"Ang kapal mo naman! Ako magseselos? Hoy! Para sabihin ko sayo, may asawa ako at kasal ako! Kahit wala na siya sa buhay ko nanatili parin siya sa puso ko at hindi ko siya ipagpapalit para lang sayo!!! Nang masabi ko iyon sa kanya ay natahimik siya. Hindi ko rin alam kung bakit nasabi ko iyon sa kanya kaya nakaramdam ako ng sakit at mukhang pinagsisihan kong nasabi ko iyon!

"Tapos ka na? Para sabihin ko rin sayo, hindi ko girlfriend si Friend kaya kami nagpunta dito kanina dahil iniimbitahan niya ako sa kasal niya kasama ang mga kaibigan natin. So okay na? Pwede na ba kitang ihatid? Pwede ba Freen.. umuwi na tayo pagod ako at gusto ko ng magpahinga!

Hindi ako agad naka imik sa sinabi niya, dahil nakonsinsya pa rin ako sa pinagsasabi ko hindi na rin ako nag protista at pumasok na sa loob. Nagumpisa na siyang magmaneho at ilang minuto lang ay nakarating na kami. Dali² itong bumaba at pagbubuksan sana niya ako ng pinto pero inunahan ko na ito at bumaba sabay karga ko kay Maive.

"S-salamat Becky! tsaka, sorry sa mga nasabi ko kanina.. Pasensya na talaga!😔

"It's okay Freen... Sorry din sa inasta ko kanina.. dahil siguro sa tama ng alak na nainom ko!😔

"Okay lang ba kung umakyat ka muna sa condo tsaka pwede ka naman magpahinga doon kahit saglit maaga pa naman.

Hindi na nagprotista pa si Becky at pumayag nalang ito. Alam ko kasi na pagod siya at nakainom din ito. Nang makapasok kami sa condo ay iniwan ko muna siya sala dahil ilalapag ko lang si Maive sa kama. Nang mailapag ko na si Maive ay nagbihis mo na ako, nang matapos ako ay lumabas na ako at nakita ko si Becky na nakatulog na sa sofa kaya hinayaan ko nalang siya para naman makapagpahinga.

Makalipas ang dalawang oras ay nagising ito  habang ako ay naghuhugas ng pinggan na ginamit ko. Nagulat pa ako ng may bumukas ng ref kaya napalingon ako at nakita ko siya na kumuha ng tubig at kumuha narin ng baso para uminom.

"Okay kana? Tanong ko sa kanya.

"Ahh yeahh! I-i think.

"Gusto mong kumain? Mukhang hindi ka pa kasi kumakain ng dinner ee..

"May pagkain ba jan?

"Hmm.. kumuha ka nalang dito sa may lalagyan..

Hindi na ito nagsalita at agad kumuha ng pinggan at nagsandok ng kanin at ulam. Nasarapan siguro siya dahil hindi na ito umiimik at busy sa kinakain.

"Ikaw ba nag luto nito?

"Ahh ou..

"Ang sarap ahh.. mukhang ayaw ko ng matapos itong kinakain ko dahil sa sarap! Hindi ka pa rin nagbabago, masarap ka paring magluto!

Hindi na ako umimik bagkos napangiti ako sa mga sinasabi niya. Walang balak umimik sa amin hanggang sa matapos ako sa ginagawa at kakatapos niya rin kumain kaya nag protista siya na siya nalang ang maghuhugas ng ginamit niyang pinggan.

Nag stay pa ako sa sala at nanood ng tv ng lumabas siya sa kusina. Malapad ang ngiti nito ng makita ako kaya nginitian ko nalang siya saka tumabi ito sa akin.

"Busog? Pangaasar ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin at ngumiti.

"Sino ba namang hindi mabusog ee ang sarap mong mag luto, tsaka pwede na tayong magpakasal!😂😂 Nang masabi niya iyon ay nagulat ako, tumawa naman siya kaya nahampas ko siya ng tropilo!

BeckFreen (One SHOT)Where stories live. Discover now