Bagyong Binggoy - 4

Start from the beginning
                                    

-

napatigil naman sa pagsubo ng pagkain si james "bakit sa kwarto ko" tanong nito sa kapatid. 

-

"e diba sa kwarto mo naman tayo dati nag iinom nila alex at kenneth nung wala ka pang trabaho, barkada mo din naman iyong mga iyon eh - sige na kagaya lang nung nakaraang gabi tayo tayo lang" 

-

"tigilan mo nga ako patrick, alam mong sabado na nga lang ang pahingga ko e" 

-

"edi wag na bukas, ngayong gabi nalang tutal start naman na ng restday mo ngayong gabi diba? para bukas pahingga ka naman" 

-

"kung ngayong gabi edi diyan nalang sa tapat - bat sa kwarto ko pa, bukas pa naman ang uwi nila kuya bernie eh" 

-

"kamuntik na kasi kame mareklamo dahil sa inggay nung nakaraang araw e' mainit pa ang ulo ni aling nelya diyan sa harapan - sige na ya, sali ka namin sa ML 5v5 tayo oh dali pustahan pa" 

-

"inuto mo pa ako - kumain ka na nga lang diyan" wika ni james. 


**********


matapos kumain ay nagpababa lang ng kinain si james, pumasok na sa kwarto at nagkulong sa loob - sa klase kasi ng trabaho nito ay bonus nalang talaga ang extrang tulog kapag rest day kaya naman imbis na igala e' talagang susulitin niya ito sa pagpapahinga. 

-

ikononekta ang selpon sa speaker saka nagpatugtog ng mga hilig na awitin - nahiga sa kama at ipihangingga ang katawan habang ang braso ay nakapatong sa noo at nakatingala sa kisame. 

-

maya maya pa'y naistorbo ang pagmumuni muni ni james dahil sa sunod sunod na malalakas na katok sa pinto "sino yaaannnnnnn" iritang saad ni james - ngunit hindi ito sumagot at patuloy lang sa pagkatok "sinabi ng sino yan ehhh hayyyyyyys istorboooo namannnnnnnn" 

-

walang nagawa si james kung hindi pagbuksan dahil napaka ingay ng katok - pag bukas nang pinto ay agad bumungad si patrick - walang sabi sabi at dirediretsong pumasok sa silid ng kapatid "hoy patrick ano baaaaa" inis na saad ni james. 

tila wala namang narinig si patrick tuloy tuloy na naupo sa sahig ng silid ng kapatid bitbit ang plastik na may dalawang kwatro kantos na gin at pitsel - hindi pa man napagsasabihan ni james ang kapatid eh agad nakabuntot dito si binggoy na muli na namang kumindat kay james tapos kagaya ni james e' tuloy tuloy lang na pumasok sa silid ni james - bitbit din ang plastik na may samut saring chichirya at pulutan "tangina niyooooo" ang tanging naibulalas nalang ni james. 

-

kuhang kuha ng kapatid ang inis e' humakbang si james at nilapitan si patrick at akmang aambahan ng kutos si patrick ng may isa pang mag salita mula sa pinto ng silid "kuya james saan ko po ilalagay itong yelo?" natigilan si james at napalingon sa nagsalita. 

-

nakita niya ang maaliwalas na mukha ni junnie, hawak hawak ang dalawang supot ng tube ice.

-

hindi umimik si james at muling ibinaling ang tingin sa kapatid "andito na kami kuya e tuloy na natin to" mapang asar na ani ng kapatid "sakto o naka soundtrip ka na" 

-

"bakit ba kasi dito sa kwarto ko bat hindi doon sa sala patrick" ani ni james batid pa din sa boses nito ang inis sa kapatid. 

The Darkest Temptation (M2M Stories Collections) - Book 2Where stories live. Discover now