Chapter 12 Edited

8 2 0
                                        

Chapter 12: One Diamond is equal to Prosperity

"Magandang balita," Bungad na pahayag ni Mr. Han at naupo saka inutusan ang ilang tauhan niya na ipaghanda kami ng makakain.

"Tatlong dayuhan kaagad ang naisipang magpa-reserba bukas ng pagkain. Sa tingin ko naman ay sapat na ang dala niyong mushrooms para bukas pero sa susunod na araw at sa mga susunod pa---"

"Handa kaming mag hatid dito ng sampong kilos kada makalawang araw," Sabi ko.

"Good," Aniya at may kinuhang papel sa bulsa niya at inabot kay Ama.

"Isang Diamond!? Jusko!" Sigaw ni Ama at napatayo sa upuan niya.

"Isang Diamond!?" Ulit na sigaw ni Ina at Nanlalaking matang napatingin sa papel na hawak ni Ama.

"H-hindi bang m-masyadong malaki po ito, Mr. Han?" Utal-utal na tanong ni Ama kay Mr. Han.

"Buong buhay naming gagamitin ang Recipe ng inyong anak, Mr. Tin. Maaari pa itong pagpasa-pasahan hanggang sa susunod pang henerasyon kaya maliit na bagay ang Isang Diamond para sa hinaharap nitong Pavilion,"

"Tama ka masyado ngang maliit," Pahayag ko.

"Keira," Pagbabanta ni Ama kaya napangiti ako.

"Limang taon," Sabi ko. "Kaylangan niyong panatilihin lang ang recipe na ito dito sa loob ng Pavilion ng limang taon." Dagdag ko pa.

"Limang taon? Bakit sa loob ng limang taon?" Tanong ni Mr. Han.

"Dahil gusto ko, at isa pa, ito ang tinatawag na secret recipe. Kung kakalat ba ito kaagad sa buong nayon, kikita kayo? Maraming Mushrooms sa kagubatan at pag nalaman nilang maaaring maluto ang mushroom sa gano'ng paraan, sa tingin mo ba maibabalik ang binayad mo sa 'min? Gusto ko lang na hindi mo pagsisihan ang binigay mong tiwala sa 'min," Seryosong sabi ko na nagpangiti sa kaniya.

"Magaling." Hangang saad niya at nilagay sa harapan ko ang isang tablang kulay Brown.

Tinignan ko ang naka-ukit dito at nanlalaking mata akong napatingin sa kaniya.

"Shangri Academia"

"Isa akong Professor Master sa Academia. Naghahanap ako ng ilang talentadong tao para maging Scholar. Ako mismo ang magiging Leader Master mo. Baka---"

I cut him off.

"I'm sorry, Professor Han. But, I'm not interested," Seryosong pahayag ko.

"Saan natuto magsalita ng English ang anak niyo?" Tanong niya kila Ama at Ina na nakatitig pa rin sa One Diamond na naka-papel. Ginagawa ito para iwas nakaw o takaw sa mata. Bukod sa Diamond, lahat ng Ingots ay pwede rin gawing papel.

"Anak?" Kuryosong tanong din ni Ina

"Kay Charlie po, Ina." Magalang na sagot ko.

"Sa kaybigan niyang si Princess Charlie daw ho, Mr. Han." Sagot ni Ina at ibinalik ang paningin niya sa perang papel na wari mo'y mawawala sa paningin niya.

Walang hindi nakakakilala sa pangalan ng Royal Family at kilala ng lahat ang mga anak ng Hari, maliban kay Grey na itinago ng Mahal na Reyna.

"Kung magbago ang isip mo hanapin mo lang ako," Sabi niya at muling nakipag-usap kila Ama.

"Dito muna kayo magpalipas ng gabi, Mr. Tin." Narinig kong saad niya kay Ama.

Magbabayad pa sana si Ama ng mga kinain namin nang pigilan siya ni Mr. Han.

"Hindi na. Libre ko na 'to," Sabi niya pa kaya napangiti ako.

Nagpilitan pa sila ni Ama, hanggang sa huli, Si Mr. Han pa rin ang nanalo.

A Game With The Villain Where stories live. Discover now