Chapter 3

10 1 0
                                    

Chapter 3

After three days of conducting our interview, we were able to collect all responses needed from our 15 participants. I was coughing so I took my hydro flask out from my bag and drank.

"Wala na naman silang ambag!"

"Sila magbayad ng lunch natin ha!"

Tumawa nalang ako. Kahit deep inside ay gusto ko na sumabog dahil sa inis. But scolding and nagging my groupmates will bring me no good, mag-aaksaya lang ako ng oras nyan.

"Greg, ikaw nalang mag e-encode?" tanong ni Cherry sa akin.

"Marami yun dba? Distribute nalang natin, sila na magta-type para copy paste nalang gagawin ko."

"Okayyyy..."

Hindi na kami nagtagal sa school at umuwi na, I need to finish my school works, lalo na ang paper namin. We're already analyzing our data, buti naman at natapos na kami sa collection, isa iyon sa nakakapagod dahil kailangan mo talagang magpawis kakahanap ng participant.

Ang yet again, there's ten of us but only three members went with me to interview. That leaves me with no choice but to erase their names on our research. Isa sa pinaka-ayaw ko ay nagbubuhat ng kagrupo na wala man lang maayos na ambag, they only do their task for compliance.

I was busy encoding when my phone beeped. It was Jance.

Jance:

Hello ate Greggyy, Jairo wants to see u sa bday nya.

Punta ka.

Hindi man lang ito nagtanong kung libre ako sa araw na iyon. I even forgot na birthday na ng kapatid niya!! Agaran akong nagtipa sa aking cellphone.

Me:

When is his bday again?

Jance:

Hindi mo alam? Isusumbong kita kay Jai!!

Me:

Stop being childish Jance

Jance:

nye nye

sa sabado bday ni Jai, punta ka!

Me:

Okay

I guess I have to adjust some of my schedule on that day. May training ako ng Saturday for archery, and nope it's not for school. My lolo is obsessed with sports hobbies kaya gusto niya na nasasanay ako sa mga ito. Just like lawn tennis, the last time I joined a competiton for doubles was when I was in grade six, hindi ko itinuloy nung highschool dahil ayaw kong maraming nami-miss na school works. Kaya sa Journalism nalang ako nagstay.

Apart from that, I also play badminton and a little bit of volleyball. But what's more surprising is I'm great at basketball. Since I only have a brother, palagi niya akong tinuturuan noon ng basketball, and somehow it became a hobby of mine.

It was already past 12 am ng matapos akong mag encode, ng sarili kong ambag syempre dahil wala pa yung iba, naiinip na ako kakahintay kanina kaya ako nalang gumawa. They can just simply type hindi pa magawa. I'm already sleepy so I fixed myself first before going to bed.

***

Days went by at sabado na. Malapit na rin naming matapos ang paper naming at ang mga huling pyesa nalang ang kakailanganin, so right timing ang birthday ni Jairo, I'm able to get a breather. Nagpahatid na lang ako sa driver naming at tatawagan nalang ito kapag uuwi na ako.

Caught Offhand (Caught #1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu