CHAPTER XXVIII: CONDITIONS

Start from the beginning
                                    

"I just thought last night that it's better to announce it that way."

Nagsalubong ang kilay n'ya. "Is this because we did it?"

"Wife, ilang beses na kitang ginapang so no, it isn't about it."

"Then what?"

Ngumisi si Jackson. "This is about you being my wife. I just thought it's time for them to know that you are mine."

"Talaga lang ha, ngayon mo pa talaga naisip 'yan. 5 years na tayong kasal." Nakasimangot na sabi n'ya. "Iyong totoo, bakit nga?"

Napanguso si Jackson at nauwi iyon sa pagsimangot. "Masama na bang ipagkalat na misis kita? E sa hindi na ako nakukuntento na basta alam ng ilan, gusto kong ipagsigawan! Gusto kong malaman nilang lahat na asawa kita." Saglit s'yang tiningnan nito. "Bawal ba 'yon?"

Napairap s'ya. "May sinabi ba ko? Ang weird mo."

Bahagyang natawa si Jackson. "I know, wala lang pakiramdam ko gusto ko lang gawin. Can I be honest Fatima?"

"Of course."

"I honestly didn't felt being your husband way back then, masyado pa tayong nagkakailangan sa isa't-isa, naninibago, nangangapa, 'di magkaintindihan at nagkaroon din tayo ng ilang pag-aaway pero after we tried to fix everything, after nating magsimula ulit saka ko lang naramdamang talagang kasal na ko, hell yes feel na feel ko na s'ya. Hindi nga lang ako agad nagkaroon ng lakas ng loob na ipaalam sa lahat kasi ayokong madaliin ka o masakal ka sakin. Iniisip ko din kasi noon na baka maisip nilang ang clingy ko o 'di kaya masyado kitang binabakuran." Napangiti si Faye sa narinig. "Pero ngayon, wala na kong pakealam kung isipin nilang masyado akong clingy sa'yo....totoo naman pero bakit ba? I should be clingy, asawa kita e. Alangan naman sa iba ako maging clingy e ikaw ang misis ko. Bakuran man kita, pakealam ba nila? As long as hindi kita nasasakal, wala akong pakealam sa kanila, ang mahalaga maipagsigawan kong misis ko si Fatima Faye!"

Napatawa s'ya sa narinig, para kasing bata si Jackson na pilit dyina-justify ang ginawa bagay na wala naman s'yang makitang mali dahil nagiging totoo lamang sa sarili ang asawa n'ya at kung ganoon nito nais na ipahayag ang nararamdaman ay wala naman s'yang nakikitang mali dahil hindi rin naman s'ya nito pinipilit.

"Here I thought na public show off sa socmed isn't your thing, nahihiya ka lang pala." Napapailing na sabi n'ya saka lumapit at saglit na niyakap ang asawa.

"Ayos lang sayo?" Tanong nito na inihinto na ang sasakyan sa gilid.

Tumango s'ya. "Oo naman, bakit hindi?" Inayos n'ya ang buhok ni Jackson na bahagyang nagulo. "Kung iyon ang makakapagpanatag sa'yo, ayos lang sa akin."

Bumaling s'ya sa cellphone at inaccept ang request na iyon saka ipinakita sa asawa. "Accepted na," nakangiting sabi n'ya, dinampian s'ya nito ng halik sa labi.

"Salamat!" Masayang sabi ni Jackson, pinisil n'ya ang pisngi ng asawa.

"Just don't do oversharing love, mas peaceful pa rin ang pribadong relasyon."

Tumango si Jackson. "Of course. I still prefer and love being private and alone with you wife."

"That's good to....know," napakurap-kurap s'ya ng dumagsa ang notification sa accounts nila ni Jackson.

"Bakit?" Tanong ng asawa sa kan'ya ng mapansin ang reaksyon n'ya.

"Mukhang magiging talk of the town ka, andaming nag-comment."

"Talk of the town agad?"

"Love, nalimutan mo bang Clinton ang misis mo? Isa pa, babaero ang image mo noon, remember?"

San Lazarus Series #6: Onerous ✔Where stories live. Discover now