"Good evening po ma'am," bati niya pa.

"Are you busy this coming Sunday?"

"Sunday po? Ahm, hindi po ako sigurado ma'am."

"Oh, hindi naman kita sa umaga kailangan. Sa gabi kita kailangan," pagtatama pa nito.

"Ganoon po ba? Sige po ma'am. Tingnan ko po schedule ko. Baka kasi magpalit na naman ako ng araw ng day off e."

"Oh, ganoon ba? Well, in that case, I'll be waiting. Call me okay?"

"Yes po ma'am."

"Okay! Bye!"

"Bye po," sagot niya naman pabalik at nang mamatay na ang tawag nito'y nakagat niya ang kanyang ibabang labi.

Kung hindi lang talaga siya gipit siguradong tatanggi siya kay ma'am Delaila. Paano ba naman kasi, baka kasi mahirap ang ipagawa nito sa kanya. Hindi pa naman siya marunong sa maraming bagay. Bumuntong-hininga na lamang siya at naghanap na nang masasakyan.

Habang naghihintay muli na may huminto na jeep ay bigla namang may nag-ring na cellphone. Nagulat pa siya dahil hindi naman ganoon ang ringtone ng kanyang cellphone.

Ring ito nang ring. Napaikot siya ay napatingin sa kanyang paligid. Baka kasi may nahulog na cellphone na malapit sa kanya.

Nang wala siyang makita ay ang loob naman ng kanyang bag ang kanyang tiningnan. Ngunit wala siyang mahanap na iba pang cellphone sa kanyang bag. Ring pa rin ito nang ring kaya naman ay kinapa niya na ang jacket na suot niya. Nang kapain niya ang gitna ay doon niya lamang napagtanto na may cellphone nga sa bulsa. Ang tanga lang niya talaga dahil hindi man lang niya ito napansin. Pero sabagay, paano ba naman niya ito mapapansin gayong ang jacket na suot niya ay sobra namang laki. Oversized na nga ito para sa kanya dahil small lang naman ang sukat niya.

Kinuha niya na ang cellphone at agad na tiningnan ang screen. Walang pangalan at mukhang landline ang number na ginamit ng caller. Nakagat niya ang kanyang ibabang labi. Pinipigilan niyang huwag mataranta. Hindi niya kasi malaman kung sasagutin niya ba o hindi.

"Paano ba 'to!?" tanong niya sa sarili habang kagat-kagat na ang kanyang kaliwang hintuturo.

Bigla naman itong tumigil sa pag-ring at may message naman siyang natanggap. Mabuti na lang at hindi naka-hide ang notifications. Nababasa niya pa rin kung anong laman ng message. May password pa naman itong cellphone na hawak niya.

"Answer it! Clumsy!" basa niya sa message.

"Ay gago pala 'to eh!" inis niyang wika at napasuntok pa sa ere. Napadabog siya. Si Laurenzo lang pala ang tumatawag sa cellphone na hawak niya.

Muli naman itong nag-ring kaya walang pag-aalinlangan niya na itong sinagot. Konti pa siyang tumikhim bago tuluyang nagsalita.

"Hello?"

"You woman! Return my phone here in my office! Now!" galit na bulyaw nito sa kanya. Nailayo niya tuloy ang cellphone sa kanyang tainga.

"Okay!" sagot niya at wala siyang nagawa kundi ang bumalik sa loob ng building.

Sa entrance na siya dumaan at inilabas din naman niya agad ang kanyang identification card. Lumapit siya sa guwardiya.

"Manong, puwede po bang pumasok ulit? May nakalimutan lang po akong ihatid," pakiusap niya pa sa guard. Sinipat naman siya nito mula ulo hanggang paa.

Inangat niya ang suot na hood at kasabay niyon ay nagpakita siya ng kanyang company ID. Agad naman itong tumango at pinagbuksan pa siya nito ng pinto.

"Thank you po," aniya at agad din naman na nagmadali sa pagpasok.

