Page 16

9 4 0
                                    

"Agos"

Ako'y namangka
hindi sa ilog o sapa,
sa malawak na karagatan
ng tinatawag nilang pag mamahal,
ako'y namangka
hinayaan ang sariling mag pa tangay sa agos
at maging malaya,
hinayaang maging masaya,
kahit panandalian
kahit walang kasiguraduhan,
kung makakabalik pa ba
sa dalampasigan o mawawala.

Nang marating ang kalagitnaan
biglang may kakaibang naramdaman,
hindi ko na dapat pinansin pa
at hinayaan na lang,
sinubukan ko naman
na ipag sa walang bahala at pabayaan,
ngunit alam kong hindi na tama,
mali na ang nararamdaman,
ang dating bangka na
nasisiguro ko ang aking kaligtasan,
ay para bang magiging sanhi pa
ng aking katapusan.

Nag karoon ng sira,
isang butas ang aking nakita.
unti-unting pumapasok ang tubig
na sa karagatan nagmumula,
sinubukan ko namang gawan ng paraan,
takpan ang butas at punuin ang kakulangan,
sobra akong naguluhan,
kaya ko pa bang sumagwan?

Kaya pa bang sumagwan
patungong dalampasigan?
o hahayaan ko nalang?
hahayaan nalang na lumubog
kasama ng bangka sa kailaliman.

— feria

Untold Secrets Of Unfold PagesWhere stories live. Discover now