"Nandiyan na po," Malumanay na sagot ko dahil antok na antok pa ako.
Pagkabukas ng Pintuan kaagad na rin kaming bumaba para magkaroon ng Salo-salo.
"Magandang umaga, Mr. Han." Bati ni Ama kay Mr. Han na nag-aasikaso na ng Bisita. Nagulat ako dahil halos mapuno na kaagad ng tao ang buong restaurant.
"Magandang Umaga," Aniya at hindi magkanda ugaga sa pag-aasikaso saka muling tumingin sa 'min.
"John! John!" Tawag nito kay Chef John.
"Po?" Mabilis na sagot ni Chef.
"Paghanda mo nga ng makakain sila Mr. Tin!" Utos nito kaya kaagad na umiling si Ama.
"Hindi na po. Balak din naman naming magkaroon talaga ng salo-salo dito sa Restaurant mo. Gusto naming umorder ng Signature Dish niyo at siyempre ang Mushrooms at Carbonara Soup na Secret recipe niyo," Nakangiting pahayag ni Ama.
Tumango naman si Mr. Han at saka inutusan si Chef John na iluto ang Order namin.
"Mag Enjoy kayo," Masayang pahayag ni Mr. Han. Kung nagtataka kayo kung bakit may English, minsan normal na rin ang pagsasalita gamit ang TagLish dahil ganito isinulat ng Developer ang Kwento at isinalin sa Laro.
"Salamat/ Thank you po!" Sabay-sabay na pasasalamat namin.
"Walang anuman. Oh siya, kaylangan ko ng umalis para mag-asikaso ng papel ng mga nakuha kong Scholar," Sabi nito at nagpa-alam na.
"Anak, hindi mo ba tinanggap ang alok niya na libreng pag-aaral?" Nag-aalalang tanong ni Ama sa 'kin.
"Tinanggihan ko po,Ama. Sa City A Capital pa po ang Shangri Academia at ang mga nagmula sa malalayong lugar kagaya ng lugar natin na nasa parteng Dulo ng City B, kaylangan naming manatili sa Dormitoryo at lalabas lamang t'wing Winter Break." Sabi ko.
"Hindi ka ba naghihinayang para sa magiging Future mo, Anak?" Malungkot na Saad ni Ina.
"Kung ang magiging kapalit ay hindi ko ho kayo makakasama ni Ama. Hindi po ako nanghihinayang o manghihinayang. At saka ho bata pa naman ako. Marami pang magandang oportunidad sa paligid." Iling-iling na saad ko at pinagmasdan ang tao sa paligid .
Merong iilan kagaya namin na nakasuot ng damit gawa sa coarse clothes pero mas madaming naka-suot ng marangya at makulay na Damit.
"Ina, napaka-sarap talaga nitong tinatawag nilang Carbonara. Mabuti na lang at gumala ako kahapon kung hindi, hindi tayo makakatikim ng ganitong kasarap na putahe," Sabi ng batang marangya ang pananamit.
"Magaling," Sabi ng kaniyang Ina at hinaplos ang ulo ng kaniyang anak.
"Ina, gusto ko hong tikman ang soup na pinamimigay nila kahapon!" Iyak na sigaw ng batang babae sa labas.
"Anak, wala tayong pera. Hindi kaya ng iyong Ama na ibili tayo ng mamahaling pagkain gaya non." Sabi ng babae habang pilit na pinapatahan ang kaniyang Anak.
"Ito na po ang Order niyo,"
Napatingin ako kay Mary at sa isang babae bitbit ang trey na naglalaman ng pagkain.
"Ito po ang Signature Dish namin," Magalang na pahayag ni Mary. Napatingin naman ako sa nilalapag niyang pagkain.
Prinitong Isdang merong bamboo shoot, Isdang merong Red sauce at tomato sa ibabaw. Meron ding Dumpling pasta soup na normal na sa Winter Season at Sweet potatoes bilang side dish.
'Hindi na masama,' I thought at timikim ng isang may bamboo shoot pero kaagad ko rin itong nadura dahil hindi natanggal ang pakla ng bamboo shoot.
"Ayos ka lang, Anak?" Tanong ni Ina.
"Opo!" Sabi ko at kumuha ng Isdang merong Red Sauce pero muntik na akong masuka dahil sa sobrang asim nito na parang nilagyan ng Purong Suka. Siguro, purong tomato ang nilagay nila pero maasim ang nabili nilang kamatis. Para hindi mag-alala si Ina, pinilit ko na lang na lunukin.
