa katawan nya.

Yung katawan nya na tila ba perpektong nililok ng isang skultor.

Wow lalim ng tagalog ko. Yun lang kasi ang naapuhap kong salita para maisalarawan ang nakakapaglaway ng katawan na nakabilad sa harap ko.

A perfect six pack abs a mouth watering V-line and a well shape muscles and butt.

"Hey stop staring its all youres honey, you can touch it if you want."

Napaawang ang aking bibig sa sinabi nya.

Seryoso ba sya.?

Isang pilyong ngiti ang gumuhit sa kanyang labi.

Hindi ako nakapag react.

Lalo na ng humakbang sya palapit sa akin.

Hinapit nya ako sa beywang at bago ko pa namalayan ay inangkin nya na ang nakabukas kong mga labi.

At dahil sa nakabukas yun ay madali nyang naipasok ang kanyang dila ng walang sereseremonya.

Biglang nanghina ang mga tuhod ko at dahil sa wala akong makapitan kaya napahawak ako sa beywang nya.

Alam kong ngumiti sya kasi nakadilat ako at nakatingin sa kanyang mga mata.

Ng magsimulang gumalaw ang kanyang mga labi kasabay ng kanyang dila na nasa loob ng bibig ko ay naliyo na ako, napakagaling nyang humalik napatulala ako.

"kiss me back wife." Halos padaing na sabi nya.

Tao lang po ako at hindi santo kung ganito naman kasarap ang labi na umaangkin sa labi ko sino ba ako para tumanggi a isa pa asawa ko naman sya kaya walang mali sa gagawin ko.

So i close my eyes and i kiss him back setting aside all my inhibitions.

OBSESSINGLY IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon