CHAPTER XXXII: WISH

Start from the beginning
                                    

"Okay," hinalikan nito ang pisngi n'ya bago bumitaw at pumasok sa kwarto samantalang ginawa naman n'ya ang sabi n'ya. Naghain s'ya sa hapag at paglabas ni Jackson sa kwarto ay kumain na sila ng magkasabay.

Naglagay s'ya ng ulam at kanin sa kutsara, akmang isusubo na n'ya iyon ng tumunog ang cellphone n'ya. Huminto s'ya at inilapag ang hawak saka tiningnan, nakatanggap s'ya ng mensahe mula na naman kay Cornellia. Litrato na naman iyon ng asawa n'ya kasama sila Anna, napabuntonghininga s'ya saka saglit na sinulyapan si Jackson na maganang kumakain ng niluto n'ya. Ibinalik n'ya ang tingin sa plato n'ya, pakiramdam n'ya wala na s'yang ganang kumain. Tumayo s'ya at iniligpit na lang iyon, inintay na lang n'yang matapos si Jackson at hinugasan na din iyon.

Pagtapat n'ya sa salamin ng pumasok s'ya sa kwarto ay napahinto s'ya ng makita ang itsura n'ya, sabog ang buhok n'ya at magulo ang suot na para bang mayroon s'yang sampung anak sa itsura n'ya. Muli s'yang napabuntonghininga at kinuha ang twalya saka pumasok sa banyo para maligo. Nakabihis na s'ya ng paglabas n'ya nasa sofa si Jackson, lalagpasan na sana n'ya ng tawagin s'ya nito.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Maingat na tanong nito pero taliwas ang ekspresyon, seryoso ang tingin ni Jackson sa kan'ya hindi n'ya masabi kung galit ba ito o ano.

Lumapit s'ya saka naupo sa tabi nito, isinampay n'ya ang twalya sa sandalan at nagulat s'ya ng lumapit si Jackson saka marahang niyakap s'ya.

"Wife," sambit nito. "Alam kong hindi ka okay.....bakit ayaw mong magsabi?"

"Sinabi ko na sayo, distracted lang pero okay naman ako."

Bahagyang humiwalay si Jackson para tingnan s'yang mabuti. "Pinag-aalala mo ako, hindi ganoon ang sinasabi ng mga mata mo." May kinuha ito mula sa likuran at nanlaki ang mga mata n'ya ng makitang cellphone n'ya ang hawak nito.

"Bakit nasa sa'yo 'yan?"

"Iniwanan mo sa mesa." Binuksan nito ang cellphone n'ya. "Sabihin mo sa akin, dahil ba dito?" Tanong ni Jackson saka ipinakita sa kan'ya ang mga litratong naka-attach sa mensahe ni Cornellia.

"H-hindi-"

"-fatima, magsabi ka ng totoo sa akin. Nagkakagan'yan ka dahil dito?" Hindi s'ya umimik at nagbaba ng tingin kaya napasaltak si Jackson. "You need to be honest on me, baby." Napaangat s'ya ng tingin ng marinig iyon, hindi dahil tinawag s'yang ganoon ni Jackson kundi dahil sa malambing na pagbigkas nito no'n. "Hindi pwedeng puro ka lang okay, sabihin mo sa akin kung hindi na ayos sa'yo ang pagsama ko sa kanila-"

"-bakit?" Nagsimulang manubig ang mga mata n'ya, pakiramdam n'ya bumibigat na naman ang dibdib n'ya. "M-mahalaga pa ba-"

"-oo Fatima, mahalaga sa akin."

Tumulo ang luha n'ya kasabay ng panlalaki ng mga mata n'ya. "J-jackson...."

"Asawa kita Fatima, huwag mo namang isipin na purket nand'yan sila ay hindi ka na mahalaga. Kayo pa rin ni Acks ang prayoridad ko."

"K-kami...? Pero mas may panahon ka sa kanila?"

"Fatima-"

"-alam kong dapat hindi ko binibilang, dapat hinahayaan kita kasi sila ang-" muling nanlaki ang mga mata n'ya ng mag-lean si Jackson at halikan s'ya sa labi.

"Wife...do you trust me?" Mahinang tanong nito ng bitawan ang labi n'ya.

"Bakit-"

"-do you trust me?" Ulit nito, nag-aalinlangan man ay tumango s'ya. Asawa n'ya pa rin ito kaya dapat lang na magtiwala pa rin s'ya sa kabila ng napakarami n'yang nalalaman tungkol kay Jackson. "Good, huwag ka ng makikipagkita o makikipag-usap kay Cornellia. Maliwanag?"

San Lazarus Series #6: Onerous ✔Where stories live. Discover now