"Sa huling pagkakataon C-Crystal p-paalam m-mahal k-kong kai....bigan ipaghihiganti kita s-sa kahit anong paraan pangako." lumuluhang naglakad ako palabas at syaka sinarado ng nagbabantay ang pinto, napaupo ako sa lupa at napayakap sa tuhod ko,

"Kahit ubusin mo pa ang luha mo hindi na sya babalik." napatingala ako sa nagsalita at si Kyle iyon ang leader ng Killer Gang na kalabang mortal nila kuya.

"Wala kang pakialam." pinunas ko ang luha ko at tumayo syaka naglakad ng hawakan nya ang braso ko, tiningnan ko sya ng masama.

"I have a offer, umanib ka sakin at labanan sila Demon para maipaghiganti mo sya." tinabig ko ang kamay nya

"Hindi ako nasisiraan ng ulo para umanib sayo at kalabanin sila Kuya, ako ang gagawa ng paraan para pabagsakin sila." iniwan ko syang hindi nakapagsalita at naglakad paalis sa lugar nayon nang masalubong ko si Kuya

"Mega-"

"Don't you dare call my name." gulat syang tumingin sakin at hinawakan ang braso ko na tinapunan ko ng tingin

"What happened Megan? hindi ka naman ganyan ng wala pa ang babaeng yon, simula ng mamatay sya nag iba kana." ngumiti ako kay kuya at inalis ang kamay nya na nakahawak sa braso ko syaka lumuluhang tumingin sa mga mata nya

"Your right kuya hindi ako ganito...pero binago nyo ako. Binago mo ako... simula nang kinuha nyo si Krystal pinatay nyo rin sya tapos ngayon pati ba naman si Crystal pinatay nyo rin ang sama nyo, kinasusuklaman ko kayo!" tumingala ako at nagpunas ng luha syaka natatawang napahawak sa ulo ko, lalapit na sana si kuya pero lumayo ako

"Megan hindi k-"

"Stop lying to me Kuya kagaya karin nila...wala kang pinagkaiba sa kanila na halang ang bituka haha nagsisisi akong naging kapatid pa kita." nakita ko ang sakit sa mga mata ni kuya na lumuluha narin ngayon, inalis ko ang tingin ko sa kanya

"I'm sorry Megan hindi ko ginusto ito."

"Hindi mo ginusto? pero ginawa mo parin kuya haha tandaan mo ito...this is the last time na tatawagin pa kitang kuya na ituturing kitang kapatid. dahil bukas wala na akong pakialam sayo ituring nating kaaway ang isat-isa sa loob ng impyernong 'to " tinalikuran ko si kuya at doon bumuhos lahat ng luha ko at patakbong umalis sa lugar nayon, buo na ang desisyon ko aanib ako kay Kyle kakalabanin ko na sila.

...

"Nasan si Kyle kailangan naming mag usap." nakangising naglakad paalis sa harapan ko ang lalaking pinagtanungan ko

"So you Decide it naba Megan?" tanong sakin ni Kyle nang makalapit sya sakin

"Yes lalaban ko si Kuya ipaghiganti ko si Krystal at si Crystal" ngumisi sya at inikot ikutan ako

"Krystal that girl na kumalaban sa mga gangs, iniisip ko kong sinong pumatay sa kanya, kong si Demon ang pumatay kay Crystal sino ang pumatay kay Krystal? masasagot lahat ng tanong mo dahil umanib ka sakin."

"Welcome to my Gang Miss Megan Alcantara hahahaha " isang tawa ang pinakawalan nya na nagpaingay sa loob ng hide out nila habang nakangisi naman ang mga kasama nya.

"Magaling Megan tama ang naging desisyon mo."

Nang matapos na kaming mag usap ni Kyle ay bumalik na ako sa dorm na walang maayos na pag iisip, gulong gulo ako tama ba na umanib ako at kalabanin ang grupo ng kapatid ko? napasulyap ako sa kwarto ni Crystal at mapaklang napangiti Crystal miss na kita ang daya mo.

Devil AcademiaWhere stories live. Discover now