Chapter 1

24.9K 534 1K
                                    

Chapter 1

Alas tres y media nang madaling araw nang magising ako. Narinig ko ang pag-iyak ni Hillary. Kahit na inaantok pa ako, pinilit ko pa rin na bumangon para lang patahanin ang bata.

Nag-timpla ako ng milk sa baby bottle at ipinainom iyon sa kanya. Kapag nilalagay ko siya sa crib, bigla na naman siyang iiyak. Wala akong nagawa kung hindi ang patulugin siya sa mga bisig ko.

Nangangalay na ang mga braso ko pero hindi ko naman siya mabitiwan. Hindi pwede na pati sa pagbubuhat ay humingi ako ng tulong kay Dwyne. Mukhang natutulog na ang lalaki. Kampante siya na iwanan sa akin si Hillary.

"Gan'to ka rin ba sa Daddy mo?" tanong ko habang hindi inaalis ang tingin kay Hillary na mahimbing nang natutulog.

Maingat kong inihiga sa crib si Hillary. Mahimbing na ang tulog niya. Hawak-hawak niya pa rin ang baby bottle na malapit nang maubos ang laman. Kinuha ko iyon at inayos ang pagkakahiga niya.

Magkasama kami sa isang room. Magkalapit lang ang kama at crib. Naaamoy ko ang perfume na panlalaki sa mga unan. Mukhang dito natutulog si Dwyne para bantayan si Hillary. Ngayong nandito na ako, ako na ang mag-aalaga sa bata.

Hindi na ako dalawin pa ng antok kaya inabala ko ang sarili sa pag-aayos ng mga gamit ko. Kakaunti lang ang dala ko na masusuot. Kapag sumahod na ako, bibili ako kahit dalawang pares lang sa bangketa. Kuntento na ako roon, basta ang mahalaga'y may masuot ako.

Bigla kong naisip ang pamilya ko. Siguradong naninibago sila na wala ako sa tabi nila. Kahit ako, hindi rin ako sanay na wala sa tabi ko ang mga kapatid ko. Habol pa naman sa akin si Syerra. Baka umiyak siya sa oras na hindi ako makita.

"Nagugutom na 'ko..." Marahan kong hinaplos ang tiyan ko nang makaramdam ng gutom.

Pagkarating ko rito kahapon ay hindi na ako nakakain pa. Maaga akong nakatulog. Pero bago ko ginawa iyon, sinigurado ko muna na tulog si Hillary. Hindi naman siya naging pasaway sa akin.

Kumportable na agad si Hillary na kasama ako. Ganoon din ang nararamdaman ko sa bata. Mas lalo ko tuloy namiss ang mga kapatid ko. Lalo na ang panlalambing nila sa akin.

"Bahala na nga..."

Hindi na ako nakatiis at lumabas na ng kuwarto. Nilibot ko ang tingin sa paligid. Natutulog pa siguro si Dwyne. Madaling-araw pa lang naman. Habang si Hillary ay mahimbing pa rin ang tulog sa crib.

Dumiretso ako sa kusina at binuksan ang fridge. Halos mahilo ako sa dami ng laman na mga pagkain. Naglabas ako ng left-over na pasta. May mga hindi pa nabubuksan, pero iyong nabawasan na ang pinili ko. Nakahihiya naman kung kumain ako ng bago nang hindi man lang nagpapaalam sa amo.

Sa susunod nga, bibili na ako ng biscuit na pwede kong kainin. Para kahit papaano'y mawala ang gutom na nararamdaman ko. Sanay naman akong hindi kumain ng kanin.

"What are you doing?"

Nang dahil sa gulat, nabitiwan ko ang hawak kong tinidor. Mabilis kong kinuha iyon at nilingon si Dwyne. Hindi ko inaasahan na mahuhuli niya ako!

Bigla akong nakaramdam ng hiya. Hindi pa naman ako nagpaalam sa kanya na kakain ako. Sana pala ay nagtiis na lang ako ng gutom. Mawawala rin iyon kapag nakatulog ako.

"Sorry po," I bit my lower lip. "Hindi ako nakapagpaalam sa 'yo kung pwede akong kumain."

Tumikhim si Dwyne. "Okay lang, hindi naman kita pipigilang kumain."

Nilingon ko siya. "Talaga po?"

Hindi siya sa sumagot. Kinuha niya ang pasta at isinalang sa oven para painitin. Balak ko pa naman sanang kainin iyon nang malamig. Nakakahiya na pati oven ay gamitin ko nang walang paalam.

Never Let Me Go (Embrace Series #2)Where stories live. Discover now