Napatingin ako kay Ina at Ama at napangiti dahil sarap na sarap sila sa pagkain. Siguro, nasanay na lang sila sa ganitong lasa pero sa ala-ala ni Keira, ngayon pa lang sila nakakain sa Restaurant dahil kung pumunta man sila sa Bayan, palaging Dumpling pasta soup lang ang kinakain sila sa isang Stall. Kaya sa palagay ko, bago sa kanilang panlasa ang Ganitong timpla ng Pagkain kaya akala nila ganito talaga ang lasa nito. Pero dahil nagmula ako sa ibang mundo, iba ang panlasa ko sa mga ganitong pagkain na natikman ko na doon.
"Kumain ka pa, Anak." Sabi ni Ina at nilagyan ako sa Isda sa ibabaw ng Mangkok ko.
"Opo!" Masayang saad ko at masayang kinakain lahat ng binibigay nila sa 'kin.
Hindi naman ako mapili sa pagkain lalo pa't masaya ang puso ko dahil sa pagkakaroon ng mapagmahal na magulang dito.
Tinikman ko rin ang Dumpling Soup pero nakulangan ako sa lasa dahil parang Asin lang ang nilagay nilang pampalasa. Ngayon alam ko na kung bakit bibihira lang ang pumapasok na kustomer dito. At kung bakit halos manlaki ang mata ng mga Chef's at mga taong nakakatikim ng niluto ko dahil hindi sa pagmamayabang pero wala sa kalingkingan ng mga Signature Dish ng mga Restaurant ang Simpleng Recipe ko.
Pagkatapos namin kumain ay nagbayad na rin si Ama sa Kahera. Ayaw pa nga magpabayad nito dahil inutos daw sa kanila ni Mr. Han pero nagpumilit si Ama dahil malaking tulong na ang naibigay niya sa 'min. Alam ko rin na Win-Win situation ang nangyari pero kung hindi rin sa kabaitan ni Mr. Han, wala kaming patutunguhan. Kaya para sa akin, ibabaon ko rin sa Puso ko ang ginawang pabor sa 'min ngayon ni Mr. Han at alam kong makakabawi ako sa kabutihan niya pag dating ng tamang panahon.
Pagkatapos magbayad ni Ama, pumunta naman kami sa Bangko para itago ang pera. Nagtira lang siya ng Limang silver at binili ng bigas at ulam para mamaya. Tinago niya rin ng maigi ang tatlong silver naman ay ipangbabayad kay Healer Jang dahil kinuha ni Bruhildang Grandma ang pambabayad sana. Binili niya rin ako ng macaron na "Favorite ko raw" Ang hindi nila alam tinatapon lang ng dating Keira ang macaron na binibili nila dahil cheap daw ito, hindi gaya ng laging nakakain niyang binibigay ni Charlie.
"Salamat, Ama!" Masayang saad ko at kinain ang macaron. Masarap naman dahil hindi tinipid sa Ingredients pero napaka-liit at talagang kaylangan mong bumili ng madami para ma appreciate ang lasa at sarap nito.
Naglakad na rin kami pabalik dahil wala naman na raw trabaho sila Ama sa Bukid.
Winter Season na kasi ngayon at tapos na nila anihin ang mga Palay sa bukid na pagmamay-ari ni Don Marcelo.
Nag-aalala rin ako sa mga mushrooms sa kagubatan dahil kapag umulan ng malakas na snow, matatabunan na ang mga 'yon. Madadagdagan ulit ang trabaho ko para pa-sikretong magtanim ng mushrooms doon. At may anihin sila Ama at Ina kada araw.
"Magpahinga ka na," Hingal na saad ni Ama at ibinaba ako.
Kaya ko namang maglakad ng dalawang oras pero ayaw kong maghinala sila kung bakit malakas ang Resistensiya ko.
"Opo, Ama!" Sagot ko.
"Tatawagin na lamang kita kapag luto na ang paborito mong ulam," Nakangiting saad ni Ina, at pinakita ang hawak niyang buong manok.
"Mn," Tango ko at saka pumasok na sa kwarto.
Nag luto lang ulit ako ng Letche Flan, Mushrooms, Shrimp at clam soup saka madaming spaghetti at binenta. Nag benta na rin ako ng kakabunga lang na Apple, Pears, Oranges, bayabas, strawberry, Blueberry, at Grapes.
"6D, 2G, 3S, 9C" Basa ko sa pera ko.
Pagkatapos, naglinis lang muli ako ng katawan at natulog.
YOU ARE READING
A Game With The Villain
FantasyPaano nga ba alagaan ang Isang kaawa-awang Villain? Nag-simula ang lahat sa isang laro. Pinili ko SIYANG alagaan. Siya ay Isang Fictional Character na magiging Villain sa hinaharap. Hindi ko alam kung bakit siya ang pinili ko. Siguro, dahil sa a...
Chapter 12 Edited
Start from the beginning
