Talon

11 8 0
                                    

"Palamunin ka!"

"Sana namatay ka nalang!"

"Bakit kapa pinanganak nang nanay mo?!"

"Parepareho lang kayo ng ina mo! Mag-ina nga talaga kayo!"

Hindi ko nakilala ang papa ko, ang mama ko iniwan ako noong pitong gulang ako sa tiyahin at tiyuhin ko, sita naman ay sumama sa lalake niya. Ngunit magkaiba kami, hindi ako katulad niya na basta-basta nalang iiwan ang mga mahal niya sa buhay sa ere. Ni hindi niya man lang naisip kung ano ang magiging resulta nito.

"G*ga, walang ambag, mas mabuti pang mamatay ka na lang," paulit-ulit na mga salitang naririnig ko, habang patuloy akong binubugbog ng sarili kong tiyahin at tiyuhin, wala akong nagawa kundi ang umiyak.

"Oh, ano iiyak ka na lang naman?!"

"Mas mabuti pang magpakatay ka nalang masaya pa sana kami!"

"Palumunin, g*ga," duro sa akin ng tiyahin habang hinihila ang buhok ko.

"Oh, ano?! Ha?! Ha!"

Nang magkaroon ako ng pagkakataong tumakas palabas sa malademonyong bahay na yun, kung saan lahat ng masakit na alaala ay nakaukit.

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa isang parke. Pinunasan ko ang mukha ko at nagpalingalinga sa paligid, ng may nahagip ang mga mata ko, hindi ako nagkakamali kilalang kilala ko kung sino yung naghahalikan.

Gustuhin ko mang tumakbo papalayo, ngunit may sariling utak ang aking mga paa para dalhin ako sa harapan nila.

"B-babe"

"Babe, nagkakamali ka ng iniisip"

"Beh, hindi yun sinasadya"

Pagrarason nilang dalawa sa akin, ngunit nanatili akong walang imik, at walang buhay silang tinitigan.

"Babe, hindi naman sinasadya, ito kasing si Liam nag dare sa amin, please patawarin mo na ako oh."

Ngunit nanatili akong nakatayo lang. Sino siya para paniwalaan ko? Hindi ako bulag kingina naman sila nalamang dalawa ang meron ako tapos ganito pa? Anong dare? Dare nyo mga mukha nyo! Ewan ko nga kung matatawa ako o maiiyak.

"Babe---"

Hahawakan na sana niga ako ng bigla akong umatras. Hindi ako umiyak, but my heart is shattering into pieces, kaylan ba 'to makapagpahinga  kapag abo na lang ang natira? Napa-unfair eh, lahat nalang iniiwan ako!

"Don't.Call.Me.Babe.Dahil.Wala.Nang.Tayo" Napatawa ako ng mapakla.

"Ayoko na eh, sobra-sobra naman ata 'to," sabi ko at tumakbo muli hanggang sa napadpad ako sa lugar kung saan pwede akong makapagpahinga umihip ang malakas na hangin at dumidilim ang kalangitan nagbabadyang umulan. Kay dilim ito pareho ng aking naramdaman.

Tumingin ako sa ilalin, kung saan hindi mabilang na sasakyan ang humaharorot. Ipinikit kong muli ang aking mga mata, upang damhin ang malamig at mausok na hangin.

Kung sakaling tatalon ako dito hindi ako mamatay sa taas, pero sigurado naman akong wasak ang mga boto ko sa mga dumadaang sasakyan.

"Yung babae tatalon!"
"Jusko po, wag kang tatalon hieja!"
Narinig kong sigaw ng mga tao ngunit wala ako pake.

"Babe!"

"Anisha, wag mo yang gawin!" Narinig kong sigaw ng taksil kung kaibigan at ng boyfriend ko. Nilingon ko muna sila at walang buhay na tumawa habang unti-unting pumapatak ang ulan kasabay ng mga luha ko.

"Ayoko Na," huling salitang sinabi ko bago tumalon.

                      TALON
__________________________________

Warning: Ito po ay katang-isip lamang!

Talon [COMPLETED]Where stories live. Discover now