CHAPTER I

3 2 0
                                        

Chapter I
First Meeting

“Nakakapagod…” bulong ni Angelique nang maka-upo kami sa bench.

Kakatapos lang rin kasi ng practice namin para sa foundation day ng school. Kaloka, contest pala ito. Kaka-announce lang sa amin kanina.

“Ang init pa sa field… Nakakainis ha.” reklamo ko naman dahil nanlalagkit na kami sa pawis.

Kung hindi lang nakasalalay ang grades namin dito ay hindi talaga kami mag-e-effort. Kaso lang ay kasali ito sa requirement ng PE subject namin.

“Nauuhaw ako, tara muna sa canteen…” aya ko sa kanya. Tumango naman siya at tumayo para pumunta sa classroom.

Habang naglalakad ay naningkit ang paningin ko. Agad akong napangiti nang masilayan ko si Renz na agad ko rin namang binawi dahil sa pagtataka. May kasama kasi itong lalaki na hindi ko kilala.

Pagkalapit namin ay ngumiti ako kay Renz tsaka nagsalita. “Renz, tara sa canteen?” pag-aaya ko.

“Sige. Rhys pwede bang pakihintay ako? Kukunin ko lang yung wallet ko.” Aniya sumabay naman kami ni Angelique sa kanya. Naiwan naman ang kasama nito sa labas ng room.

Nang makuha ko na ang wallet ko ay napatingin ako sa kasama ni Renz kanina. Taga section 1 pala. Madalas ko itong makita sa hallway pero hindi ko ito pinapansin. Pamilyar ito pero hindi ko ka close.

“Tara na…” tawag sa akin ni Angelique. Nasa pintuan na pala sila ni Renz. Kanina pa pala ako nakatitig kay Rhys. Nakakahiya!

Dali-dali akong lumapit tsaka sumabay sa kanila. Nang mapadaan kami sa harap ni Rhys ay inaya rin ito ni Renz. Pumayag naman ito at agad na tumabi sa akin.

Nabigla ako sa pagtabi nito, na agad ko ring binura sa mukha ko. Itinuon ko na lang ang paningin sa daan at inisip na baka nagkataon lang.

“Hi…” pagbasag nito sa katahimikan. Napatingin ako sa kanya at itinuro ang sarili.

“Ako ba ang kinakausap mo?” tanong ko. Natawa naman siya tsaka tumango.

“Syempre ikaw, di naman pwedeng hangin ang kausapin ko diba?” wika nito. Napakurot nalang ako sa sarili para pigilan ang pagtataray dito. At sabihing “Sa kung bakit mo ba kasi ako pinepeste?”

“Ah hahahaha hello…” pilit kong itinago ang pagkasarkastikong tono ng aking pananalita pero hindi ko itinago ang katotohanang naiilang ako sa kanya.

“Avi right?” tanong nito na tila ba kinukumpirma ang pangalan ko. Tumango lang ako. Ayaw ko ring humaba ang usapan naming dalawa.

“I’m Rhys, Renz’s cousin.” tumigil ako sa paglalakad tsaka ibinaling ang tingin sa kanya.

“Cousin? Magpinsan kayo?” gulat na tanong ko. Tumango naman ito. Napatango nalang din ako tsaka itinuloy ang paglalakad.

Pagkarating namin sa canteen ng compound namin ay wala na palang paninda roon. Tumingin ako kay Renz para isuggest na sa SSC Compound nalang kami. Agad naman siyang pumayag kaya umalis din kami kaagad at dumiretso roon.

Napatingin akong muli kay Rhys, tumabi nanaman kasi ito sa akin. Ngumiti lang ito na sinagot ko naman ng pagtango tsaka ibinaling ang tingin sa daan.

“Ang tahimik mo pala…” panimula nito. Tumingin ako sa kanya tsaka nagsalita.

“Ano naman? Bakit naman kasi kita dadaldalan? Hindi naman kita close.” wika ko. Natawa ito.

“Ahh, pasensya ka na. Siguro nakukulitan ka sa’kin.” aniya saktong nakarating na kami sa canteen ng SSC compound.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 03, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

EOCS: A Bittersweet Melody Series #1Where stories live. Discover now