MGC 06 - Me Gustas, Claude

10 1 0
                                    

Chapter 6
Me Gustas, Claude

Ellise's POV

Napakalakas ng ulan.

Nasa'n na kaya si Kuya?

"Breaking News! Inaanyayahan ng PAGASA ang mga tao sa Luzon na magingat due to the LPA na namataang patuloy paring namemerwisyo sa mga mamayan natin..." patuloy na anunsyo nung anchor sa tv. Agad akong nabahala dahil sa patuloy na pagsama ng panahon at di ko parin mahagilap si kuya. I kept calling him all evening but still no responses. I turned off the tv and covered myself to avoid the cold.

The window pane kept getting traces of splashes from the rain outside and all I could ever do was wait for it to subside.

I opened my Ipad to see if there is other news about the current climate. As I scroll down FB, napako sa mga mata ko ang post ng classmate kong si Leo.

Kakagaling lang nito mula Spain. Nanlaki ang aking mga mata when a familiar face was seen from the picture. It was Kuya! And he seemed drunk. I zoomed in to the caption and there I saw something that disturbed me.

'First Drink in the Philippines'

Kuya never drinks, this is too careless of him. I immidiately huried to grab my phone and raincoat. I also grabbed my sling bag and put all of my neccesary belongings. Before I could leave the dorm muli kong binalikan ang address na iniwan ni kuya kanina.

'White Lotus Village, Phase 6, Lot 36, Blk. 8 Corner ***********.'

I gulped. I need to fetch kuya. As I pack my things for the short travel, I couldn't help but think of the times where he used to care for me. Laging busy si mama ever since na nawala samin si Papa. Kuya stands as the father of the family and Mama's right hand. Lagi akong hinahatid sundo noon sa school noon elementary days and he always makes sure na lagi akong ligtas at malayo sa alanganin. Inaalagaan niya rin ako tuwing nagkakasakit ako at siya ang tagaluto ng lugaw ko kapag wala si mama. I am also feeling guilty because of the current status we have.

Alam kong may itinatagong mabigat na problema sina Mama at Kuya kaya lahat ginagawa ko para di na ako makaabala sa kanila. Nung mga nagdaang araw, I used my leasure time para mag online selling sa mga friends ko. I got a commission of 500 since malaki ang sales nung araw na iyon. Ayaw ko na kasing maging pabigat sa kaniya at lalong lalo nang ayaw kong makita siyang naghihirap. Lalo na nung isang araw na halos wala siyang makain. Ayaw man ni mama iwan kaming magkakapatid ay wala parin itong magagawa dahil mahirap ang buhay dito sa Pinas.

Pipihitin ko na sana ang doorknob when i stumbled upon an old picture of me and kuya. I smiled and finally pushed the doorknob open. Lumantad sa akin ang malakas na ihip ng hangin at mabibigat na buhos ng ulan. Ibinuka ko ang aking payong at nagsimula nang maglakbay tungo kay kuya.

"MAHIWAGA kung sasabihin nila ang mga bagay na di natin maintindihan. Kaya ba tayo ay ginawa ng Diyos? Wala parin tiyak na kasagutan sa milagro..." preach nung pastor sa gilid ng kalsada. Kahit malakas ang ulan ay di ito alintana ni Manong.

"Bente nalang po!" Sigaw nung isang tindera na naglalako ng kwek-kwek. Ayon sa aking nalakap na research ang village na tinutukoy sa papel ay nasa may bandang hilaga lang. Kaya di ito mahirap puntahan. Ngayon ko lang din napagtagpi na malapit ito sa school namin.

As I crossed straight to the wet road may nakita akong pusang itim na sumusunod sa isang lalaki. Nababasa ito sa ulan ngunit animo'y di ito pusa dahil immuna na ito sa tubig. Sa tapat ko ay isang lalaking may kataasan at may katamtamang pangangatawan. He looks so wealthy dahil sa pormahan nitong pangmayaman at ang nakakapukaw atensyon nitong relo na kulay ginto. Nang makatawid ay pumasok ito sa loob ng convenience store sa tapat namin at kasama niyang pumasok ang pusa. Ako na napukaw sa kaniyang charisma ay sumunod na rin. Agad bumungad sa akin ang mahalimuyak at malamig na hangin na nagmula sa aircon ng establishment.

Me Gustas, Claude! | BXB (Editing)Where stories live. Discover now