Dumiretso siya agad sa elevator. Nagulat pa siya dahil under maintenance iyong dalawang elevator.

"Wala naman ito kanina, ah?" taka niya pang tanong sa sarili. Lumipat siya sa dalawa pang elevator at pinindot na ito. Mabutin na lang at mabilis din naman itong bumaba. Kaya naman nang magbukas ito ay agad din naman siyang pumasok at pinindot ang number thirty na button.

Habang naghihintay na makarating sa floor na iyon ay inabala niya ang sarili sa paglalaro ng kanyang mga daliri. Actually, she's fidgeting and at the same time ay naiinis din siya. Hindi naman niya kasi kasalanan kung bakit naroon ang cellphone nito. Nagpahiram na nga ng jacket, nag-iwan pa ng importanteng bagay. Asar!

She's tapping her shoes on the elevator floor. Hindi kasi siya mapakali.

Nang tumunog ang elevator, hudyat na narating niya na ang thirtieth floor ay agad din naman siyang lumabas.

Nang dumaan siya sa office ni sir Jigs ay wala na ito. Napalinga-linga pa siya sa kanyang paligid. Sobrang tahimik kasi ng office. Bigla tuloy siyang kinabahan.

Huminga siya ng malalim at tumayo ng tuwid. Kumatok na siya sa pinto ng office ng CEO. Bigla naman iyong bumukas. Pumasok siya sa loob at agad din naman niyang nakita si Laurenzo na abala sa binabasa nitong newspaper.

"Sir?" mahinang wika niya pa.

"Good evening," dagdag niya pa.

Hindi siya nito pinansin kaya nagkusa na siyang lumapit. Hinubad niya pa ang jacket na suot niya at inilapag ito mesa kasabay ang cellphone nito.

"Uwi na po ako," paalam niya pa at lumapit na sa pinto. Laking gulat niya nang pagpihit niya sa pinto ay naka-lock na ito gayong hindi naman ito ganoon kanina.

"Sir 'yong—" napatigil siya dahil bumangga na naman sa makisig nitong dibdib. Gusto niya tuloy mapamura ng malutong. Napahawak siya sa kanyang ilong.

"Take it. It's raining outside," anito pa at ipinatong sa ulo niya ang jacket. Inalis niya ito at wala na naman sa harapan niya ang lalaki.

"Get out!" bigla bulyaw nito at dahil sa gulat niya'y mabilis niyang pinihit ang doorknob. Sa awa ng Diyos, hindi na ito naka-lock. Agad siyang lumabas at diretso siya agad sa elevator. Nang magbukas ito'y nakita pa niya si sir Jigs sa loob kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Mabuti na lang at busy ito sa cellphone nito kaya hindi siya nito nakita.

Sinilip niya ito at pumasok na ito sa office kaya naman ay nagkukumahog siyang lumapit sa elevator at pinindot ang button. Mabuti na lang at umakyat din naman ito agad kaya agad din naman siyang pumasok.

Nang pababa na ang elevator ay tuluyan na siyang nakahinga ng maluwag.

Napatingin siya sa hawak niyang jacket. Bigla siyang napangiti. May gentleman side pa rin pala ito kahit papaano pero madalas din namang nakakainis.

Nang bumukas ang elevator ay agad din naman siyang lumabas at tinungo na ang exit. Paglabas niya ay agad na yumakap sa kanya ang malamig na simoy ng hangin. At gaya nga nang sinabi nito kanina, umuulan nga. Hindi naman kalakasan at sakto lang.

Kinuha niya ang payong sa bag at pagkatapos ay isinuot na muli ang jacket.

Tumawid na siya sa kabilang kalsada at nag-abang na ng masasakyan.

May huminto naman na jeep kung saan nakarota sa bagong bahay na nilipatan niya ay agad niyang tiniklop ang kanyang payong. Pagkatapos ay nakipag-unahan na siya ibang mga pasahero hanggang sa tuluyan nga siyang makaupo.

Beyond PleasureWhere stories live. Discover now