Chapter 2

5 1 0
                                    

Chapter 2: Going to Palawan








Kabado akong naglalakad palabas ng Bahay. Hindi ko lubos maisip na papasok nako sa Isang unibersidad. Unibersidad na Walang ni Isang impormasyon akong alam. Napabuntong hininga nalang Ako at napatingin sa oras




11:24pm




Nagpapasalamat Ako nang makakuha pa'ko ng cab. Dali dali akong tinulungan nung driver para isakay ang mga bagahe ko. "Kuya *** Airport po" Saad ko pagkaupo ko sa loob.




Hindi maalis ang paningin ko sa screen ng aking cellphone, nagbabakasakaling may magpapakitang message galing Hellvior University.




"Andito na Tayo iha" Napakurap Ako nang magsalita ang driver. Ibinigay Kona ang bayad, at pagkalabas ko palang ng cab ay sumalubong na ang malamig na simoy ng hanging 'buti nalang at naka jacket Ako'




Tulad ng kanina ay tinulungan Ako ng driver na ilabas ang bagahe. Luminga linga Ako sa paligid, maliwanag naman ang airport Ngayon, nakabukas ang mga ilaw at pagkarating palang ay tatambad na agad ang napakalaking sign na umiilaw at may tatak ng pangalan ng airport. Ngunit Walang ibang tao maliban sa i-ilang guards na nagturo saakin ng daan kung nasaan ang eroplanong sasakyan.




Saglit akong natigilan nang Makita ko ang mga tabi tabing eroplano. May iilan na magkakapareho ang kulay ngunit Isa lang ang nakakuha ng atensyon ko. Kulay asul at itim na eroplano, ito lang ang tanging may bukas na ilaw at satingin ko ay ito na iyon..




Lumapit Ako roon at Hindi ko mapigilang kabahan. 'Ni Hindi ko alam kung Tama ba ang desisyon Kong ito..




Nabalik Ako sa ulirat nang may lumapit saaking flight attendant, naka kulay asul at itim na uniform din ito.




"Please get inside, there are also other students waiting for the flight to start." Aniya. Hindi nako umangal nang tinulungan nya Ako sa pagbuhat ng maleta.




Tila ba kinikitil ang paghinga ko nang tuluyan nakong makapasok sa eroplano. Sobrang ingay ng tibok ng aking puso, tila ba naghalong excitement at kaba. Hindi Kona maikurap ang aking mata dahil minamatyag ko ng maigi ang bawat sulok ng eroplano. Kulay puti ito ngunit may mga asul na guhit sa bawat parte ng sasakyan, Hindi maipagkakaila ang taglay nitong Ganda. Para bang private airplane ito ng Isang bilyonaryo.




Mas Lalo akong namangha nang makarating kami sa passengers seat. Hindi ito tulad ng ordinaryong eroplano na masikip at madaming upuan. Bawat side ay may bilang lang na tag-iisang upuan at may pabilog na lamesa sa harap ng bawat upuan, itinuro saakin ng flight attendant Kung paano ma a-adjust ang upuan na gagamitin ko para sa gusto Kong posisyon habang nagbya-byahe.




Matapos Kong ayusin ang aking gamit ay naupo nako at naging komportable. Ngayon kolang napansin na may mga Kasama rin Ako sa eroplano, sadyang distracted lang Ako sa sobrang pagkamangha at Hindi Kona nagawang bigyang pansin ang mga tao sa loob. Sa harap ng bilog na lamesa ay maliit na tv, makikita sa screen nito ang salitang hellvior University.




Sa tansya ko ay mga 12 lang kami na pasahero sa loob ng eroplano. Nakakapagtaka lang kung ba't nagbibigay ng ganitong klaseng service ang paaralan sa mga tulad naming mag estudyante dahil kung tutuusin ay napakalaking halaga ang mawawala sakanila. Mula sa Pera na ibibigay nila sa mga parents Namin, at Yung 10 thousand na pamasahe sa flight nato (though ang weird Kase parang kalahating milyon ang dapat na bayad pag ganitong klaseng eroplano ang sasakyan). Siguro nga ay sobrang yaman ng paaralan na papasukan ko..




School War [Hellvior University]Where stories live. Discover now