Kabanata 20

184 9 0
                                    

kabanata 20

HABANG bumabiyahe pauwi ay hindi niya maiwasang amoyin ang suot niyang jacket. Sobrang bango kasi nito at hindi pa rin nawawala ang pabango nito. Parang sobra sigurong mamahalin ng pabango nito kaya naglo-long last ng ganito katagal.

Makalipas ang halos bente minutos ay nakarating din siya sa kanila. Agad din naman siyang umakyat sa hagdan. Nang dumaan siya sa kuwarto nila Dhea ay wala pa rin ang mga ito at hindi pa rin umuuwi. Bumuntong-hininga siya. Mukhang siya na naman ulit mag-isa. Pumasok na lamang siya sa kuwarto niya at agad din naman na nagpalit ng damit. Maingat niya pang inayos ang suot niyang jacket dahil lalabhan niya pa ito at idadaan bukas sa laundry shop para patuyuin.

Kinuha niya rin sa bag ang address ng mananahi na bigay sa kanya ni Merna. Pupuntahan niya ito ngayon dahil ang sabi sa kanya ni Mera. Matagal daw nagsasara ang shop nito sa may Agdao.

Sana pala sumama na lang siya kay Merna kanina pero naiwan din naman niya iyong jacket.

Huminga siya ng malalim. Instant noodles na lang ang inihanda niya para mabilisan na. Pagkatapos niyang kumain ay naghanda na siya para umalis. Kinuha niya na ang leather jacket at inilagay sa loob ng kanyang bag. Pagkatapos ay lumabas na siya at ini-lock na ang pinto. Tumila na rin naman ang ulan kaya itinabi niya na lang muna ang payong. Pagkatapos niyon ay lumakad na siya.

Nang nasa sakayan na siya ay hindi naman na pahirapan sa pagsakay dahil may rota namang papunta roon.

Nang may humintong jeep ay agad din naman siyang sumakay.

Ilang oras lang ay nakarating din naman siya at agad din naman niyang natunton ang puwesto nito dahil sa pagtatanong na rin sa mga taong nakakasalubong niya.

Nang nasa tailoring store na siya ay agad din naman siyang pumasok.

"Good evening po," bati niya. Napatigil naman ang matandang babae sa ginagawa nitong pagtatahi gamit ang electronic sewing machine.

"Halika, tuloy. Ano ba ang sa atin?" anito pa at nginitian siya.

Inilabas niya ang leather jacket na nasa loob ng kanyang bag.

"Magagawan niyo po ba ito ng paraan?" aniya pa at ipinakita ang parte kung saan natastas ang tahi.

Kinuha naman nito ang leather jacket at inusisa.

"Totoo bang mamahalin 'to?" gulat pa nitong wika nang makita ang brand ng leather jacket. Napakamot naman siya sa kanyang ulo.

"Opo. Aksidente ko po kasing nasira. Saka hindi po akin iyan e," aniya pa.

"Madali lang 'tong ayusin pero hindi naman na siguro magtatanong pa ang may-ari nito, ano?"

"Nako, hindi na po! Basta maayos lang po iyan."

"Oh, siya! Upo ka muna at ito na uunahin ko."

Tuwang-tuwa naman siya sa kanyang narinig.

"Salamat po!"

"Wala 'yon," sagot naman ng matanda at agad din naman na inayos nito ang leather jacket.

After five minutes ay natapos din naman ito agad.

"Heto, tingnan mo nga kung hindi na ba halata."

Kinuha naman niya ang leather jacket at halos magningning ang mga mata niya dahil parang mukha itong hindi nasira.

"Ayos na ayos po! Thank you po talaga!" masayang wika niya.

"Mabuti na lang at may ganyan akong pattern ng tahi," anito pa at tila proud na proud pa ito.

Beyond PleasureWhere stories live. Discover now