Breaking 14 - Bad Weather, Great Opportunity

Magsimula sa umpisa
                                    

"Magaling! Lumabas ka mamaya na nakatapis yang towel at agad kang tumawag ng room service," napakunot ang noo ko sa narinig kong balak niya, "siguraduhin mong nakikinig si Mago sayo at iparinig mong ipapatuyo mo ang mga damit mo tapos kunwari walang malisya, tanungin mo si Mago kung isasabay niya ba ang damit niya. Kapag umo-o siya, magpanggap ka na kunwari kinaumagahan pa maibabalik ang mga damit niyo."

"What?" hindi ko mapigilang sumabat, "eh ano ang susuotin ko sa buong gabi?"

Narinig kong tumawa si Patricia, "Yun na nga ang balak ko. Sigurado akong mababaliw si Mago sa kakaisip na hubad ang babaeng katabi niya magdamag."

"Hindi kaya ako ma-rape niyan?" kinabahan ako sa kapilyohan ng kaibigan ko.

"Hindi mahilig si Mago na ipilit ang sarili niya sa babae. Nasanay siya na babae ang laging lumalapit at lumalandi sa kanya kaya hanggang hindi ikaw ang gumagawa ng hakbang, wala siyang magagawa," paliwanag ni Patricia.

"Patricia, lalaki yun," dismayado kong saad, "paano kung hindi niya mapigilan ang libog ng katawan? Eh di mayayari ako."

"Alam mo, sigurado akong papasok ng banyo si Mago para magshower. Samantalahin mo ang pagkakataon na matulog o kahit magpanggap na lang na tulog. Naalala mo dati? Hindi ka niya ginalaw dahil nakatulog ka. Gawin mo yun ulit sa kanya," paliwanag ni Patricia.

Bumuntong hinga ako saka ako tumango, "Sige. Hindi ko man alam kung magwowork itong plano mo pero sana makakayanan ko mismong tanggihan ang Greek god na kasama ko."

"Kaya mo yan! May tiwala ako sayo," saad ni Patricia.

*Mago's POV*

"Banyo muna ako," agad na sabi ni Arlene pagkapasok namin sa silid. Napangiti ako sa narinig ko.

'Ayos,' bulong ko sa isip ko, 'mukhang umaayon ang lahat sa plano ko.'

Alam kong may bagyong parating at naisip ko na rin na dito kami tutuloy. Isa akong business man and to know the latest news is part of my job dahil anuman ang nangyayari sa Pilipinas, apektado ang negosyo ko.

Kahit basang basa ako, hindi ako nakaramdam ng lamig dahil sa antispasyong maaaring may mangyari sa amin ngayon. Yes, I don't do virgins pero sa sitwasyon kong ito, mahirap panghawakan yang prinsipyo ko. Siya ang unang lumapit, tumugon lang ako. Kahit ano pa ang nakaraan, kapag inihain ang bigas sa manok, tutukain at tutukain talaga ito ng manok.

Napalunok ako ng lumabas na siya ng banyo. Nakatapis lang siya ng maliit na tuwalya habang naka-messy bun naman ang buhok niya. Nagkunwari akong busy sa pagtetext habang pinapanood siya sa gilid ng mata ko.

"Hi, meron ba kayong laundry services?" narinig kong tanong niya sa telepono, "basang-basa kasi ang mga damit namin, gusto ko lang sanang ipapatuyo ito."

Hindi ko alam pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ito na marahil ang bunga ng ginagawa kong paglalambing sa kanya. Makukuha ko rin siya kahit pa hindi pa natapos ang kasunduan namin. Nakakainis kasi itong si Marco, mukhang bibigay na kay Janine. Bakit naman kasi biglaan ang pagpapakasal kay Janine sa kapatid ng may-ari ng ospital kung saan naka-confine ang ama nito. Kung mauunahan ko ang pagsuko ni Marco, magiging walang bisa ang kasunduan namin kaya ginagawa ko ito dahil hindi ako pwedeng matalo.

"Mago," tawag niya, "isasabay mo ba ang mga damit mo?"

Napangiti ako sa sinabi niya. Mukhang hindi na ako mahihirapang landiin siya pero para patikim, hinubad ko ang t-shirt ko habang nakatingin sa kanya. Napansin ko ang paghigpit ng hawak niya sa receiver ng phone kaya tinanggal ko ang butones ng aking pantalon.

"Mago!" napatalikod siya, "doon ka nga sa loob ng banyo maghubad."

"Di ba ipapalaundry mo ang damit ko?" malandi kong sambit.

"Oo nga pero iabot mo na lang sa akin kapag nahubad mo na," saad niya habang nakatalikod.

Napagikgik ako habang tinungo ang banyo pero ang huling narinig ko ang pumukaw sa halimaw na dala ko, "Ano? Bukas pa ng umaga matutuyo ang mga damit namin?" -- ibig sabihin nun, buong gabi kaming hubad. Okay lang, hindi naman namin kailangang ang mga damit namin kung sakali man may mangyari.

"Arlene," tawag ko sa kanya habang bahagya kong binuksan ang pinto ng banyo, "ito na ang mga damit ko."

Nakayoko siyang lumapit para kunin ang damit ko. Pilyo kong hinigpitan ang pagkahawak ng damit ko kaya nung hindi niya ito agad makuha ay napaangat siya ng tingin sa akin kaya agad ko siyang ningitian nung magtama ang mga mata namin. Agad namula ang mukha niya saka nag-iwas ng tingin.

Hindi ko alam pero parang nakakachallenge ang babaeng ito. Siya lang ata ang babaeng alam kong may gusto sa akin pero nakakapag-pigil pa rin.

___________________________________

AN: Ewan ko kung bakit ito ang naisip kong isulat. Bahala na siguro. Abangan niyo na lang ang next chapter.

Sana makisali po kayo sa group namin sa Facebook - https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/or like the Adonis Series Fanpage on facebook at https://www.facebook.com/AdonisSeries?fref=ts

Makulit po ang OP ni Mago at gustong-gusto niyang kulitin niyo siya kaya hanapin niyo siya sa group dahil siguradong mayayanig ang araw mo kapag nasimulan mo siyang i-chat.

NOT EDITED

NOT REVIEWED

SORRY FOR THE ERRORS (but I am open to constructive criticisms)

6s

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon