Nag Group Message (GM) si Vance ng quotes about sa torpe tapos yung lagi niyang signature na I really <3 L ay nalaman na kung sino yung mysterious na L na yun. Ang akala nga ng lahat ay si Lexie yun dahil ginagamit niya na yun bago pa maging sila si Lexie … then L means Lauren pala !!!
Kinabukasan …
“Nice Vance, naamin din =D” – sabi ni Gabriel (Gab for short)
“Putik =D”
O.o -> ako, whahaha joke lang, baka mahalata na nababadtrip ako kay Vance eh. Syempre act normal lang =D
Dumating na si Lauren, normal lang siya. Ganyan naman siya lagi kapag may umaamin na gusto siya eh “medyo” iniiwasan niya lang.
Kaya nga hindi ko pa inaamin eh XD pero ako naman yung lumalayo, para masanay na ako kapag inamin ko.
Nag – GM si Lauren ^___^ Kaya lang na curious ako sa signature niya … “I can <3 u more than this” … SINO YUN ??
Nagreply ako sa kanya at nagsimula na yung conversation namin …
Me: Nice naman
Lauren: Huh ? Bakit ?
Me: May bago ahh, si Vance =))
Lauren: Sus
Me: Bakit ??
Lauren: Wala lang
Me: Tss, bakit parang di ka yata masaya ?? Ang dami namang nagkakagusto sayo
Lauren: Pampagulo lang sila
Me: ahh
* end of conversation *
Aww … Paano nalang kapag inamin ko na ?? Madalas pa naman siyang mabadtrip, mainis or magalit kahit simpleng pagkakamali ko lang at kung minsan ay hindi ko pa alam yung dahilan =((
Ililihim ko na lang ba itong nararamdaman ko para hindi siya magluhan at mahirapan;
O aaminin ko na para magkaalaman na ??
* you have a text message *
[ from: Lauren ]
Bakit siya nagtext ??
“Pwede bang hindi sumama bukas ?” – Huh ?? bakit?? Stage Play bukas eh
* conversation *
Me: Bakit naman ??
Lauren: Wala lang
Me: Pwede ba yun ?? Wala lang ??
Lauren: Sasama na nga, dami mo pang tanong eh … Oo o hindi lang naman
Me: Galit ka na ??
Lauren: Ano sa tingin mo!
Me: Sorry =((
* end of conversation *
Haist … galit na naman yata siya sa akin =(( Di na kasi siya nagreply after nun. Di ko talaga siya maintindahan
The Next Day …
1 pm pa yun Stage Play pero 6 am pa lang umalis na ako ng bahay. Dami ko pa kasing susunduin eh, para akong school bus kapag aalis kaming magkakaklase eh. Isa pa, may usapan kasi kami ni Lexie na sabay kaming magsisimba ngayon
After magsimba dahil Sunday, hinatid ko muna siya kala Jaypee (sa nanay-nanayan niyang bakla), susunduin ko na kasi yung mga nagpapasundo. Taong SCHOOL BUS ako eh XD
Nang masundo ko na lahat, sabay sabay na kaming pumunta sa theater na panonooran namin
LAUREN’s POV
Naiinip na ako, ang tagal !! Lahat ng tao dito bwisit na. Sobrang init pa >.< Bakit kasi si Ivan pa naisip kong tanungin eh. Sobrang kulit pa naman nun kapag nalaman niyang hindi ka sasama !!
Naglalabasan na yung first batch, Si Louie yun ahh (boyfriend ni Shane)
“LOUIE !!” – makasigaw naman ‘tong si Mommy (mommy ko nga pala si Shane sa family tree naming magkakaklase)
“Maganda ??” – tanong ko agad paglapit niya
“Oo, maganda. Ang gwapo nga nung nakaheadset eh” – si Louie … BAKLA ?!! OMG O.O !!
“Patay nak, bakla pala boyfriend mo eh” – pang-aasar ni Ivan kay Shane (anak naman ni Ivan si Shane)
“Oi hindi ahh, gwapo lang talaga” – pagdedefend ni Louie
“Ako tumawag, kayo kumausap, MAGANDA YAN !! Pasok na nga tayo !!” _ nagtampo si Mommy XD
“Panget wait kita kahit ilang oras pa yan” – sabi ni Louie kay Shane (Panget call sign nila =D)
Nice naman si Louie =)) very good boyfriend kahit may pagkaloko loko
After nung Stage Play …. Gwapo nga ni Bimbo, yung nakaheadset na tinutukoy ni Louie. Ang ganda nung story =)) Enjoy na, may lesson pa =D Worth it naman yung paghihintay sa labas ng sobrang tagal =))
Paglabas … nandun pa rin Louie. Ang tatag ahh =D yan talaga ang boyfriend. Kapag pinakawalan pa yan ni Mommy, ewan ko na lang. Sa panahon ngayon bihira na lang yung ganyan. Si Ivan nga sobrang mainipin eh, kung wala pang mapagtitripan … siguradong bad mood na yun “WHOLE DAY”
Bakit pumasok si Ivan sa isip ko ?? Ang dami namang pwedeng i-example … Nevermind !!
