CHAPTER 1

9 4 9
                                    

This very first chapter is dedicated totata_forever01  :)

WARNING: SPG
--------------------------

One...

Two...

Three...

Hinintay kong pumatak ulit ang tubig mula sa gripo habang nakasandal sa upuan ng kotse. Kanina pa namin hinintay si Ate Romana na bumili ng birthday hat para mamaya.

Simula nang makita ko ang drawing kagabi. I know that it's just a mere drawing. Pero hindi ko pa din makuhang mapalagay.

Bakit may 'kill her'? Sino ang nag-drawing non? Sigurado akong bata ang may gawa, isa sa mga pinsan kong bata. But who?

Pumikit ako ng mariin at humugot ng buntong hininga. Pag-mulat kong muli, kita ko kung paano pumatak ng isang beses ang tubig mula sa gripo.

"Alright! Let's go!" Natigilan ako nang makitang nasa tabi ko na si Ate Romana. Pabagsak niyang nilagay ang pinamiling birthday hat at bumaling sa akin. "What's with that face?! My god! It's your birthday Sis! Light up!" She said as she rolled her eyes.

Tipid akong ngumiti at tumango sa kaniya. Muli akong bumaling sa bintana nang magsimulang umandar ang kotse.

"Kill her! Why you're so stupid?!" Napapitlag ako nang biglang sumigaw si Araidne sa unahan. My adapted younger sister. Lumunok ako nang magsimulang lumakas ang kabog sa dibdib ko.

"Araidne! Lower your voice. Kakatingin mo yan ng horror." Dinig kong sambit ni Mama pero tumawa lang si Araidne.

"Ma, why not? Eh bobo naman talaga tong bida eh. Kita niyang dapat iisa lang ang mabuhay, hindi niya pa pinatay ang kaibigan niya. How stupid!"

Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi at bumaling sa labas. Mula sa side mirror, kita kong umilaw ang ilaw sa kotse ni Tito Samar ng ikalawang beses.

Tinaasan ko ng tingin si Papa na nagmamaneho pero tila hindi niya napansin ang signal ni Tito. Muli akong bumaling sa side mirror. Kumunot ang noo ko nang hindi na naging stable ang takbo ng kotse ni Tito Samar.

I looked at my sister but she just busy with her phone. Si Mama ay kausap si Araidne at Olivia na adapted din. Si Papa naman ay pasipol-sipol lang.

Mariin akong lumunok at muling bumaling sa likoran. Pero ganon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang biglang bumusilak ang kulay pulang likodo mula sa glass ng sasakyan. Tinakpan ko ang mga mata ko at mahigpit na kumapit sa bintana.

Tuluyan na ngang tumigil ang sinakyan nilang kotse hanggang sa tuluyan na kaming lumayo.

"Pa, sina Dahlia. Si Tito Samar..." Utal-utal kong sambit habang hindi magkamuwang ang kabog sa dibdib kong sambit.

"Oh, katatawag lang ng Tito Samar mo. Sadly, hindi daw sila matutuloy ngayon. It was Hazel who said. Sinabing may emergency daw sa business. Pero don't worry, susunod daw sila."  It was mom who answered.

Nakahinga ako ng maluwag mula sa narinig. Pero ang kaba sa dibdib ko ay hindi mawala-wala. Ano yung kulay pula? I don't like the idea but It's look like blood.

Pumikit ako ng mariin kasabay ng pagpanindig ng mga balahibo ko. No, Im just imagining it.

"WELCOME to Wrine River!" Nagmulat ako ng mga mata nang marinig ang boses ni Ate Romana.

Kita kong nagsitigilan din ang mga kotse ng iba pa naming kamag-anak.. I saw Tito Caspian step out then followed by Kuya Arden and Kuya Briar.

Nang magtama ang mga mata namin ni Kuya Arden, his smile become wider.

Familia Dela RosaWhere stories live. Discover now