Chapter 17

19 3 0
                                    

SINUNDAN ng tingin ni Claire si Leon dahil nakaramdam siya ng munti tensyon sa magkaibigan. She watched him how he drink his water from the mouth of the bottle with a creased eyebrows. Nang mahagip ng kanyang mga mata ang pag-iling-iling ni Klaus ay napalingon siya rito at mas lalong nagtaka sa kinatatayuan.

She glanced at Carol with her query eyes. Nagkibit-balikat lamang ito bago lumapit sa kanya.

"Huwag mo na silang pansinin, ganyan talaga mga lalaki. Magluto na lang tayo ng ulam," suhestiyon ni Carol para mapasang-ayon siya dito.

"Is it okay if we cook Tinola?" tanong ni Claire. "Leon requested Tinola for today's lunch."

"Ayos lang at saka madali pang maluto. Mag-aalas-onse na rin kasi baka nagugutom na kayo," sagot ni Carol at iginaya niya na ito sa kusina bilang pagsang-ayon.

Pinag-usapan nila ang kalagayan ni Sherry habang naghahanda sila sa mga rekado. Si Carol ang nagpresenta na magbalat ng sayote habang siya naman ay pinagtuunan ng pansin ang paghiwa ng mga rekado katulad ng sibuyas at luya. Ayon sa kaibigan ay pinatigil muna nila sa pagpasok si Sherry dahil kailangan nitong mamalagi sa ospital at si Carlos ay bumibisita kay Sherry araw-araw pagkatapos ng pasok nito sa high school. Sherry has a personal nurse too thanks to Leon.

Sa bahay-ampunan naman ay ayos lang ang naging kalagayan ng lahat. Hindi lamang wifi ang pinakabit ni Leon sa bahay-ampunan kundi bumili rin ito ng mga appliances na makakatulong kay Carol sa pang-araw-araw katulad ng stove, refrigerator, electric fan, at mga bagong kabinet para sa kusina at lahat ng kuwarto. Leon also bought ten bed frame for the kids with soft mattress. At ngayon niya lang din na laman na kumuha ng katulong si Leon para sa bahay-ampunan nang sabihan siya ni Carol. Wala siyang kaide-ideya sa mga pinagbibigay ni Leon sa bahay-ampunan. Sobra-sobra na talaga ang naitutulong ni Leon sa kanya at sa mga bata.

Nang maluto na ang putahe ay naghanda si Claire ng patis na may sili at kalamansi. They called Klaus and Leon over for lunch and the two finally made up. Gaya ng sabi ni Carol, mga lalaki ito at natural na sa mga itong ang mag-away at magbati agad. Umupo si Leon sa kanyang tabi habang si Klaus naman ay umupo sa tabi ni Carol.

Sabay na napatitig si Leon at Klaus sa pagkain lalo na sa patis na nasa gitna ng mesa. Tinangka iyong amuyin ni Klaus ngunit napalayo ito nang maamoy ang halimuyak ng patis.

"God, what was that?!" napapantastikuhan tanong ni Klaus sabay titig sa patis. "It smells bad."

"Patis 'yan, tanga!" paasik na sagot ni Carol na ikinabigla ni Klaus.

"T-Tanga?" hindi makapaniwalang tanong ni Klaus sabay turo pa sa sarili. "Ako? Tanga?"

"Hindi, iyong patis," sarkastiko na sagot ni Carol na mahinang nagpatawa sa kanya ngunit agad niyang itinigil nang makitang lumingon sa kanya si Leon. "Patis iyan kaya ganyan. Sa English Fish Sauce."

"Wow!" manghang wika ni Claire sa sagot ni Carol sabay palakpak pa. "Tama nga na Fish Sauce ang english ng patis."

"Oh, 'di ba?" proud na wika ni Carol sa kanya at aliw na winagayway ang kubyertos na hawak pagkatapos ay pinatunog na ginawa niya bilang pagsang-ayon dito. Ganoon ang gawain nila kapag nagkakatuwaan sila sa hapag-kainan.

Nakita niya ang paglayo bigla ni Leon at ang pagkunot ng noo ni Klaus, marahil napantastikuhan sa kanilang ginawa.

"Claire..." saway ni Leon kaya napatigil siya sa ginagawa pati na rin si Carol.

"Sorry," wika ni Claire at hinudyat ang ulo kay Leon para sabihan si Carol na nagpaumanhin din.

"Paumanhin," tipid na wika ni Carol at sumipat kay Klaus na ngayon ay tahimik lamang na nakaupo sa tabi ni Klaus. "Sa iyo rin, Klaus. Hindi ko sinasadya na tawagin kang tanga. Namali ako ng paghambing. Dapat pala ignorante lang."

Marriage and MaintainabilityWhere stories live. Discover now