MGC 05 - The Outsider

8 2 0
                                    

Chapter 5
The Outsider

Today is saturday. Today is my official day at the job he offered.

I'm scared.

I pressed the doorbell. It rang from the inside.

Ang laki ng bahay niya, nakakalula. Malaki rin ang subdivision na aking pinasukan, parang private sub ata ito. Konti lang ang mga tao na napapansin kong dumadaan at mukhang exclusive lamang ito sa mayayaman. Not just mayayaman but old money kind of glam.

I heard footsteps getting closer sa brown minimalist gate nila. I peaked at the little space sa kanilang gate when suddenly it opened and it revealed a maid wearing a blue apron. Mukhang kakagaling lang niya sa kusina.

"Oh? Ikaw ba 'yung private tutor ni Mr. Calix?" Kikay nitong banggit. Hinigpitan ko ang pagkakakapit sa aking sling bag dahil sa tinuran nung matanda. Did she really say I was Calix's personal tutor? That pr*ck malalagot talaga siya sa akin.

Tumuloy na ako matapos kung tanguan si manang.

"Welcome to Levarde Residence. Here we care for the Levarde's and in your case, you are Mr. Calix's tutor so you main interests should be in Mr. Calix only. Understood." Giit nito. Tumango nalang ako out of compliance. Never ko naman inexpect na magiging isa rin ako sa mga katulong dito.

Bumungad sa akin ang isang engrandeng palasyo na napapaligiran ng samot-saring mga halaman na sa palagay ko ay mamahalin at mas mahal pa sa buhay ko. Modernong arkitektura ang atake nito.

"Here are the Levarde, look how grande they are. That woman in the left, her name is Mrs. Evangeline Levarde. That man on the right is Mr. Calix's father and the owner of the Levarde Enterprise. Mr. Calisto Levarde. That girl on the center are their daughter and a neurosurgeon, Crystal Sofia Levarde, at ang nasa likurang parte si Sir Calix." Ani nito when we walked past a massive portrait. Nakatayo sa gitnang likod si Calix habang napapagitnaan siya ng tatlong nakaupong tao sa harap. After a few days of knowing this guy, ngayon ko lang napansin how bulk he is. They all look so serious and firm. "Be careful sa mga dinadaanan natin. We can't afford to do damage here." Noted po manang.

"I forgot to introduce myself. Ako nga pala si Ma'am Alissa. Others call me Mayordoma Alissa. But you can call me 'Ma'am' for short." I nodded. Okay Ma'am.

Napapansin ko rin na maraming mga katulong sila dito at isa-isa sila ng mga gawain. May iilan na nagpupunas ng bintana, muwebles, kisame, ding-ding at may ilan na harindera.

"Dito, after sa trabaho, we don't indulge ourselves sa living room nila Madame. We have our own quarters. And for you, sabi ni sir Calix na doon ka nalang daw sa kwarto niya magpahinga kapag naabutan ka ng gabi dito." Wow, totoo na pala ang himala.

Napansin ko rin sa may likurang parte ng bahay ay isang pool sila na may jakuzi. Napansin ko rin ang isang babaeng nakadapa sa isang bench habang minamasahe ng isang katulong ang kaniyang likod. Sino kaya siya? Is that Sofia?

I went inside Calix room na tinuro ni manang. "Aw! Hijo, Mr. Calix is a hot tempered person. Are you sure you are up to this job?" paniniguro ni manang. Ma'am rather. Inisip ko muli si Elisse at Mama. Gagawin ko to para sa kanila.

"Makakaya ko naman po." Ngumiti ako rito bago tuluyang pumasok at isinara ang pinto.

My jaw dropped when I noticed that it was no ordinary room. This room was beyond spectacular. Ang daming awards at art pieces. The room was richly designed. Mayron silang naglalakihang sound system and a 47 inch tv na halos magmukha ng sinehan ang kwarto niya. Katapat nito ang isang king size bed. Why does he need a king sized bed?

Me Gustas, Claude! | BXB (Editing)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant