Chapter 5 (kanta)

337 39 0
                                    

Kanta

Arthea's POV

"Ayos lang ba na dito muna ako? Di kasi ako makatulog." Saad ni Zeyschell, nasa baba kasi kami para magsulat na ng kanta, at bumaba si Zeyschell kasi di daw makatulog. Sayang gusto ko sanang iwanan sila para magkaroon sila ng time together, kaya lang kailangan namin gumawa ng kanta.

"Oo naman, pag may suggestion ka pede mo sabihin" usal ni Aizeth, napangiti naman ako don.

"May nagawa na ba kayo?"

"Meron ng first verse, basically yung song is about loving someone na parang imposibleng mahalin ka pabalik" saad ni Aizeth na sya namang naging dahilan upang mapaubo si Zeyschell.

Ewan ko ba diyan kay Aizeth, at iyon ang naisip na concept, agree naman ako doon kasi nakakarelate naman ako, kasi ganoon ang estado namin ni Can't lie quotes eh sya? Feel ko tuloy mayroon na syang sekreto. Yung naisip kong verse ay hindi ko magagamit kase hindi naman sya connected sa concept ng song namin. Ipagpapatuloy ko nalang yung kantang iyon soon.

"Sakit naman non, kung ganon" as an ZeyZeth shipper syempre kililigin ako, kelan kaya madedevelop itong dalawang ito? Excited na kasi ako.

"Masakit nga" sabat ko naman sa usapan nila, at tiningnan nila ako pareho.

"Pag kasi magmamahal ka wag yung nakatago sa page, para kilala mo" pagbibiro ni Aizeth ngumuso naman ako, si Zeyschell naman ay nagpipigil pa ng tawa, di nalang tumawa kung natatawa.

"Atleast yung mahal ko, di ko man nakikita o nakakausap, napapasaya naman ako pag malungkot ako, nafefeel kong importante ako. Pag talaga ako pinansin noon bigyan nyo akong tig 20k, sinasabi ko sa inyo." Ginigigil nyoko ha.

"Sige ba" saad ni Aizeth at sumangayon naman si Zeyschell at parang nabuhayan ako. Jusko asawa ko kailangan mo na akong pansinin para din to sa future natin, ayaw mo non may 40k na agad tayo pandagdag na yun sa wedding natin.

Napangiti nalang ako, soon iyan, ihanda na nila 20k nila, nararamdaman kong papansinin ako ni can't lie quotes, pakiramdam ko nga di lang biro na magiging kami eh, magiging asawa ko yun, sure ako. Pero naisip kong delulu na naman ako, ng makabalik sa wisyo ay ibinaling ko nalang ang atensyon ko sa papel na sinusulatan namin ng kanta.

Imposible mang hilingin
Na Ika'y maging akin
Ngunit hindi magsasawang sundin
Ang puso ko't damdamin
Patuloy na aaminin'

Na malayo man ang agwat
Puso'y di papaawat
Tadhana may sumalungat
Mananatili parin
At sasabihin

Na oo ohhhh,
Ikaw ang gusto oh,
Ikaw ang gusto na masilayan, mahagkan at makasama, habang buhay

Natapos na naming sulatin ang first verse to chorus, may tono nadin ito at pinagpaplanuhan namin ang pagkanta, kasi mas babagay daw sa boses ko ang chorus sabi ni Aizeth, bagay naman sa kaniya ang first verse, konting ayos nalang sa paglalapat ng second voice. Nakailang revise kami sa chorus, dahil ang hirap lapatan ng lyrics nung tono na nabuo. Ang ginamit kase namin, ay ang instrumental na nagawa ni Aizeth dati, hindi na namin binago iyon dahil nagustuhan naman namin pareho.

Sa kalagitnaan naman ng paggigitara ni Aizeth at ang pagkanta namin, ay tumayo muna si Zeyschell at umalis, ang cute nya alam ko kasing napapansin na nya na inaantok na ako kaya alam kong ipagtitimpla kami non ng kape. Si Zeyschell ang nag-isip ng line na "mananatili parin at sasabihin" bukod sa kinilig ako ay nagustuhan ko dahil bagay na bagay iyon sa tono.

Yung first verse karamihan ay gawa ni Aizeth ngunit yung chorus ay gawa ko. Parang sa kanta kasi sinasabi g kahit hindi pumapabor ang tadhana, kahit imposibleng gustuhin ako pabalik, willing parin akong umasa, at ipagsigawan na mahal ko sya. Kaya naman hanggat hindi ako napapagod na mahalin ka can't lie quotes di ako susuko, kung kina-crush back mo ako edi sana ang saya ko ngayon.

When Words Collide Where stories live. Discover now