Bagyong Binggoy - 2

Start from the beginning
                                    

-

"naku hindi po, papasok po ako sana sa bayan pang gabi ako - ito naman bibili sana ng gatas ng pamangkin kaya nakisabay ako - nadatnan naman kami ng malakas na hangin ang ulan kaya napasilong kami doon sa saradong tindahan sa tawid kalsada"

-

"ay gay'on ba? sandale" paalam na naman nung mabait na manang sa dalawa - pinanood lang nila itong lumakad papasok, inilapag ang thermos sa lamesa at tila ba may kinuha sa tukador.

-

"ire oh" saad nung manang at tila may inaabot na maliit na bagay, nilahad naman ni james ang palad at kinuha "ano ito rosaryo for prayers?" ani ni james sa sarili at tumawa. 

-

muling nagtama ang tingin ng dalawa habang parehong nakatingin kung ano ang nasa palad ni james na inabot ng manang "ire ang susi nung tindahan doon sa kanto" saad nung manang.

-

"matagal nang sarado iyon kasi hindi ko na kayang bantayan kaya pinag alaga nalang ako ng biik kasama yung bunso ko"

-

"ay nasan po apala ang bunso ninyo?"

-

"tulog na onse anyos palang iyon naawa naman ako pasuungin sa ulan baka sipunin - nakalimutan ko kasi ipakabit yang lona kanina eh - buti nalang at dumating kayong dalwa"

-

"ano ho ang gagawin namin diyan sa susi?"

-

"ay sabi niyo wala kayong masilungan, bumalik kayo doon sa tawid at doon na muna sa tindahan magpatila ng ulan, wala naman mawawala kay matagal ng sarado iyan"

-

"naku manang salamat ho"

-

"hindi ko naman kayo pwedeng patuluyin dine' at mahirap ng magtiwala, isa pa baka matakot yung anak ko pagkagising eh palukpukin pa kayo ng tabla" nagtawanan yung tatlo.

-

"oh siya - kung kayoy aalis na e' isabit niyo nalang dine ang susi" dagdag ni manang sabay turo doon sa pako sa frame nung pinto "may maayos na papag doon, sa kahon may mga tela na pwede kumutin - may mga lumang twalya din kay ginawa mang tambakan iyon kayo na ang mag hagilap, basta ba wag niyong masyadong guluhin at ligpitin niyo bago ninyo iwanan" may kadaldalan ang manang, pero napangiti si james dahil sadyang kabaitang itinuran nito. 

-

"ire pa pala oh" saad pa nung manang sabay muling bunot sa bulsa, maya maya may inabot din ito kay binggoy na tahimik na humihigop ng kape habang nakikinig sa sinasabi nung ale. 

-

"nanlambot na siguro ang manoy niya dahil nainitan" wika ni james sa sarili tapos palihim na tumingin sa ibabang bahagi ni binggoy at ngumiti. 

-

"posporo iyan utoy, walang ilaw doon pero may gasera - kapain niyo nalang sa may lamesa - ingatan at baka masunog ang tindahan ah"

-

"maraming salamat manang, heto na po ang tasa"

-

"oh sige sige magbilis habang mahina ang bugso ng ulan at baka kayo'y datnan pa't lalong mabasa"

-

kumaway na ang dalawa sa ale' habang tumatakbo pataas, patungo sa kalsada pabalik sa tindahang inalisan nila kanina. 

The Darkest Temptation (M2M Stories Collections) - Book 2Where stories live. Discover now