"Baliw!😂😂 Tumahimik ka jan!!

"Joke lang ito naman! Akala mo naman hindi kinilig!

"Ang kapal mo talaga noh! Ang hangin mo masiyado!😅

"Sus mahangin daw, inlove naman dati!

"Grabe na talaga yang kahanginan mo.. lumalala na!😂😂

Nagtawanan kaming dalawa sa mga pinagsasabi namin hanggang sa narinig namin na may nag doorbell kaya agad ko itong binuksan at si Nam lang pala, nagulat pa ito ng makita si Becky.

"Oh akala ko nakauwi kana? Tanong nito kay Becky.

"Pinagpahinga ko muna siya Nam kasi alam mo na.. nakainom tsaka pagod sa trabaho!

"Ahh ganun ba! Kumain ka na ba, Bec?

"Yes Nam, tapos na! Sarap nga ng luto ee.. nabusog ako! Sabay tingin nitong nakakaloko sa akin.

"May hindi ba kayo sinasabi sa akin? Taas kilay nitong tanong sa aming dalawa.

"Huh? At ano naman ang sasabihin namin sayo? Sagot naman ni Becky kaya napatingin si Nam sa akin na may pagtataka.

"Kilala kita, Rebecca! May ginawa ka kay Freen noh? May ginawa kayo? Panghihinala nito.

"Huh? Hindi P'Nam.. tama siya wala naman kaming dapat sabihin sayo!

"Naku³ may pakiramdam akong may nangyayari dito ng hindi ko alam!

"Haysstt!! Talaga itong si Nam.. sinabi ko naman sa kanya na masarap siyang magluto tsaka hindi parin siya nagbabago ganun parin kasarap ang luto niya kaya nabusog ako tsaka sabi ko sa kanya na pwede na kaming magpakasal! Nang marinig ni Nam ang huling sinabi nito ay napanganga ito sabay pagpalit-palit nitong tingin sa amin.

"What?? Hoy Rebeccaaaaaaa!!! Sabay bato nito ng sapatos kay Becky kaya napatawa kaming dalwa sa ginawa ni Nam.. kaya itong si Nam ay wala ng nagawa kundi nakitawa narin! Lakas talaga tama ng alak sayo!😂😂😂

"😂😂😂😂!!.. Haysstt... Oh sha! Kailangan ko ng umuwi, late na rin kasi ee.. salamat Freen ahh pinatuloy mo ako at pinakain! Sabay kindat nito sa akin kaya sinamaan ko ito ng tingin. Alis na ako Nam!

"Sige Bec, magiingat ka ahh..

"I will Nam! Bye, goodnight sa inyu! Sabay labas niya sa condo.

Nang makalabas at makaalis na ito ay nagulat nalang ako ng hilahin ako ni Nam papunta sa kusina.

"Hoy Beshy! Totoo ba yung sinabi ni Becky kanina?

"Ahh ou Nam.. pero alam ko naman na nagbibiro lang siya.

"Sa tingin mo ba nagbibiro yun?

"Ou..

"Wala ka bang napapansin kay Becky?

"W-wala.. bakit, ano ba yun?

"Hindi pa ba halata sayo? Freen, hanggang ngayon mahal ka parin ni Becky, kahit nagluko man siya noon. Sa loob ng pitong taon, wala siyang ginawa kundi sisihin ang sarili niya.. pinagsisihan niyang pinakawalan ka niya, kaya nung nagpapadala siya ng mga bulaklak sayo alam kong nagbago na siya at sincere talaga siya sa ginagawa niya.

BeckFreen (One SHOT)Место, где живут истории. Откройте их для себя