Pero mukhang nagkamali ako dahil lumapit sila dalawa ni Clea sakin at pinag yuyugyug ang balikat ko para palingunin.





Tumingin ako kay Nick na nasa pintuan na sya pala ang nakita nila Roxy kanina.




I smiled awkwardly at him. he has big bouquet of flower oh his right hand and a box of chocolate on his left hand.



Kinakabahan ako. hindi lang sana yan para sakin, napapikit nalang ako dahil mukhang tama nga ang hinala ko.



Lumapit sya sakin at nahihiyang ngumiti sabay abot ng mga dala nya.




I gulped.



"H-Hi..." shit! bat ako pa ang nautal.




Matagal ko ng alam na may gusto sya sakin since grade seven at aware ako dun dahil pinapaalam naman nya.




Siniko naman ako ng bweset na nakangiting si Roxy.




"H-happy Valentines..." mahinang bati nya at umiwas ng tingin, inabot nya sakin ang flowers and chocolate kaya napatingin ako dun, nagdadalawang isip kung tatanggapin.




"P-para kanino?" fvck! sya lang naman ang may gusto saamin pero pati ako nahihiya na rin.





Lahat na kasi ngayon ng classmates ko ay nakatingin saamin at dahil likas silang shippers mas lalo tuloy naging awkward.




"bobo or pabebe lang? malamang para kanino pa ba?" sinamaan ko ng tingin si Roxy, kahit kailan talaga hindi nakikiramdam ang babaeng to.





"pwede mo bang tanggapin? please..." nakakamot na ulong tanong ni Nick na halatang nahihiya na rin.





Napapikit nalang ako, ayaw ko sanang tanggapin dahil makokonsensya lang ako, wala akong gusto sakanya at ayaw kung bigyan sya ng maling motibo at paasahin kaso mas masasaktan sya kapag hindi ko tinanggap at baka mapahiya rin.





Dahan dahan ko naman yung tinanggap mula sakanya kaya napangiti sya, i smiled back at him.





Tumili naman ang lahat ng nasa classroom namin na halatang kinikilig kaya napakamot nalang din sa batok si Nick at yamuko habang namumula ang pisngi.





"Thankyou." sincere kong saad dito



"Thank you rin... ah" alam kung may gusto pa syang sabihin kaya pinag pawisan ako sa kaba. please tama na, weakness ko talaga tong ganito.




"sabihin mona Nick!" nakangiting sabi ni Roxy




"Oo nga yayain mo ba ng date si Jeremiah mamaya!" pareho kaming napa iwas ng tingin sa isa't isa dahil sa sinabi ni Clea, napa tili silang muli at mas lalo kaming inasar, sinamaan ko ito ng tingin.




"ah..."



"sabihin mona bro!" sabat ng kaibigan nito sa likod.



"free ka ba daw mamaya?!" Sinamaan nito ng tingin ang kaibigan nya kasi sya dapat ang mag sasabi nun.




Kyaaaaa. the fcvk! I'm speechless.




Hindi ko alam ang isasagot, gusto kong sabihing 'hindi', kaso nahihiya ako at baka mapahiya sya, ayaw ko rin sabihing Oo dahil aasa na naman sya.





"Oo free sya!" si Roxy na ang sumagot, napapikit nalang ako dahil pinagtutulakan talaga kami ng mga tao dito sa loob at sila na ang nag desisyon para samin, nahuli ko naman ang napangiti si Nick.





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 29 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chasing The Cloud (Series 1)Where stories live. Discover now