9.

4 3 0
                                    

Luna's Point of View

Ang bilis nayari ng first period namin, ngayon lunch na. Nasa dulo na table kami umupo ni Carmel para walang makarinig ng kung ano man paguusapan namin. 

" Oh ano? narealize mo  na may gusto ka talaga kay Emman noh.  Sino ba naman kasi hindi magkakagusto sa kanya, matalino, gwapo, may respeto, mabait at higit sa lahat matangkad." Sabi niya, habang nakangiti. Alam kong iniimagine niya mukha ni Emman ngayon. 

" Yan ang nakikita mo sa kanya, pero ako tingin ko sa kanya isa siyang nakakabwsit na nilalang"

"...pero crush mo" Carmela

" Yung tawa niya nakakabwisit dahil alam kog mag ginawa na naman siya na ikaiinis ko"

"....pero crush mo" 

" tapos kung mang asar siya na second placer lang ako, sisiguraduhin ko ako ang magiging valedictorian sa graduation,sino hindi mainis sa  ganon diba"

" ....pero crush mo naman kaya okay lang  dapat"

sinamaan ko siya ng tingin, pero binawi ko rin agad yon. Dahil tama siya, kagabi, pabiling biling ako hindi ako makatulog dahil sa iniisip ko yung mukha niya. Kung gaano siya kagwap---

" Oh diba tama ako, Binawi mo agad eh. Alam mo Luna okay lang naman na mag kacrush ka kay Emman. Pwede natin sabihin na given na yon. You fall in love with your bestfriend. Ayiiie kinilig ako omayghad!" 

Hinahampas hampas niya ko dahil sa sobrang kilig niya. Pero natigil siya sa panghampas sakin. 

" Pero..." malungkot na sabi niya.

" Pero, ano? bigla bigla naman nabago timpla ng mukha mo" tanong ko sa kanya. Napahawak siya sa dalawang sintido niya

" Minsan, one sided lagi kapag mag bestifriend nagsimula." nanlumo ako sa sinabi niya. Totoo dahil may nakwento  siya sakin patungkol sa mga kaibigan niya. Sa kaya lang ah syempre wala naman akong ibanag kaibigan na babae kundi siya lang. 

 Nakwento niya kung paano nababago ang friendship, kapag daw ang isa ay nagkagusto dun sa bestfriend niya. Kadalasan daw kasi ang lalaki, kaibigan lang talaga ang turing nila sa kaibigan nila na babae. 

" .... pero wag ka mag alala ako bahala sayo. Ako na, girl- bestfriend mo na expert sa paghahabol sa lalaki. " Inakbayan niya ko,  Kinuha niya softdrinks niya nakipag cheers siya sakin. 

10 minutes kami nasa ganun posisyon. Hinihintay ko siya na magsalita uli. pero parang kahit siya wala siyang masabi. 

Lumlamig natong pagkain ko, Susubo na sana ako pero pinigilan niya ko. Napatingin ako sa kanya.

" Alam ko na kung ano ang uang step natin." sabi niya, Inagaw niya sakin yung pagkain ko, hinati yung kanin at ulam ko. Nilagay niya yung ibang kanin at ulam ko sa tray niya. Tapos binigay niya sakin. 

" Ano to?" tanong ko. 

" Lunch mo, simula ngayon kailangan mo ng magpapayat. Matanggal yang bilbil mo at chubby cheeks mo" sabi niya, napatinigin muli ako sa pagakai ko. Halos mga dalawang subo lang ng kanin at gulay lang sa sinigang ang natira sa ulam ko. 

Tumingin ako sa kanya tapos sa tray ko. Hinhintay na sabihin niya na nagbibiro siya. Eto na ba ang magiging buhay ko ngayon. Pero atleast may softdrin---

Natulala na lang ako ng hinablot niya yung inumin ko, inistraight niya ubusin yon. yung softdrinks ko. huhuhu

" Kain na, bahala ka aabutan na tayo ng time." Wala na kong ibang choice. 

 Inunti-unti ko natitira na pagkain ko, baka sakali madaya ko sarili ko na madami ang kinakain ko

----

First LoveWhere stories live. Discover now