CHAPTER XXXII: WISH

Start from the beginning
                                    

"B-bakit...?" Napakunot ang noo n'ya. "Dahil nagsusumbong s'ya sa akin? Dahil nahuhuli ko ang mga ginagawa mo ng dahil sa kan'ya kaya ayaw mo na kong makipag-usap o makipagkita sa kan'ya para hindi na s'ya makapagsumbong sa akin? Para hindi ko na malaman ang mga ginagawa mo?" Salubong na ang kilay na sabi n'ya.

Umiling si Jackson. "Hindi," hinawakan nito ang kamay n'ya. "May mga bagay lang akong kailangang asikasuhin at kailangan ko ng tiwala mo misis ko, pagkatiwalaan mo ako at pagkatapos nito sasabihin ko sayo lahat ng totoo."

Hindi s'ya nakaimik, paano n'ya gagawin iyon kung puno na ng sakit ang puso n'ya? Kung gulong-gulo na s'ya sa kung ano ba ang dapat n'yang paniwalaan sa lahat ng nakapaligid sa kan'ya. Hinawakan s'ya ni Jackson at inilapit saka masuyong niyakap, pilit ipinararamdam sa kan'ya ng asawa kung gaano s'ya nito kamahal kahit pa hirap na hirap na si Faye na makaramdam.

"Sa bawat maririnig mong tungkol sa akin, huwag kang basta-basta maniniwala hangga't hindi mo ako nakakausap." Nag-angat ng tingin si Faye ng marinig iyon dahil naalala n'ya ang itinawag ni Miriam sa kan'ya. "Lagi mong tatandaang mahal na mahal kita at lahat ng ginagawa ko ay mayroong mga dahilan, alam kong ang iba sa mga iyon ay masasaktan kita pero ganoon pa man, huwag mo sanang pagdudahan ang pagmamahal ko sainyo ng anak natin."

"Jackson...."

"Iyon lang ang hihilingin ko, wife. Kung hindi mo ko kayang pagkatiwalaan dahil minsan ko ng nagawang lokohin ka, panghawakan mo na lang na kahit anong mangyari, mahal na mahal kita at hindi magbabago 'yon."

Hindi s'ya nakapagsalita at naiyak na lang, masuyong niyakap ulit s'ya ni Jackson at inalo hanggang sa tumahan s'ya. "Magpahinga na tayo?" Aya nito sa kan'ya ng huminto na s'ya sa pag-iyak, tumango lang s'ya at binuhat s'ya nito. Hindi na s'ya hinayaan pa ni Jackson na maglakad, inilapag s'ya ng asawa sa kama nila. Tumabi ito sa kan'ya saka hinalikan ang pisngi n'ya ng mahiga na s'ya. "Goodnight wife." Sambit ni Jackson at ipinikit na n'ya ang mga mata pero pagkaraan ng ilang sandali ay hindi naman s'ya makatulog.

Nagsimula ng mag-isip ang utak n'ya tungkol sa lahat ng nangyari, sinusubukang intindihin ng utak n'ya lahat-lahat hanggang sa magsimula na namang manubig ang mga mata n'ya. Tumagilid s'ya at pinagmasdan si Jackson na mukhang tulog na habang nakaharap sa kan'ya, nakayakap ang asawa n'ya sa bewang n'ya. Matagal n'yang pinagmasdan si Jackson hanggang sa magsimulang mag-unahan ang mga luha n'ya at 'di nagtagal ay kumawala na ang hikbi n'ya. Agad na napamulat si Jackson ng marinig iyon at nag-aalalang pinunasan ang mga luha n'ya.

"Hey, tahan na." Alo nito.

Pinigilan n'ya ang kamay nito na pinupunasan ang mga mata n'ya. "A-alam mo bang magkasama k-kami kahapon?" Tanong n'ya na tinanguan lang ni Jackson. "H-hindi ka galit...?"

"May kailangan ba akong ikagalit?"

"J-jackson....hindi ka nagseselos?" 'Di makapaniwalang tanong n'ya. "N-nagselos ka sa katrabaho ko pero k-kay Vladimir h-hindi?"

"You want me to be honest, wife?"

"Y-yes."

"Noong malaman kong nagkita kayo gustong-gusto kong sundan ka para kuhanin kayo agad ng anak natin, lalo akong nakaramdam ng selos ng malaman kong naroon kayo sa espesyal n'yong lugar. Gustong-gusto kong sumunod at pilipitin ang leeg ng gagong 'yon pero hindi ko ginawa..."

"Bakit?"

"..dahil alam ko, kapag sumunod ako doon. Kapag nagpambuno kami ni Vladimir posibleng hindi ko na naman ma-control ang sarili ko, baka hindi ko na naman ma-control ang nararamdaman ko at pati ikaw masaktan ko na naman sa harap pa mismo ng anak natin. I don't want that to happen."

"Akala ko...."

"Akala mo dahil kasama ko sila Amanda? Baby, kahit kasama ko sila kung hindi ko napigilan ang sarili ko baka iniwanan ko sila at sumugod ako sainyo." Umangat si Jackson at sumandal, bumangon s'ya saka naupo. "Bukod sa pagsiselos mo, s'ya rin ba ang dahilan kaya ka nagkakagan'yan?"

San Lazarus Series #6: Onerous ✔Where stories live. Discover now